Ang Hindi Pang-Prince Charming na Gawain ni Effing Weird Dude

698 41 15
                                    


XI.

Ang Hindi Pang-Prince Charming na Gawain ni Effing Weird Dude

(This chapter should come with a warning. Wag magpatuloy pag mahina ang sikmura.)

Joven's POV

Who the hell is Zorro?! Inisip ko yon nang inisip, lakad nang lakad sa office ko.

Pero bakit ba ako nagpapa-bother? Oh, I know. Because may pakiramdam ako na si Justin si Zorro. At ayokong maging bakla ang pinsan ko. Yep, that's it. That's absofuckinglutely it.

Nararamdaman ko na yon base sa tingin ni Justin kay Maddy. There's something. Kilala ko si Justin. Minsan lang siya nainlove. Kay Sheena, his neighbor. Sheena was fifteen years older than us. Ikinukuwento sa kin ni Justin na si Sheena ang nakakaintindi sa kanya. Si Sheena ang nakakaunawa sa takot niya sa mga bading. He said she somewhat healed him, with her touches and kisses.

Although Sheena's a psycho. She tried to seduce me once, kahit may relasyon sila ni Justin. I turned her down. Hindi ko sinabi kay Justin ang ginawa ni Sheena. Masaya kasi sa kanya ang pinsan ko. Nakita ko yon sa mata ni Justin. Kung pano niya titigan si Sheena na parang ang babaeng yon na ang pinaka-espesyal na nilalang na humihinga sa mundo.

They broke up years ago, after magpakasal ni Sheena sa DOM. From then on, hindi ko na nakita ang ganoong... uh, spark, sa mata ng pinsan ko.

Until Maddy came. The spark went back, gradually.

That scared me. For my cousin.

Because Maddy is more complicated than Sheena.

Maddy is... Maddy is...

Nagpunta ako sa mesa ko, kumuha ng kahon ng lapis, and started breaking them in two. Gawain ko na to kapag nai-stress ako.

Nakaka-limang lapis na ako nang marinig ko na ang excited na tili ni Maddy. Nainis ako. Bukod kasi kay Zorro, (Justin) may isa pa pala akong problema.

Si Effing Weird Dude.

Nagbali pa ako ng isang lapis bago lumabas ng opisina.

Nakita ko si Effing Weird Dude, hinahalikan na naman ang kamay ni Maddy. Titig na titig siya sa kamay ni Weirdo.

"I like your hands. They're soft... and they're so warm."

Alam ko yon. Nahawakan ko na rin kasi ang kamay ni Maddy...

"Thanks." Pulang-pula ang magkabilang pisngi ni Maddy.

Nilapitan ko na sila. "You're picking Maddy up?" tanong ko.

Binitiwan ni Effing Weird Dude ang kamay ni Maddy, sabay ngiti sa kin. I didn't like that smile. "Actually, pwede ba kaming magpahatid sa company car nyo? Nakalimutan ko kasi na coding pala ang kotse ko. Nagpahatid lang ako sa manager ko dito, na umalis din kasi maraming inaasikaso. Hindi naman ako puwedeng mag-commute."

"Pagkakaguluhan siya ng girls," dugtong ni Maddy, na parang inaapi ng buong bansa si Ryder.

"Sure," sabi ko. "Ako na lang ang maghahatid sa inyo, Mr. Francisco."

Okay yon para personal kong makita kung saan ang apartment ng lalaking to. That way kung magkaroon ng trouble, alam ko kung saan pupunta.

"Sasama ako! Sasama ako!" biglang sabi ni Justin, na parang magpi-field trip kami. Kinakaway pa ang kamay. "Puwede ba?"

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon