Iba't-ibang Mukha ng Kabaklaan At Ang Kuwento ng Nawawalang Ulo

661 43 8
                                    


IX.

Iba't-ibang Mukha ng Kabaklaan At Ang Kuwento ng Nawawalang Ulo

Nakaupo kami ni sir sa couch sa lobby ng building. Magkatabi kami, nakataas ang mga paa. Sinindihan namin ang scented candles sa mesa, kaya maliwanag kahit paano. Tahimik lang si Sungit, nakatingin sa apoy ng kandila.

Habang nakatingin ako sa mga mata niyang may refection ng apoy ng kandila, nalungkot ako. Naisip ko kasi, kawawa naman kaming mga bading, Wala kaming chance sa lalaking tulad niya. 'Yong para bang he could just be inches away from me but methaporically, we are a thousand miles apart? Parang iba ang oxygen na hinihinga niya sa hinihinga ko. I could touch the tip of his shirt, but I could never touch his heart.

"Sir Joven?"

"Mmn?"

"Tao ka ba?"

"Ha?!" Parang nainsulto siya sa sinabi ko.

"Parang ang perfect mo, e. Guwapo, matalino, mayaman. I'm sure pinapangarap ka ng maraming babae at beki sa mundo." Bumuntong-hininga ako. "Siguro, colorful and wiwi mo no? Tapos ang pupu mo, korteng flower, saka mabango."

Nakanganga siya, hindi makapaniwala sa pinagsasabi ko.

"Yong laway mo siguro, matamis."

Napailing siya, ngumiti. "You're crazy. I'm not that perfect."

"Weh?"

"I'm scared of ghosts."

"Marami naman kayong takot sa multo."

"I'm worse. I usually pass out kapag sobrang takot."

"E bakit hindi kayo hinimatay kanina?"

"Kasama kita e. Nakakahiya sa yo."

Hehe. "Bakit ba kasi sobrang takot kayo sa multo, sir?"

"I won't bore you with the story."

"Eh mas boring sir, kung hindi mo ikukuwento. Not unless gusto mong gumawa na lang tayo ng kahalayan, okay din yon. That can kill time."

Umiling na naman siya. "Ikukuwento ko na lang."

Na-excite naman ako. "Good."

Umubo pa siya. "Seven years old ako nang mamatay ang lola ko. I love her so much. Kapag busy kasi sa trabaho ang parents ko, siya ang nag-aalaga sa kin. I remember, whenever I'm crying, because I miss my parents, she would cuddle me in the bed and sing a lullaby. Her scent never left my memory. Amoy menthol ointment, dahil may rayma na siya. Amoy langis ng niyog, na nilalagay niya sa buhok niya. At amoy pabango ng santo."

"Mmn."

"Anyway, she died because of a freak accident. Sa may Mandaluyong yon. Tumawid siya sa tamang tawiran, pero nasagasaan pa rin siya ng truck. Lasing kasi yong driver. Nagulungan yong ulo niya, crushing it—" Hindi niya itinuloy, inabot niya ang natunaw na kandila, binilog iyon para maging bola, na ginagawa ng mga bata kapag undas. And he looked as if he was a kid, you see. He looked vulnerable.

"On her wake, nakasara ang kabaong. And I know nahulaan mo na kung bakit. Sinamantala yon ng isang cousin ko. Alam niya kasi na ako ang pinaka-close kay lola. They pulled a practical joke on me."

"They told me lola's soul wants to talk to me. Nasa kuwarto ko raw si lola, hindi matigil sa pagkanta ng lullaby. I went there, excited. Gusto ko uling makita si lola, gusto ko uling maamoy iyong Ben-Gay, gusto ko uling marinig yong lullaby..." Sumandal siya sa couch. "However, headless figure ang naabutan ko doon. Daster lang siguro yon na ipinasok sa silya, who cares? Basta natakot ako. Then I heard someone saying na kung mahal ko raw talaga si lola, ibibigay ko raw sa kanya ang ulo ko. Nagwala ako. I was so scared..."

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon