Ang Weirdong si Ryder Francisco (At ang Secret Admirer ni Maddy)

655 44 16
                                    


PART II

Mga Kuwentong Abstract

X.

Ang Weirdong si Ryder Francisco (At ang Secret Admirer ni Maddy)

Maddy's POV

May crisis sa Left Brains nang araw na iyon. Na-distribute na sa mga bookstore ang Right Brains Magazine, featuring Tim Pennings, ang mathematician na may asong marunong ng Calculus. Nakarating na iyon kay Sungit kaya namomroblema na siya. Tulad kasi ng inaasahan ko, naka-print na ang mga kopya ng magazine ng Left Brains for that day. Naunahan na sila ng Right Brains kaya magmumukha silang nangopya.

"Emergency meeting! Emergency meeting!" narinig kong sigaw ni Jess, habang nililinis ko ang conference room ng editorial board. "Nagpatawag si Sir Joven ng emergency meeting!"

Nagsipasukan ang Lefties sa conference room, halatang mukhang harassed lahat. Nag-aaway-away na yata sila dahil sa nangyari. Na-guilty na naman ako. Lalo pa nang makita ko si Sir Justin na hindi rin nakangiti, mukhang pagod pa nga.

Pumasok na rin si Sungit sa conference room. Magulo ang buhok niya at halatang naiinis siya. Gusto ko siyang abutin, masahehin sa balikat, iniisip na makakabawi ako sa ginawa ko dahil doon.

"You can leave now, Maddy," sabi sa kin ni Jess na gloomy din ang hitsura. Gloomy na lagi si Tivoli na-imagine nyo pa ba na mas gloomy pa siya? Ay nakakatakot. Yong tipong tatakpan ng magulang ang mata ng anak nila para di mapanaginipan si Jess.

"Stay here, Maddy," sabi bigla ni Sungit, nakaupo sa kabisera, hinihimas ang noo. "Stay for the meeting."

Nashock ako. Hindi niya ako paalisin? Pero... why? Mukhang nalito rin ang Lefties, nagtitinginan sila.

"Why, sir?" Lakas ng loob kong tanong.

"Don't ask questions, just stay here."

"Opo," sabi ko, sabay tabi kay Sir Justin. Kaway ako nang kaway sa kanya. Nginitian niya naman ako. Kung magiging ambisyosa lang ako, iisipin kong crush ako ni Sir Justin. Para kasing nawala ang pagod niya nang ngitian ko siya. Ahihi—ang landi ko, ang sarap kong pakuluan.

Nagsalubong naman bigla ang mga kilay ni Sungit. "Wag ka diyan. You'll just distract Justin. Dito ka sa tabi ko." Hinila nito ang isang silya, itinabi rito.

"Sa tabi nyo, sir?" sabi ko, natuwa.

"Hindi. Kakandungin na lang pala kita," sarcastic na sabi niya.

Yon lang. Barado. Baka nga natakot talaga siyang ma-distract ko si Sir Justin. Maingay nga naman ako. At kapag nasa tabi niya ko, tahimik ako sigurado.

Umupo nga ako sa tabi niya. Takte, kahit problemado ang bango pa rin!

"We have a big problem on our hands..." panimula ni Sungit, sabay sabi ng problema sa Right Brains. "Hindi na natin puwedeng i-distribute ang magazines. Mahigpit nating ka-kompetensya ang Right Brains. Siguradong malilintikan ang kompanya natin kapag nakita ng mga tao na may nagka-parehong article, kahit isa lang yon. At dahil tayo ang nahuli mag-distribute, most likely, iisipin nila na kinopya natin ang ideyang yon."

"Isn't it weird na maagang nag-publish ang Right Brains ngayon? Kasabay natin usually ang distribution nila sa bookstores." sabi ng art director na si Red. Naguilty na naman ako. Feeling ko, kriminal ako.

"It's weird," sagot ni Sungit. "Pero puwedeng co-incidence lang talaga to. What we can do now, is, mag-isip ng panibagong feature article for our March edition. Doon na lang tayo bumawi. I-publish natin to second week ng March. Wag muna tayong mag-publish ngayong February."

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon