Nagkibit balikat lang ako at akmang aalis sa pinagkataguan ko ng nagsalita yung babae.

"Kelangan mo ba talaga syang puntahan?!" inis na tanong ng babae sa kasama nya. Parang pamilyar yung boses nya pero hindi rin ako sure.

Narinig ko namang palabas na yung lalaki dahil narinig kong sinarado na nito ang locker nya. Sinong player kaya to? Lumingon ako sa paligid para tignan kung may may ibang tao. Baka sabihin naninilip ako.

"Yeah.  I need to.  You know it's our 3rd monthsary. Siguradong may ibibigay yun sakin."

0_0

Nabitawan ko yung paper bag na hawak ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw.  Nanatili akong nakatago sa pinagtataguan ko. Hindi maaari.

Dale bakit?

" Darling, nabitin ako eh! I want you more pleaseeeee. " nakangusong sabi nito kay Dale.

Parang dinudurog ang puso sa sobrang sakit. Darling? Kung ganun sya yung tumawag sa kanya nung tinawagan ko si Dale?! F*ck this!

"We can continue in your dorm darling. I just need to see her. 
don't worry, I will give you an unforgettable pleasure later." sabi nito sabay halik kay Anika.

Damn it! Bakit nyo ginagawa sakin to?!

"Bakit ba kase hindi mo pa sya i-break Dale!? Sabi mo sakin iiwan mo na sya diba?!" inis na sigaw ni Anika kay Dale.

"Hihiwalayan ko naman talaga sya eh.  I just need a perfect timing.  Yung parang wala na ko sa kanya para naman hindi ako magmukang masama." paliwanag dito ni Dale.

"Timing? Ito na yun.  Iwan mo na sya.  Bakit mo ba naging girlfriend yun ha? Ang plain nya kaya.  Saka isa pa wala syang kwenta." sabay irap ni Anika.

Nakikinig lang ako sa kanila.  Gusto ko man na sabunutan si Anika at sampalin si Dale,  hindi ko magawa. Sobrang sakit! Putcha naman!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Susugudin ko ba sila? Tatakbo? Hindi ko alam dahil hindi ko alam kong anong tumatakbo sa isip ko. Pero may part sakin na gusto kong marinig lahat.

"It's hard to broke up with her dahil alam ng mga kaibigan nya ang relasyon namin.  I told her not to tell them but she doesn't listen to me. Mainit ang dugo sakin ng mga yun dahil siguro nararamdaman nila na hindi ako nag e-effort sa relasyon namin ni Jastine.  " naiiritang paliwanag nya.

Kung ganun yung ang dahilan nya kaya ayaw nyang ipagsabi? Para kayang kaya nya akong saktan at paikutin??

"Hays,  you know that bitches naman! Eh bakit mo nga kase naging girlfriend yun?!" sigaw ulit ni Anika.

"Dahil crush nya ko for almost 3 years. Masyado syang baliw na baliw sakin kaya kahit ako ang dahilan ng away namin sinusuyo nya ako.  Nakakatawa sya,  parang takot na takot syang maiwan kaya lahat ginagawa nya para magtagal kami." natatawa pang sabi nya kay Anika.

Takot maiwan?? This is bullshit Dale! Gusto ko syang sigawan pero parang nanghihina ako.  Ang sakit sakit talaga!

Napahawak ako sa pinto dahil feeling ko mag be-break down ako.  Gusto kong magwala. Gusto kong manakit!

Nakaharap sa part ko si Anika pero dahil matangkad si Dale hindi nya ako nakikita. Nag flip hair si Anika at akmang yayakapin ang braso ni Dale ng magtama ang mata namin.  Nginisihan nya lang ako at humarap kay Dale.

Fix YouWhere stories live. Discover now