Ngayon gabi ay dapat gumawa na ako ng aksyon, kailangan ko mag punta sa St. Paul para mag imbestiga. Wala ako kaalam alam sa mga ganitong operasyon pero kailangan kong subukan. Pag katapos ko ayusin ang magiging takbo ng aking misyon ay kinandado ko ang walk-in closet ko. Dapat maging maingat ako sa mga bawat galaw kundi ay mahuhuli nila ako at kapag nanyare 'yon imposible na makabalik pa ako sa totoong mundo.

Nag palit ako ng damit na mas komportableng suotin. Ngayon, dapat ay makaalis ako dito sa bahay na hindi napapansin ng kahit sino'man. Alas dyes ang palitan ng bantay sa harapan ng aming bahay at ito ang magandang paraan upang makatakas ako. May sampung minuto pa ako para mag hintay rito. Simula nung namalagi ako rito ay hindi ko na maiwasan ang kabahan para saakin sarili. Hindi ko akalain na kaya ko gawin ito pero kung 'di ko susubukan ay ako rin ang mapapahamak.

Dalawang minuto na lamang ang aking hinihintay pero kailangan ko na makalabas dito saakin kwarto. Kinuha ko ang aking bag na may laman ng mga importanteng bagay. Bago ako tuluyan lumabas saaking silid ay sinigurado ko muna na walang ibang tao na malapit saakin. Kung ako ay pag mamasdan siguradong mukha ako mag nanakaw dahil na rin saakin pigura at sa'kin kilos.

Sa may hardin ako dumeretso marahil ay tanaw dito ang bawat panyayare sa tarangkahan. Tinignan ko ang aking orasan upang siguraduhin kung ito na ba ang tamang oras. Nang makita ko na nag lakad na ang aming guwardiya ay lumapit na ako bahagya samin tarangkahan. Kumuha ako ng bato at itinapon sa ibang gawi ng aming bahay upang mapukaw roon ang atensyon ng mga guwardiya. Mabuti na lamang ay nakalabas ako ng aming bahay na hindi nahuhuli ng sino'man at dahil do'n ay guminhawa ang aking pakiramdam.


Madali ako nakaratingin sa paaralan ng St. Paul pero hindi ako sa may harapan dumaan marahil ay mas doubleng higpit na ang ginagawa ng mga guwardiya rito, 'di tulad nakaraan na malaya nakakapasok ang mga nais pumasok. Kailangan ko rin makuha ang talaan ng mga pangalan na pumasok rito nung araw na iyon.

Sa sobrang laki ng paaralan kailangan ko muna makita ang punong-tanggapan upang hanapin ang mapa ng paaralan at ang lugar kung saan namatay si Sophia. Nag lakad ako bahagya, sa totoong mundo madalas ito makikita sa sentro ng paaralan o kaya sa may malapit ng kahera ng paaralan.

Hindi nag tagal ay nakita ko na rin ang silid na aking hinahanap. Nag suot muna ako ng guwantes upang hindi matiktikan ang aking bakas ng darili. Tulad ng aking inaasahan na nakandado ang silid na ito kaya kinuha ko ang panusok upang mabuksan ito ngunit ang hirap. Sa pangalawang pag kakataon ay kinuha ko ang Id sa akin bag, madalas ko na rin 'to ginagawa kapag nasasara ang aming pintuan sa paaralan.

Nang mabuksan ko ang pintuan ay dumeretso na agad ako sa mga dokumento na nakalagay sa kahon. Habang abala ako sa pag hahanap ng mapa at talaan ay may narinig ako yapak kaya't nag tago muna ako sa likod ng mga kurtina. Mabuti na lamang ay makakapal ang yari nito kaya 'di mapapansin ang aking presensya. Nag liwanag ang buong paligid senyales na may tao na rito bukod saakin.

"Kailangan mo na po mag pahinga. Masyado na naubos ang iyong lakas"

"Hindi maaari hangat 'di pa rin naaayos ang kaso na ito" narinig ko ang tinig ng aking ina. Hindi na ako mag tataka kung bakit pa s'ya naririto sa ganitong oras. Kahit na tapos na ang kaso ang dami n'ya pa kailangan asikasuhin. Pati ang pangalan ng paaralan ay nadamay rin.

"Mag papahinga muna ako sandali. Ikuha mo na lang muna ako ng kape" utos ng aking ina. Pag kasarado ng pinto ay narinig ko nag buntong hininga ang aking ina. Siguradong pagod na pagod s'ya ngayon araw. Nanatili lamang ako rito sa likod ng kurtina, hindi maaari na makita ako rito ng aking ina. Mga ilang sandali ay bumukas muli ang pintuan.

"Ito na ang iyong kape. Mamaya ay umuwi ka na muna para makapag pahinga, ako na muna ang bahala rito" tinig ng isang lalaki pero hindi ko s'ya kilala. Siguro ay isa rin sa mga taga pamahala rito sa paaralan.

"Osige kung may kailangan ka 'wag ka mag taubili na tawagan ako" natahimik bahagya ang buong silid. Kailangan ko lamang silang hintayin na makalabas rito sa silid na ito at makuha ang akin kailangan.


Mga ilang sandali ay narinig ko na nag paalam na ang aking ina sa lalaki na kanyang kausap. Tumingin ako sa aking relo at alas onse na ng gabi. Pag kapatay ng ilaw hudyat na nag iisa muli ako ay umalis na ako sa aking pinapagtaguan at patuloy na nag hanap na aking kailangan. Hindi ako nahirapan sa pag hahanap ng talaan ngunit ang mapa ng paaralan ay hindi ko makita. Kumuha ako ng dagdag na kopya ng talaan na pumasok sa paaralan na ito.

Nag hanap ako sa mga nakarolyong papel. Kailangan ko na ito mahanap bago pang may pumasok muli rito. Binuklat ko ang mga iilang papel na naririto, ang iilan ay mga plano sa mga itatayong panibagong gusali rito sa paaralan ngunit kailangan ko makita ang kabuoan ng paaralan. Hindi nag tagal ay nakita ko na rin ang aking hinahanap ngunit walang ibang kopya nito. Sana ay wala ibang makapansin na nawawala ito.

Tinignan ko ang mapa ng paaralan. Sa aking pag kakatanda ay may narinig ako tinig nung unang beses ko napadpad dito at malapit iyon sa silid aklatan. Kumuha ako ng pentel at binilugan ang lugar na posibleng nanyare ang krimen na iyon. Pag katapos ko ay inilagay ko na ang lahat ng aking gamit sa bag pati na rin ang nakuha kong impormasyon.


Pag kalabas ko ay dumeretso na ako sa silid aklatan. Imposibleng walang bakas na naiwan rito. Hindi ako maaari gumamit ng flashlight dahil baka meron makapansin sa liwanag nito.

Suot ko pa rin ang aking guwantes para kahit ano ang aking hawak ay walang bakas na maiiwan. Kinalikot ko ng bahagya kahit ang mga basurahan na malapit rito, may posibilidad na may naiwan na bakas rito. Kahit na ako'y nandidiri sa aking ginagawa ay patuloy pa rin ako bagkus para rin naman ito sa aking sarili.




Lumipas ang kalahating oras ngunit wala pa rin ako makitang kakaiba kaya napag desisyunan ko na umakyat sa pangalawang malapag ng paaralan. May hagdanan rin kasi rito na malapit sa silid aklatan. Pinag darasal ko na sana ay may makita na ko bagay rito, kundi ay mas mahihirapan ako sa aking misyon.

Dahan-dahan ko nilakbay ang pasilyo na ito. Bawat sulok ay sinisigurado ko na malinis at wala ako naiwan na kahit ano ngunit napukaw ang aking atensyon sa panyo na nakaratay sa sahig, kulay pula ito. Kinuha ko ang supot sa aking bag at inilagay roon ang pulang panyo. May kung sino'man ang nakaiwan dito at posible makatulong rin ito saakin sa pag hahanap sa pumatay kay Sophia.



VeracityWhere stories live. Discover now