Chapter 35

129 2 0
                                    

   It's already quite dark when Tadz woke up after long hours of sleep. As always, the first thing she would do was to check on the babies. Pero bago iyon, pinakiramdaman muna niya ang sarili. Medyo ayos na ang pakiramdam niya. She felt much better now. Hindi na kumikirot ang ulo niya. Marahil ay dulot iyon ng mahaba-haba ring oras ng pahinga.


Matapos pakiramdaman ang sarili, nagpasya siyang bumangon sa kama at tunguhin ang crib ng kambal ngunit hindi natagpuan ng kaniyang mga mata ang hinahanap. What welcomed her eyes was the empty wooden crib.

Inayos niya ang sarili at kaagad na lumabas ng silid.


"Are you looking for the twins?" tanong ni Miss Charlie nang makasalubong niya ito sa hagdan.





"Opo. Hinahanap ko nga ho sila. Nakatulog po kasi ako nang matagal. Pasensiya na po," hinging-paumanhin niya.



"You don't have to feel sorry, sweetie," Miss Charlie smiled at her. "Rest is what your body needs the most. I know us as moms need to have a break too. Hindi naman kasi tayo robot na hindi nagkakasakit. And don't worry, hija. Nasa room namin ni Hailey ang kambal. They're sleeping soundly." 


"Ganoon ho ba?" She wanted to check on them sana pero baka naman sabihin lang ng mommy ng boss niya na masyado siyang uncomfortable sa ideyang nasa pansalamantalang pangangalaga nito ang kambal. And she was worrying about how his boss feels and thinks about the babies being taken care of by his mom.



"Yeah," nakangiti pa ring sagot nito. "Ako na muna ang bahala sa kanila ngayong gabi. Kaya ikaw, go ahead and eat. Sinabihan ko na si Manang Auring na ipaghain ka ng pagkain sa oras na bumaba ka."



"Maraming salamat ho, Miss Charlie,"nahihiyang sabi niya.

Imagine, talagang inalala pa siya nito samantalang ang magaling niyang amo ay hindi niya alam kung saang lupalop naroroon.



Siguro'y abala ito sa pakikipag-party sa hardin. Rinig na rinig pa niya kasi ang ingay ng mga nagkakasiyahan doon.



Miss Charlie smiled at her once again. "I'd appreciate it if you'd call me mom."




Sa pagkakatanda niya'y pangalawang beses niya nang narinig buhat sa ginang ang kagustuhan nitong tawagin siyang "mom" but she just can't get herself to call her that. Bukod sa nahihiya siya'y wala naman talaga siyang karapatang tawagin ito gamit iyon. Besides, she seems too young to be called "mom" by her. Parang ang awkward lang.



"Anyway, kung hinahanap mo ang asawa mo, he's in the garden. Nakikipagkasiyahan sa mga trabahador at mga pinsan niya roon."




"Sige po, Ma'am, I mean "mom". " She said and an awkward smile can't help but to show up on her face. But it made Miss Charlie's smile grew bigger.



"That's more like it. Oh, sige na, go ahead. Bumaba ka na nang makakain ka."

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon