Mother, Mother I Am Sick, Call The Weirdo Very Quick

580 43 5
                                    

HMM, MAY KAILANGAN NG PAG-AALAGA...

XIII.

Mother, Mother I Am Sick, Call The Weirdo Very Quick

Okay. Na-publish na ang issue ng Left Brains na si Sungit ang naka-feature. At mula nang makita ng mga Pinay ang guwapong mukha ni Joven, marami nang nagpadala nang kung ano-anong package sa Left Brains.

May nagpadala ng gamit na panty, mahahanap raw ang paraiso kapag ibinaba iyon. Pero takteng panty 'yon, ambaho! May nagpadala ng unan na naka-korteng mukha ni Sungit, may nagpadala din ng cake, pera, bulaklak, tula, rubber shoes, gift certificates sa chipipay na spa, strands ng buhok, na pinahuhulaan pa kay Sungit kung saan binunot. May isang lola na, na-stimulate daw ang mammary glands at hormones ng makita si Sungit, nagpadala ng Xerox copy ng titulo ng lupa.

Narealize ko ang mundo ay puno ng mga babaeng malulungkot, mga babaeng unti-unting naagnas ang puso dahil sa pangungulila.

Bilang secretary, ako ang nag-sort ng mga packages. Well, ang trabaho ko lang naman talaga e idispatsa ng mga regalo.

"This is crazy!" inis na inis si Sungit, hinihimas ang noo. "Napa-praning na ako sa nangyayari!"

Ako rin, napa-praning na, dahil kasabay ng mga regalo ni Sungit, regular pa ring nagpapadala sa kin ng bulaklak at teddy bears si Zorro.

"That's the price of being so handsome, sir," sabi ko.

Tumingin siya sa kin. Matagal. Na-conscious tuloy ako. Nagkunwari na lang akong nagsusulat. Tapos, sinilip ko kung nakatingin pa rin siya. Shete, nakatingin pa rin. Nagkunwari ulit akong nagsusulat, this time mas frantic na. Tapos, sinilip ko kung nakatingin pa rin. Anak ng talaba, nakatingin pa rin talaga!

"Naiilang ka ba?" tanong niya.

"Sir?"

"Naiilang ka ba na tinititigan kita?"

Hindi ko dineny, di ko rin inamin. "Sir, iinom lang ako. Medyo nauuhaw na ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, umalis na lang ako. Dahil kapag pinagpatuloy niya iyong pagtitig niyang yon, baka hindi na ako makausap ng matino, parang iyong mga taong na-abduct daw ng mga alien.

Nagpunta ako sa CR, para ma-relax kahit paano. Pero pagtingin ko sa salamin, nasa likod ko si Sungit.

Sumunod siya!

"Sir?"

Humakbang siya palapit sa kin. Dahan-dahan, habang titig na titig. Napaatras naman ako, napasandal sa pader katabi ng sink. Ilang lunok din ako, dahil naamoy ko na ang pabango niya. Nararamdaman ko na rin ang body heat niya. Palapit na nang palapit sa paningin ko yong mga stubbles niya sa baba na tinititigan ko.

Bakit ba ang landi landi niya today?

"Sir, kung ano man 'yang binabalak nyo, masama yan," sabi ko na agad. "Textmate ko si Atty. Leila De Lima. Nagpapa-foot spa kami together. Irereklamo ko kayo."

He laughed softly, as if he was seducing me. "Maddy, you're so crazy."

"Po?"

Umiling siya, kinapa ang leeg. "Hindi lang kasi ako masyadong makapagsalita, I don't really feel good."

Nag-alala na agad ako. Sinalat ko ang leeg niya. Mainit. Kaya pala super nadama ko ang body heat ni Sungit, nilaglagnat pala.

"Naku, sir. Ang init init mo. Bakit ka pa pumasok? Sana nagpahinga ka na lang," sabi ko.

"I would feel worse kapag hindi ako nag-trabaho. I'm a workaholic, remember?"

"Baka tanga," bulong ko, na narinig niya, at tinawanan niya yon.

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon