Chapter 15

228 4 0
                                    

"May oras ka sa mga bisyo mo pero sa mga anak mo wala. Anong klase ka namang daddy, Kuya?"

"You know what, Kuya. Hindi mo na dapat kinuha ang kambal sa tunay na ina ng mga ito kung hindi mo naman pala kayang alagaan."


"Napaka-selfish mo, Kuya. Ginamit mo lang ang mga inosenteng bata para makuha ang pamana na galing kay Lolo samantalang 'yong tunay na nanay ng mga bata, nangungulila sa mga anak niya pagkasilang pa lang nila."


"Sana nasa isip mo rin  'yan noong ginawa mo ang mga kundisyon ni Lolo Roman."



Maria Zephyrine's words kept on repeatedly playing in Aeon's head ever since he closed his eyes to sleep.

Kanina pa niyang alas otso inihanda ang sarili para matulog pero parang sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga katagang binitiwan ng pinsan. Those words just couldn't put him to sleep.


"F*ck, self! Your cousin was just trying to guilt you. Stop repeating her words in your head!" mariing saway niya sa sarili.


Darn, Maria Zephyrine! Why are your words so powerful that the guilt in me was starting to be awaken?


Dahil sigurado siyang hindi pa rin naman siya papatulugin ng mga nakaririnding boses ng pinsan niya sa kanyang isip, marahas na bumangon siya buhat sa kama at saka tinungo ang hagdan pababa sa comedor.



Mula sa kaniyang sariling mini bar kumuha siya ng apat na bote ng alak saka nagdiretso sa swimming pool sa likurang bahagi ng mansyon. Umupo siya sa gilid ng pool at hinayaang bumabad ang mga paa sa medyo malamig na tubig ng swimming pool.



Binuksan niya ang takip ng bote at saka agad na tinungga ang laman niyon hanggang sa mangalahati.

Aeon looked up at the sky.


It was not quite dark. May mangilan-ngilang bituing nagkikislapan sa kalawakan.

Dahil sa ginawang 'yon, hindi niya tuloy naiwasang maalala ang kabataan niya.


When he was still a child, he used to believe that the stars have superpowers. Like any other kids as his age, naniwala siyang tinutupad ng mga bituin ang mga kahilingan ng mga tao. Kaya sumubok siya noong humiling sa mga ito.


He had wished to see his mom. He had wished he could be with her on his birthdays. He had wished he could be with her every time. Pero hindi yata narinig ng mga bituin ang mga kahilingan niya noon dahil ni isa walang natupad ang mga ito.


Sumilay ang mapaklang ngiti sa mga labi ni Aeon.



"!Mierda¡ I can't believe myself for believing that the stars had powers to grant my wishes!" Di makaniwalang palatak niya sabay tungga muli sa bote ng alak. "Well, I'm an adult now. Hinding hindi na ako magpapauto kahit kanino . . . kahit pa sa pinakapaborito kong pinsan." Natawa pa siya sa sariling sinabi. Pero agad ding natigil ang pagtawa niya nang tuksong nagsimula na namang mag-play sa utak niya ang mga kataga nito.



"King ina!"



Aeon immediately fished his phone in the pocket of his boxers and dialed his cousin's number. Ilang ring ang nakalipas bago nito sagutin ang tawag niya.



"Hey, kuya!" she greeted from the other end of the line.


Automatiko pang inilayo ni Aeon ang cellphone sa tenga niya nang marinig ang malakas na tugtugan at tilian mula sa background ng pinsan.



Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon