Chapter One

1.2K 86 10
                                    

MABILIS na tumulo ang mga luha niya nang makita ang isang guhit na linya sa pregnancy test kit na hawak niya. Muli ay nabigo na naman siya sa pag-asang nagdadalang tao na ulit siya.

Walong buwan na ang nakakaraan mula nang makunan siya sa ipinagbubuntis niya noon. Tatlong buwan na siyang buntis noon pero sa kasamaang palad ay nahulog ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

Mahigit dalawang taon na rin silang kasal ni Migiel. At hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Hanggang ngayon ay malungkot pa rin siya dahil sa miscarriage na nangyari sa kanya. Pinagsisisihan niya na hindi siya nakinig sa asawa niya na huwag ng magtrabaho habang nagdadalang tao siya.

Itinapon niya sa trash can ang testing kit at saka naghugas ng mga kamay. Lumabas siya ng kwarto niya na umiiyak pa rin. Umupo siya sa gilid ng kama niya.

Ang bilis ng oras. Gabi na naman pala. Hindi na niya namamalayan ang petsa at oras dahil wala naman siyang trabaho na. She decided to stay home and be a plain housewife. Nagbabaka-sakali kasi siya na baka mabuntis ulit siya.

Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Dinampot niya iyon at sinagot. Si Migiel ang tumatawag.

" Hey, I'm not gonna eat dinner at home. I'll be home late." bungad kaagad nito pagkasagot niya.

" Are you doing an overtime?" malungkot na tanong niya.

" No, but I'm here at Meryll's condo. She asked me a favor if I can look after Martin since she will be coming home late tonight."

Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang magalit but she tried her best to control herself. Nakakapagod na rin na makipag-argue about sa issue na ito.

" Again? Last week lang nandiyan ka. Can't she hire a 24/7 baby sitter for her son?" pigil ang galit na sagot niya.

" You know how expensive it is to hire a baby sitter here. Saka okay lang naman sa akin to look after the kid. He is my godchild anyway."

How insensitive. Hindi na nga siya tumutol na makipagkaibigan sa ex girlriend nito. But to ask something like this is a bit too much. May tiwala naman siya sa asawa niya. Pero hindi niya maiwasang magalit sa babae dahil tila ginagamit nito ang bata para lalong mapalapit muli ang loob sa asawa niya.

At dahil masyadong mabait ang asawa niya at bilang inaanak nito ang bata ay hindi ito makatanggi sa tuwing papakiusapan ito ng babae. Plus sabik sa bata ang asawa niya. Parang anak na nito kung ituring ang bata. Minsan nga ay nag-stay pa ng two days ang bata rito nung nagkaroon ng seminar sa Pensylvania ang babae. Wala raw kasing kamag-anak na mapag-iwanan kaya si Migiel lamang pinagkakatiwalaan nito sa bata.

Inshort, si Migiel na halos ang naging acting Daddy ng bata. Dahil lumipat na sa ibang state ang lalakeng nakabuntis sa dalaga. The guy settled with another lady and moved back somewhere in South. Nakakaawa rin naman ang bata. Pero hindi niya maiwasang magalit at magselos. May nakaraan pa rin ang mga ito. Hindi nga lang niya iyon masabi sa asawa niya dahil siguradong mag-aaway lamang sila. Wala naman daw siyang dapat ipag-alala because he is just helping her out. Afterall, may pinagsamahan naman daw ang dalawa.

" How's your day by the way?" untag ng asawa niya sa kabilang linya.

Hindi siya sumagot. Naalala niya yung result ng pregnancy test.

" Did you do the test? Any good news?"

She remained silent. Makakipas ang ilang minuto ay narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng asawa niya sa kabilang linya.

" I guess it's negative again, right?"

" Yup." maikling tugon niya.

He sighed again.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now