"Minahal mo ba sya? 3 months na kayo paniguradong may feelings ka sa kanya." tanong nya sabay tingin sakin.  Hindi iyon napapansin ni Dale.

"I just find her cute but no, I dont love her.  She just like a little girl to me.  Masyado syang nakadepende sa iba. So immature." sabi nya na nakapagpatulo ng luha ko. Feeling ko durog na durog na ko.

"I love you Anika. Only you. So please wait hanggang sa maiwan ko na sya." dagdag nya pa.

"I love you too." hinalikan nya si Dale habang nakatingin sakin. Para akong tangang nakatingin sa kanila.

Ano bang ginawa ko nung past life ko? Bakit parang may galit sakin si Kupido?

"I need to go Darling. She's waiting for me. Wait me here huh?" paalam ni Dale kay Anika.

"No need Dale.  She's right there!  Looking at us like a fool! Poor girl." tumatawang turo sakin ni Anika. 

Unti-unting lumingon sakin si Dale.  Kita ko ang pagkagulat nya dahil nandito ako sa likod nila. Umiiyak at durog na durog sa nalaman kong pang gagago nya.

"J-jastine, ka-kanina ka pa ba d'yan?" nauutal nyang tanong habang papalapit sakin.

Hindi ako umimik.  Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa makalapit sya sakin.

Paaaaakkkkkkkkkkk! Binigyan ko sya ng isang malakas na sampal.

"You bitch!" sigaw sakin ni Anika at akmang sasabunutan nya ako ng may humarang sa kamay nya galing sa likod ko. Si Kirt! Kelan pa sya d'yan?

Hindi ko pinansin si Kirt at Anika. Nakatingin lang ako kay Dale habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Im sorry Jastine." nakatungong sabi ni Dale sakin.

"You're sorry? You're sorry!?" sigaw ko sa kanya.  " Dale ba't ka naman ganyan?! Hindi ka manlang nag-effort na sabihin sakin na hindi mo naman pala ako gusto eh ba't jinowa moko?? Ha?!  Hindi ka na nga nag-effort sa relasyon natin tas hindi ka pa nag effort na sabihin sakin na hindi mo talaga ako mahal!" sigaw ko sa kanya.

"Alam mo kase Dale mahal kita eh! Sobrang mahal kita! Akala mo ba madali lang magkagusto at mahalin ka??" humihikbing tanong ko sa kanya. "Ang hirap Dale! But I try. I try so hard but you make me feel worthless."


"Sana kase sinabi mo sakin na hindi mo ko mahal diba? Bibitawan naman kita eh, kahit masakit. Tatanggapin ko." humihikbing sabi ko sa kanya.

"I try to be a good girlfriend Dale. Eh ako nga nanunuyo satin eh! Proud ka pa? Bading ka ba?? Letche ka,  ang sakit kaya.  3 years and 3 months kitang nagustuhan tas ganito lang gagawin mo sakin?! Damn you Dale! Both of you!! " sigaw ko.

"Im so sorry Jastine!" naiiyak na sabi ni Dale at akmang hahawakan nya ako pero agad kong inihampas sa kanya yung paper bag.

"Anong naging kasalanan ko sayo Dale para gawin mo sakin to? All I did is to be good to you." tanong ko habang kumakawala ang mga luha ko pero hindi sya sumagot. " "Salamat sa 3 months na nakatagong relasyon. I hate you Dale. Get lost." mahinahon kong sabi sa kanya.

Tumalikod na ako habang tahimik na nag-iiyak. Hindi ko alam kong san ako pupunta. Hindi ko alam kung may pupuntahan ako. Gusto kong magwala pero nanghihina ako.

Naglakad lang ako ng naglakad habang nakatungo at umiiyak.  Lahat ng nakakasalubong ko lumilingon sakin.  Nagtataka siguro kung bat ako umiiyak pero wala akong pakialam.

Natagpuan ko ang sarili ko sa amusement park. Buti na lang at walang tao rito. Baka isipin nilang nababaliw ako dahil sa itsura ko. 

Naupo ako sa swing. Gusto kong pigilang umiyak dahil hindi ako pwedeng makita ni Dad na ganito. Tumingala ako sa langit para di tumulo ang mga luha ko pero pilit silang kumakawala.  Lalong sumasakit ang dibdib ko dahil sa nangyari. Inihilig ko ang ulo ko sa tali ng swing at ipinikit ang ulo ko. 

Naramdaman kong may umupo sa duyan na katabi ko pero hindi ko tinignan. Baka bata lang.

"You can cry if you want. Wag mong pigilan. Lalo lang sasakit ang nararamdaman mo. I wont leave you here.  I promised."mahinahong sabi ni Kirt.

Hindi ko alam kong bakit nandito sya o dahil sinundan nya ako pero dahil sa sinabi nya hindi ko na napigilang umiyak.

Sobrang sakit...

-----------------

Fix YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum