" Are you sure? You don't sound good. You we're trying to call my wife thrice so I figured you have something important to say. May problema ba, Mikkha?"

Hindi siya sumagot. Muling namasa ang mga mata niya. Ramdam niya sa tono nito na nag-aalala ito sa kanya. Sa totoo lang napakabigat ng dibdib niya. Gusto sana niyang makausap ang asawa nito para mabawasan naman ang lungkot at bigat na nasa dibdib niya. Kaso maging ito ay problemado rin sa kaibigan niya.

Gusto niyang tawagan si Megs pero natatakot siya na baka kapag sinabi niya rito ang problema niya ay baka maikwento nito sa pamilya niya. Ayaw niyang nag-aalala ang Mama niya sa kanya.

" Mikkha, I just want to remind you that we are friends too. If my wife is not around to look after you, gusto ko'ng maramdaman mo that I am also here for you. And I am willing to lend my ears from whatever problems that you may have."

Lalo lang siyang naiyak sa sinabi nito. Ngayon niya lang ulit naramdaman na may taong gustong makinig sa kanya.

" Thank you, Cj."

" So, do you want to discuss it here or you want to meet me up tomorrow at my resto?"

" Bukas na lang if you're okay with it."

" No biggie. I'll see you tomorrow. Lunch time okay?"

" Yup. That's fine."

" Alrighty. I will try to bring Zerynne. I cannot promise that she will come but I will atleast try."

" Thank you so much. I'll see you tom. 'Bye."

" Okay, 'Bye." And he hung up.

Humiga na siya sa kama matapos makipag-usap sa lalake. Wala na siyang ganang kumain since hindi rin naman uuwi si Migiel para sabayan siyang kumain. Hindi niya alam kung ilang oras ang lumipas bago siya dinapuan ng antok. Basta nakatulog siya na wala pa rin ang binata sa tabi niya.

ISANG mabilis na dampi ng halik sa mga labi niya ang gumising sa kanya kinabukasan. Nang magmulat siya ng mga mata niya ay bumungad sa kanya ang mukha ng asawa niya. Nagtaka siya ng makitang nakaligo na ito at naka-uniform na upang pumasok sa trabaho.

" I'm leaving."

" May pasok ka? I thought it's your weekend off." nagtatakang tanong niya rito.

" Overtime. Extra money." maikling tugon nito at saka lumakad na papunta sa may pinto.

" Hindi mo man lang sinabi sa akin na may pasok ka ngayon." masama ang loob na sabi niya. Dati-rati naman ay updated siya sa schedule nito.

" I was busy these past few weeks. So, I forgot to inform you."

Hindi man lang apologetic ang tono nito. Parang tinatamad pa na magbigay ng explanation sa kanya. Minsan gusto na niya itong tanungin kung saan na ba napunta ang sweet na lalakeng pinakasalan niya.

Akmang lalabas na ito nang maisipan niyang itanong kung anong oras ito umuwi kagabi. Hindi man lang niya namalayan na umuwi ito.

" What time did you come home last night?"

" Eleven o'clock. I gotta go. See you later." at nagmamadali na itong umalis.

Napabuntong-hininga na lang siya nang tuluyan na itong maglaho sa paningin niya. Hindi na niya gusto ang tinatakbo ng relasyon nila. Nami-miss na niya ang dating sweetness ng asawa niya.

Napatingin siya sa malaking wedding portrait na nasa wall ng silid nila. Nakaka-miss yung nakakatunaw na tingin ng asawa niya at simpatikong ngiti nito. Kelan kaya ulit siya tititigan ng ganito ng asawa niya?

Life After MarriageWhere stories live. Discover now