"Heaven, s-sorry." umiiyak pang paghingi ng tawad ni Terrence rito habang dahan-dahan siyang gumapang para lang maabot ang paa nito at nang maabutan niya ang dalaga ay sinipa lang siya nito at saka binaril ni Heaven ang hita niya. Napasigaw sa sobrang sakit si Terrence at napatingin sa kaniyang hita na duguan na nang minutong iyon. 

"Masakit?" napatingin si Terrence sa mukha ni Heaven tila para bang hindi na niya makita sa mga mata nito ang dati niyang kaibigan. Para siyang sinapian nang kung anong masamang espirito. Or should i say, Demonyo? 

"Kulang pa ang sakit ng nararamdaman mo sa dami ng taong nagawan mo ng kasalanan, Terrence. Naaalala mo pa ba sila? Hindi ba nagmakaawa rin sila? Pero nakinig ka ba, hindi! Hindi ka nakinig kasi masama ang ugali mo. Sarado ang utak mo, at wala kang alam kundi ang sirain ang buhay ng mga tao sa paligid mo." nagpaputok si Heaven sa paligid ni Terrence at muli siyang natamaan sa balikat nito. 

"Nararapat lang sa iyo iyan. Ang mga katulad mo ay dapat hindi na binubuhay sa mundo. Ang mga katulad mo ay dapat binubura na sa mundo." muli na naman niyang pinagbabaril si Terrence sa hita nito at maging sa tuhod. 

"Anong kasalanan ko sa iyo?" hindi makasagot si Terrence dahil nauubusan na siya ng lakas. Lumapit si Heaven at marahas niyang inangat ang ulo nito at tinusok gamit ng daliri niya ang sugat mula sa hita nito at nangiwi at napasigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman ni Terrence sa ginawang iyon ni Heaven sa kaniya. 

"Sumagot ka! Anong kasalanan ko sa iyo?!" giit pa nito. 

"Wala." mabilis na sagot nito pero hindi nagustuhan ni Heaven ang sagot nito kaya muli niyang diiniin ang daliri niya sa sugat ni Terrence at nahilo na ito pero malakas na sinampal ni Heaven si Terrence at maya-maya ay muli itong nagkaroon ng ulirat. 

"Hindi pa ako tapos sa iyo, hindi ka sa ganitong paraan mamamatay. Kailangan ko ng sagot. Kailangan kong malaman kung bakit gusto mo akong ipapatay?"

Kahit hinang hina na siya ay pilit paring sinagot ni Terrence ang tanong sa kaniya nito. 

"N-nadamay ka lang, hindi naman talaga ikaw ang dapat na papatayin nila kundi si Topaz. K-kaso sa hindi namin maintindihan hindi mapatay-patay ng mga Killers si Topaz, kaya naisip ko na ikaw nalang. Dahil alam ko na kapag nangyari iyon, maaari na namin siyang mapabagsak at matalo." tumayo si Heaven at muli niyang binaril si Terrence sa dibdib, sa tiyan, sa balikat at ang huli sa ulo nito. Mga tatlong beses pa niyang pinagbabaril sa mukha si Terrence at tila hindi pa siya kuntento dito kaya pinigilan na siya ni Topaz kaso siya naman ang tinutukan ni Heaven ng minutong iyon. 

Sa sobrang gulat ay napataas nalang ng kamay si Topaz habang hawak nito sa kanang kamay niya ang kaniyang baril. 

Nakatutok parin ang baril ni Heaven kay Topaz at tila para bang nag-aantay lang na kumilos si Topaz bago niya galawin ang gatilyo para masaktan ito. 

"Totoo ba ang sinabi ni Terrence, Topaz?" napansin ni Topaz ang mga mata ni Heaven, at gaya noong isang gabi noong paslangin nito sina Bryne at Anastacia ganitong-ganito rin ang panggigigil na tingin ni Heaven. 

"Heaven, put the goddamn gun down." utos pa niya rito pero parang bingi na siya ng minutong iyon, tila para bang sarado na ang isip at pandinig and nito. 

"Inuulit ko, may kinalaman ka ba dito, Topaz?" nagdesisyon na si Topaz na sagutin ang tanong ni Heaven sa kaniya. 

"Oo. Mayroon nga." hindi parin binababa ni Heaven ang baril nito at patuloy parin itong nakatutok sa dibdib ni Topaz. 

"Pero hindi ko intensyon na, idamay ka. Kaya nga tinulungan nalang kita." 

"Tang-ina! You're liar!" 

"Yes, i am. But you know what, we're all liars, Heaven. We are, okay? Walang tao sa mundong ito ang hindi nagsisinungaling. Ginawa ko lang iyon, para maligtas ka." 

"Ligtas my ass!" saka siya binaril nito mabuti nalang at nakaiwas kaagad si Topaz at nagpagulong-gulong at tumayo saka ito nagtago. 

"Ang dami mong oras para sabihin sa akin ang totoo, pero hindi mo ginawa." sigaw pa ni Heaven ng minutong iyon. Hindi siya gaanong nakakalayo sa kinatatayuan nito. 

"Ibig bang sabihin, pati iyong nangyari sa atin palabas lang iyon? Tang-ina ka, Topaz. Akala ko ba naman totoo ka. Pero, katulad ka rin pala nila." doon na lumabas si Topaz sa tinataguan niya at muli siyang nakipagtutukan ng baril kay Heaven. Nang minutong iyon, napansin niya na umiiyak na ang dalaga. 

"Akala ko totoo na ang nararamdaman mo para sa akin, sabihin mo. Totoo…" hindi na nagawang maituloy ni Heaven ang sasabihin nito dahil bigla nalang siyang natumba. Pagkatapos siyang barilin ni Topaz. 

Sakto biglang bumuhos ang malakas na ulan, hindi tuloy halata sa mukha ni Topaz na tumulo ang kaniyang luha. 

Muli niyang pinagmasdan si Heaven sa huling pagkakataon at saka niya kinuha ang cellphone nito at binuksan ang Killer App saka pinindot nito ang isang kulay Green na button na naglalaman ng salitang Assignment Done. Saka niya inoff ang kaniyang phone at nilisan na nito ang lugar na iyon. 

The End. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon