Chapter 4 Crush

Começar do início
                                    

I should get a picture and send it to Maeve. Para kahit papaano ay makita niyang na aappreciate ko iyong effort niya. I blow dry my hair and leave it like that. I put some tint on my face and nothing more. Kapag may nilagay pa ako sa mukha ko ay huhulas lang iyon sa init.

I get and checked my purse. Nandon iyong card ko and some cash. Inilagay ko na din doon iyong cellphone ko dahil baka maiwan ko na naman. Buti nalang ay puti iyon at nababagay naman sa soot ko.

It's actually the only handbag I have and it's actually just a wristlet Michael Kors bag. Walang kasya doon kundi pera at cellphone ko. Wala na akong space para magdala pa ng bag noong umalis ako.

Sinabi ko kila Lisa na ako nalang ang pupunta sa kanila kaya huwag na nila akong sadyain dito. Nilock ko ang bahay at lumabas na doon. Only with my sandals, nararamdaman ko ang pinong buhangin na hindi nakakalagpas sa aking paa.

The sound of waves is clearer now. Hindi ko parin mapigilan na mapatingin doon. Hindi nga lang rin ako nagtagal dahil nakatutok ang araw at baka matusta ako. I walk and I can't help but look at Damian's place.

Nagulat ako ng makita siya doon at may kausap sa cellphone. Na naman? Hindi rin naman niya hilig 'yon ah. Nang tumingin siya sa akin ay napansin ko ang pagkunot ng noo niya. I didn't give him a smile and just looked away.

Baka mamaya mag smile ako tapos isnobin niya ako, huwag nalang. Hindi ko na siya nilingon ulit at nagpatuloy sa paglalakad. I immediately saw Jennie in front of their house.

"Ang taray ng OOTD! Ganda ka?" Jennie said playfully. Umiling naman ako at natawa rin sa kaniya. She's wearing a mom's jeans and a black blouse. Nagmukha siyang payat lalo na bumagay naman sa kaniya.

"Where's Lisa?" I asked as I looked around.

"Ay nako! Akala mo kung saan pupunta hindi ko alam kung bakit ang tagal!" naiinis niyang sabi with her unique facial expression. Napailing nalang ako.

Nabaling ang tingin ko nang may lumapit sa amin. When I saw James, I smiled. It's nice to see people that are already familiar to me. Feeling ko belong na ako dito.

"May lakad kayo?" agad niyang tanong sa amin. He smiles shyly at me.

Si Jennie na ang sumagot, "May ipapasa kaming requirement sa school. Bakit ka nagtatanong? Porket nakita mo lang itong si Aisa!"

Mahina ko naming siniko si Jennie. Nakita ko kung paano siya tiningnan ni James na mukhang naiinis pero hindi gaanong seryoso.

"Type mo?" she casually said. Siniko ko ulit siya. Nakakahiya! "Sorry nalang may type tong-"

"Lisa!" agad kong sigaw nang mamataan siya. Buti nalang dumating na. Kung anu ano na naman kasi ang lalabas sa bibig nitong si Jennie.

May type na ano? Hindi pa natutuloy ang sinabi niya parang may naiisip na 'ko. No way!

"Napakatagal mo naman akala mo may magbabago sa pagpapaganda mo." Hindi ko talaga alam kung magkasundo talaga 'tong magpinsan na 'to o ano.

I saw Lisa rolled her eyes and turned her face to me. She smiled at me pero yung parang may gustong ipalabas. "Ganda naman nito, may pinaghahandaan?" Lisa looked at me from head to toe kaya lalo akong nahiya.

I licked my lips and shook my head. Hindi pa ba kami aalis?

Nang mapagmasdan siyang mabuti ay halos parehas lang sila ni Jennie ng soot. Nahiya talaga ako dahil sa dress ko. Is this too much? I don't have anything to wear but this anyway!

"Puro ganito ang damit na dala ko..." sagot ko nalang.

Ngumiti na naman ito ng nakakaloko sakin saka bumaling kay James at inirapan, "Ginagawa mo dito?"

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora