First Day High (Taas Kamay, With Confidence!)

1K 64 12
                                    


Excited ako. First day ko ngayon sa Left Brains, as a spy! O 'di 'ba? Ano'ng sinabi ni Mr. Bean sa 'kin? Bakit si Mr. Bean? Ay teh, 'wag mo nang hanapan ng koneksyon. Wala kang makikita.

Basta isa lang ang sigurado ko. Pagbubutihin ko—pagbubutihin namin ni Potpot ang pagiging spy ko sa Left Brains. Aba, aanhin mo naman ang kaguwapuhan ng Joven na 'yon kung masama naman ang ugali 'di ba? I will make him suffer 'no? I am out for blood.

*evil laugh track*

Pero kailangan, ma-impress muna sila sa 'kin. So kahit labag sa loob kong magsuot ng hindi colorful na uniform, ginawa ko. Madalas akong late pero gusto kong maging on time sa Left Brains. Papasok pa lang ako sa entrance door, sinalubong na ako ni Tivoli Jess. Busangot na busangot na naman si Tivoli. Bakit ba parang ang lungkot lungkot ng buhay niya?

Na-imagine ko si Tivoli Jess noong bata, nagpapalaboy-laboy sa tapat ng simbahan ng Quiapo, madungis, gula-gulanit ang suot, tinatanaw ang mga bata sa simbahan na magaganda ang suot, nakangiti. Iiyak siya dahil hindi siya mahal ng nanay niya. Sabi kasi ng katekista sa simbahan, si Mama Mary ang nanay niya. Panay ang lapit niya sa rebulto ni Mama Mary, panay ang himas sa paa ng Birhen. Sasabihin niya, Nay, gumala naman tayo, o. Nay, ayoko nang matulog sa kalsada, o. Nay, patigilin nyo na si Badong sa pagtabi sa 'kin gabi-gabi, pakiusapan naman...

Pero hindi sasagot ang Nanay niya. Naroon sa mukha nito ang ngiti nitong hindi maalis, parang naawa sa kanya.

Nay magsalita ka naman! Nay, hindi mo ba ko mahal? Nay!

"Hoy!" sabi sa 'kin ni Jess. "Bakit ka natulala?"

Potek, ang hirap maging writer. Kung ano-ano ang naiisip. "Sorry, Jess. Na-tense lang ako."

Hindi na niya ako pinansin. "Sasamahan kita sa opisina ng editorial board."

Sumunod ako sa kanya sa elevator.

"Bakit ka naka-frown?" pakikialam ko.

Hindi siya sumagot.

"You should not frown. Remember! When you smile, the world smiles back at you!"

"And if you will shut up, the world will be a better place," pambabara niya.

Aray, ha? Imbiyerna ko over the denominator level! Kung may anger management problem lang ako, baka sinabunutan ko na siya.

Sa pinakatuktok na floor ang editorial board. Ang work station namin e ang mga cubicle sa labas ng office ni Joven sungit. Keri na rin.

"Guys," tawas pansin ni Tivoli sa mga empleyadong nakasubsob sa laptop nila, kaya mukha na rin silang laptop. Nilingon nila kami. "This is Maddy Hendutin, a new member of the editorial board."

"Hi!" energetic na bati ko. "I hope maging friends tayo!"

Deadma silang lahat.

"This is the editorial board, Maddy. That's Ruel, from layout."

"Hi, Ruel!"

"Hi, homo."

Nagtawanan ang mga lefties. Napahiya naman ako. Hindi ko na lang pinansin.

"That's Aris, the circulation manager."

Hindi na ako nag-hi, 'no? Baka barahin na naman ako!

"That's Red, the art director. Zo, the managing editor. And that's Sir Justin. Ayaw niyang ng sariling office, but he's the associate editor."

At sari-sari pang posisyon ang narinig ko.

"And I'm Jess Camigin, another managing editor."

"Okay."

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon