Chapter 21

185 3 2
                                    

Tadz couldn't deny the fact that her boss, Aeon Grae de Dios was looking like a real pro baker in the kitchen. Bagama't tanging suot lang nitong pang-itaas ang apron nito, hindi mapagkakailang seryoso ito sa ginagawa. Malayong-malayo ang Aeon na kasalukuyan niyang nakikita sa Aeon na madalas niyang nakakasalamuha.

He was really serious and busy at what he was doing that he hadn't realized she was there, standing on the entrance of the kitchen. Mga ilang minuto na rin siyang nakatayo roon, nag-aalangang pumasok. Baka kasi maistorbo niya sa ginagawa ang amo.

Kukuha lang sana siya ng maligamgam na tubig para sa dede ng kambal. But till now, she was still stuck to where she stood.

Hindi niya alam kung bakit, pero tila nawili rin kasi siyang panoorin sa ginagawang pagbi-bake ang kaniyang boss. She was also kinda amuse. Parang wala naman kasi sa aura at personalidad nito na marunong o mahilig itong mag-bake.

Sa totoo lang, hindi siya makapaniwala kay Maze nang sinabi nito noong ang pinsan nito ang nag-bake ng cheese cake na dinala nito sa condo unit nito. Pero ngayong nakikita na mismo ng dalawang mata niya na totoo nga 'yon, hindi na siya nag-aalangang paniwalaan na iyon.

"You know I can feel the weight of your stare, right?"

Bahagyang napaigtad si Tadz nang marinig ang boses ng amo. Luminga siya sa bandang likuran, sinisiguradong siya ang kinakausap ng binata. Hindi naman kasi ito nakatingin sa direksyon niya. Nanatili ang pokus nito sa pag-ahon sa ginawang mini cheesecakes sa oven. Wala sa loob na napasinghap pa siya nang maamoy ang mabangong aroma ng kaaahon lang nitong cheesecakes.

"Who do you think I'm talking to? Tayong dalawa lang naman ang nandito."  Sa wakas ay lumipat na ang tingin nito sa kaniya pagkalapag ng molding tray sa countertop.

Aeon held her gaze as he slowly and teasingly took off his apron leaving his upper body exposed to her "not so innocent anymore thanks to his perverted boss" hazel brown eyes. 

Tadz couldn't help but gasp at the sight of his expose broad chest, 8-pack abs, flat stomach and his visible V line.

It wasn't her first time seeing him half naked (in fact she already saw him with all his naked glory) but she just can't normalize looking at his body without her feeling so sinful.

She should've been used to seeing him half-naked since he always go around the house shirtless but geez . . . kailanma'y hindi yata siya masasanay sa ganoon.

Nasanay rin kasi siyang silang dalawa lang ng mommy niya sa bahay and obviously, they're both girls kaya iba talaga sa pakiramdam niya na makakita ng hubad na lalaki na kampanteng paggala-gala lang sa loob ng bahay.

"Gusto mong matikman?"

That teasing voice of Aeon cut her trance. When she rifted her gaze off his exposed body, napadako ang tingin niya sa nakangising boss niya.

D*rn! She hadn't realized she was mindlessly staring at his upper body!

"Ano, do you want to taste it?"

"Of course not!" Mariing tanggi niya rito. How dare him ask that!

"Ay, sayang!" Nakalabing turan nito. "Ikaw pa naman ang gusto kong unang tumikim nito."

Sinundan niya ng tingin ang kamay nitong marahang humahaplos sa dibdib nito patungo sa tiyan nito at pababa pa roon sa . . . . . .

sa cake na bineyk nito!

What the heck!

Tatawa-tawa pa ang damuho, aliw na aliw na makita ang mukha niyang
tila sasabog na sa init.

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon