Ang Riot sa Restaurant (The Craziest Eksena ever!)

474 38 3
                                    


XXVIII.

Ang Riot sa Restaurant

(The Craziest Eksena ever!)

Before the disturbance...

Justin's POV

Sa totoo lang, nalulungkot ako kapag nakikita ko si Maddy na nalulungkot dahil nakikipagkita ulit si Joven kay Alexis. Pero hindi iyon ang dahilan kaya niyaya ko siya na inisin si Joven sa restaurant. Ginawa ko iyon kasi—kapag pumunta kami doon, para na rin kaming nag-date.

Isa pa, gusto ko lang talagang asarin ang pinsan ko. I think it would really tick him off kapag nakita niya kami ni Maddy sa restaurant na 'yon. Siguradong mapipikon siya at nahuhulaan ko na na nakakatawa ang mga mangyayaring eksena.

Of course, may plano na ako. Pero itatago ko muna iyon kay Maddy...

***

Maddy's POV

At exactly seven-fifteen, fifteen minutes bago ang dinner nina Sungit, nasa tapat na kami ng Jason and Freddy's. Mukhang thematic nga ang restaurant, dahil sa labas ay kita ko na ang mga poster ng horror movies. May mga natanaw din akong nakasabit na maskara ni Jason Vorhees sa pader. Hindi ko pa matanaw sina Sungit, pero alam kong nasa loob na sila, dahil naroon na ang kotse ni Sungit sa parking lot.

Tinitigan ko si Sir Justin. "Ano bang gagawin natin?" tanong ko.

Sir Justin smiled. He's very naughty looking ngayong gabi, sa di malamang dahilan. "Basta kung ano ang gawin ko, sumakay ka na lang."

"Fine. Basta walang masasaktan sa plano mong 'yan, ha?"

Sir Justin winked. "Wala. Tara na." Bigla niya akong inakbayan.

"Teka, kailangan naka-akbay?" sabi ko, nabibigla.

Ngumiti ulit si Sir Justin, tumaas-taas ang mga kilay. "Maniwala ka, kailangan talaga naka-akbay."

At sino naman ako para mag-inarte, 'di ba?

***

Justin's POV

*in a sing-song voice*

Naka-akbay ako kay Maddy... Naka-akbay ako kay Maddy...

Medyo weird ba? Pasensiya na, in-love lang.

*grins*

***

Maddy's POV

Pumasok na kami sa loob ng Jason and Freddy's. Parang Victorian house ang tema ng lugar, iyong tipong doon ang setting ng novels ni Jane Austen. Sakto lang ang lamig doon, natimpla ng mabuti. Mabuti na lang at hindi orange na ilaw ang mayroon doon—kasi for some reason, nade-depress ako sa mga orange na ilaw. Puti ang ilaw doon pero hindi masakit sa mata. May music na nagpe-play, pero classical, orchestra.

In fairness, kahit tunog horror movie ang lugar, halatang hindi iyon pipitsugin.

Mabilis ang tibok ng puso ko, hinahanap ng mata si Sungit at si Alexis. I saw them, nasa bandang sulok ng restaurant, doon sa wala masyadong tao, nagtatawanan. My heart sank.

Mabuti na lang at nasa tabi ko na si Sir Justin. Nilapitan kami ng—potek ano bang tawag don... yong metedi? Ano ba 'yon, 'yong parang usher sa restaurant, yong ihinahatid ka sa table na pina-reserve mo? Metedi ba yon? Meterdi? Potek, basta yon.

Dinala nga kami ng—mete—never mind, dinala niya kami sa pina-reserve ni Sir Justin na table. Sa tapat lang ng table nina Sungit! Gusto ko sanang umatras, naisip na absurd nang inisin pa namin sila, pero eto na, eh. Push na.

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon