The Night A Terrible Thing Happened

491 38 0
                                    

XIX.

The Night A Terrible Thing Happened

After Jess came back to the company, naging maayos na ulit ang lahat. Bumalik na talaga ang lahat sa normal. Of course, alam ko na kailangan ko pa ring isipin kung paano ko pababagsakin si Sungit. But the thing is, I can't. Hindi ko kayang mag-isip ng plano na makakasira sa kanya. Parte na ako ng pamilya, eh. Medyo lefty na rin ako. Hindi ko kayang saktan ang kahit sino sa Left Brains.

Hindi pa naman ako kino-contact ni Princess Kokubu. Kaya sa ngayon, hindi ko muna yon iniisip.

Yes, everything was okay, when Jess returned. Halos lagi na kaming nag-uusap ni Jess. Pinilit ko siya na mag-sign up sa mga site for lesbians, o sumali sa mga ganoong group sa Facebook. Sinabi niya na sasali naman siya. Sir Justin is naturally sweet as ever. In fact lalo nga siyang naging sweet. Si Sungit, ayon, masungit pa rin. Pero nagkakabarahan man kami, mas madalas pa rin kaming magkasundo ngayon.

Sa ngayon, walang pasok ang buong kompanya at magkakasama ang buong editorial board dahil birthday ni... denderenen...

Birthday ni Sungit! Akalain mo, nagbi-birthday siya? Ahihi. Oo, halos magkasunod lang ang birthday nila ni Sir Justin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang ireregalo k okay Sungit. Kung sana, pwede kong akuin na ako na lang ang mag-blow ng birthday cake niya. Oy, oy, wala akong ibang ibig sabihin don, ha? Kasi ayoko lang siyang mapagod, kaya ako na ang gagawa—

Ok, you're not convinced. Bahala ka. Anyway, nasa isang beach resort kami somewhere, ayoko nang sabihin kung saan. White sand beach to, pero hindi Boracay. Maraming puno ng niyog sa paligid. Bihira ang tao dahil hindi pa peak season. Pero ayos ang sikat ng araw, hindi masyadong mainit. Greenish blue ang tubig, kumikislap pa. Amoy na amoy ko ang tubig dagat.

Unang pagtapak ko pa lang sa puting buhangin, nagtitili na ko.

"OMG! I love this place!"

At tulad nong mga napapanood ko sa pelikula, nagpaikot-ikot ako habang nakadipa, dinadama ang sikat ng araw, habang sa utak ko, may nagpe-play na classical music. Tumatawa ako, dinadama ang hanging hinahagkan ang buong katawan ko. At... at...

Nahilo ako. Ang gaga ko lang. Yong mga character ba sa mga letseng pelikula na yon, hindi nahilo ever, ha? Matutumba sana ako kung hindi ko naramdamang umalalay sa kin si Sungit. Salubong na naman ang kilay niya.

"Sinong nagsabing umikot-ikot ka, ha?" sabi niya. "Mahihilo ka talaga."

"Pasensiya na," sabi ko. "Pwede na ba tayong mag-swimming?"

Nai-imagine ko kami ni Sungit, magsu-swimming kami, naghahabulan sa dagat, nagtatawanan, tapos, biglang kukulimlim ang langit, biglang magiging matindi ang agos. Tatangayin kami. Hihingi kami ng tulong pero hindi nila kami maabutan. Aanurin kami sa isang pribadong isla, na pag-aari ng isang tribo. Tapos, mapagkakamalan nila kaming mga sugo. Tapos ipapakasal nila kami, tapos pipilitin nila kaming mag-mate, tapos...

Pinitik ako ni Sungit sa noo. "Nagde-day dream ka na naman. Ano na naman ang iniisip mo?"

Ngumisi lang ako. "Kung pwede na tayong mag-swimming."

"Hindi pa. Mag-iihaw pa tayo ng manok. Tulungan mo ko."

"Ano bay an? Dapat nagpa-ihaw ka na lang, eh? Hindi ba tayo mapapasma kapag ginawa natin yan?"

"Isang buong manok lang yon."

"Eh di sana pina-prito mo na lang."

"Wag ka nang umangal."

Hindi na nga. Nagset-up kami ng ihawan sa beach house na nirentahan ni Sungit. Ihinahanda na nina Jess iyong iba pang mga kakainin. Si Sir Justin, ayon, nagpe-prepare ng buko juice. Iyong si Sir Justin ang hilig hilig sa buko juice.

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon