Chapter 9

347 6 2
                                    

Lifeless

'Yon ang unang salitang pumasok sa isip ni Tadz na pwedeng gamitin para ilarawan ang mansiyon na iyon na dating nagsilbi nilang tahanan.

Paano ba nama'y bukod sa malamlam na kulay ng buong kabahayan ay nangingibabaw din dito ang katahimikan.

By scanning the entirity of the house, Tadz could conclude that the mansion was way different from what it was before.

The sunny bright color it used to have has been changed into gray. White and gray ang pinaka-dominant color ng kabuuan ng mansiyon mula sa mga mwebles, kulay ng dingding, staircase, carpet at iba pang kagamitan.

Ang dingding ng sala na noo'y maraming nakapaskil na makukulay na paintings ngayo'y plain gray with touch of white na lang. Wala anumang nakasabit o nakadisplay man lang doon. Nakaboring kung titingnan dahil walang kaayos-ayos. Hindi rin "welcoming" sa pakiramdam. Tanging unang nakakaagaw lang ng pansin ay ang eleganteng chandelier na nakasabit sa ceiling ng sala at ang 50 inches LED TV.

Muli niyang nilibot ng tingin ang buong kabahayan.

A wave of nostalgia swept over her.

Wala sa loob na napabuntong hininga pa si Tadz sa biglang naisip.

"Kung kami pa siguro ang may-ari ng bahay na 'to, probably, this house wouldn't be this lifeless. I'm pretty sure if we still own this house and my mom was still alive, hindi niya hahayaang ganito ang magiging kulay ng bahay."

Bahagya siyang nakaramdam ng kalungkutan nang maalala ang yumaong ina.

Tadz' mom didn't like dim colors dahil masyado raw 'yong malungkot sa pakiramdam. That was why she had the house painted with bright colors before.
Mahilig din itong mangolekta ng paintings kaya naman dinidisplay nito iyon kung saang parte ng bahay nito gusto. She also loves gardening. Libangan nito noon ang pagtatanim ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Just too bad the flowers she had planted in the mansion's garden were all gone. Wala na ang mga ito tulad ng taong nagtanim dito.

Hindi na siguro naalagaan ang halaman nang maayos simula noong ibenenta nila ang bahay para pambayad sa utang ng daddy niya.

Sabagay, ilang taon na ba ang lumipas simula noon?

Lima?

Anim?

Yeah. It has been almost 6 years since they decided to sell the house and move in to her mom's province. Sa mga nakalipas na taon na iyon, masyadong marami nang nangyari sa buhay nilang mag-ina . . . partikular na sa buhay niya. Pero sa awa ng Diyos, nalagpasan nila ang lahat ng iyon. She and her mom had passed through the life challenges together but now . . . now that's she's on her own, Tadz isn't sure if she could make it in life.

She misses her mom so much. Nakakaramdam siya ng sobrang pangungulila rito lalo na't nagpapa-alaala sa kaniya sa kaniyang ina ang bahay na iyon.

Every time she looks at every corner of that house, she can't help but remember her mom, her dad and the happy and even sad memories they've had together. Minsan nga namamalayan na lang niya ang pagtulo ng mga butil ng luha buhat sa mga mata niya habang wala sa loob na nakatunganga sa kusina, binubuhay muli ang alaala ng pumanaw na ina. At times, she could see her mom in the kitchen, happily preparing food for her and her Dad. Before Tadz sleeps, she could even feel her kissing her goodnight on her forehead.

She could imagine her and her father in the sala fighting over a remote control. Basketball kasi ang gustong panoorin ng Daddy niya while her mom loves to watch teledramas. Meron namang isa pang TV sa loob ng kwarto ng mga ito but they said they wanted to watch together pero ang ending, magtatalo lang naman ang mga ito dahil magkaiba ang tipo na palabas. Her mom would walk out on him kapag hindi pinagbigyan. Pupunta ito sa silid ng mga ito at doon magmumukmok. Her Dad would follow her. Susuyuin ang mommy niya. Then after few minutes, Tadz could see them descending the stairs together. Nakaakbay na ang Daddy niya sa Mommy niya like nothing happened. Napakasweet ng mga ito noon sa isa't-isa. Tadz could always see and feel the love they had for each other.

Wanted: Perfect Nanny for the Heir's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon