" We'll keep on trying."

Bakas ang disappointment sa tono nito. Alam niya na umaasa rin ito na this year ay baka mabuntis na siya.

" I gotta go. I will make dinner for Martin. See you later."

She did not respond and hung up on him. Lately, simula nang miscariage niya ay tila nagbago ang pakikitungo ng asawa niya sa kanya. Hindi na ito masyadong sweet sa kanya. Kaya minsan ay hindi niya maiwasang magselos sa tuwing makikita niya na nilalambing nito ang anak ni Meryll.

Alam niya na bata iyon but she cannot stop herself from being jealous dahil pakiramdam niya ay naging kahati na niya ang bata sa atensyon nito. Hindi naman nito sariling dugo ang bata. And it actually bothered her dahil anak ito ng Ex ng asawa niya. She isn't just a friend. She was his ex-girlfriend. At kahit loyal ang asawa niya ay hindi niya maiwasang isipin na baka isang araw ay muling mahulog ang loob nito sa babae.

She shook her head at the thought. Sumasakit na ang sintido niya sa pag-iisip ng kung ano-ano. Hindi niya maiwasang hindi mag-isip ng masama dahil nasa bahay lang naman siya all day. Kahit gusto niyang magtrabaho ay hindi rin naman papayag si Migiel. At isa pa umaasa rin siya na baka mas mabilis siyang magdalang tao kapag nasa bahay lamang siya.

Napatingin siya sa wall clock. Alas sais na ng gabi. Para siyang mababaliw sa katahimikan ng bahay. She needed some fresh air and so she decided to call her friend. Nakailang dial siya sa number ni Zey pero hindi ito sumagot.

Bigla niyang naisip ang kalagayan ng kaibigan niya. They never hang out simula nang mamatay ang anak nito last year. Sobrang nami-miss na niya ito. Ang huling beses na nakita niya ang kaibigan niya ay nung nagkaroon siya ng miscariage. After that they never see each other again.

Bihira lang rin itong sumagot sa mga tawag niya. Although she would sometimes respond to her messages pero hindi naman ito nagku-kwento about what's happening to her life in New York.

Ilang sandali ang lumipas at nag-ring ang cellphone niya. It was Charles. She answered the call.

" Hello, Cj."

" How are you, Mikkha? Zerynne, wasn't able to pick up your call so I decided to call you."

" Is she busy or she doesn't want to talk to me." hindi niya mapigilan ang hinanakit sa tono niya. She misses her bestfriend. Yung dating Zey na handang makinig sa mga hinaing niya sa buhay. Mula ng mag-asawa na sila at magkaroon ng kanya-kanyang pamilya ay nabawasan na ang time nila na makipag-communicate sa isa't-isa. She really missed the good old days.

" It's not that she doesn't want to talk to you but you know what's going on with her, right?" malumanay na sabi ni Cj.

" I miss the old Zey. I miss my bestfriend." tila maiiyak na sabi niya. Pakiramdam niya kasi ay tila napakahirap nang humingi ng atensyon sa mga taong malalapit sa kanya. Wala naman siyang ibang kamag-anak at kaibigan dito sa States na makakausap sa tuwing nalulungkot siya.

" You're not alone. I miss my wife too. I don't want to say this but the way she is acting, pakiramdam ko she is slowly drifting away from me. I am trying my best to understand her but sometimes it's just too much to bear. I still love her though."

Ramdam niya ang lungkot sa tono nito. Parang ganun rin ang nararamdaman niya kay Migiel. Mula nang magka-miscarriage niya pakiramdam niya medyo lumayo na ang loob ng asawa niya sa kanya. Ayaw niyang isipin na tama ang nararamdaman niya but the way he is acting ay malayong-malayo sa unang taon na mag-asawa sila.

" How's everything with you? Are you doing okay?" untag ni Cj sa kabilang linya nang hindi siya sumagot.

" I am doing good." she kept her answer short. Ayaw niyang makahalata ito sa problema niya.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now