The Killer App 5: Encounter

704 42 1
                                    

The Killer App 5: Encounter

Habang naglalakad pauwi si Hans ay napapansin niya na tila para bang may sumusunod sa kaniya. Wala kasing susundo sa kaniya ngayong araw kasi ginamit ng Daddy niya ang kotse at may biglaang meeting raw ito sa Batangas kaya magcocommute nalang raw siya pauwi. 

Huminto siya sa paglalakad isang waiting shed hindi kalayuan sa Academy. Walang gaanong tao na naglalakad ng oras na iyon at pailan-ilan lang ang kotse na dumaraan. Nang biglang may dalawang lalaki ang tumabi sa kaniya, ang isa ay nasa kaliwa niya at ang isa ay sa kanan naman. 

Kinalma niya lang ang sarili niya ng minutong iyon, at dahan-dahan na kinuha ang cellphone nito akmang ite-text ang kaniyang mga magulang kung nasaan ito banda, nang maisesend palang sana niya ay nagtawag na nang holdap ang dalawa. Nanginginig naman na ibinigay ni Hans ang kaniyang Cellphone at Wallet sa dalawang lalaki at akmang tatakbo na sana ang mga ito. Nang madapa ang isa dahil pinatid ni Topaz ito habang naglalakad ng minutong iyon. Nakahead phone pa siya at inalalayan ang lalaking nadapa niya at nagsorry pa ito, kaso nang napansin niya ang kutsilyo na hawak ng isang lalaki doon na naintindihan ni Topaz ang sitwayon. 

Binali ni Topaz ang kamay ng lalaki, sunod ay sinipa ng malakas ang braso nito at nabali rin. Sinugod siya ng isa at akmang sasaksakin ng makaiwas siya at maagaw niya ang kutsilyo nito at maihagis sa may drainage banda kinuha ni Topaz sa bulsa nito ang cellphone at wallet ni Hans saka sinipa ang mukha nito at nawalan ng malay. Sabay inabot ang mga gamit nito sa kaklase. 

"Hans Cordero, hindi ba?" sabi ni Topaz, sabay abot niya ng mga gamit nito. 

"T-thanks, uhm Topaz right?" tumango lang si Topaz. 

"O siya, pauwi ka na ba?" tumango lang din si Hans kay Topaz. 

"Good, pauwi na rin ako. I'll drive you home." sabi ni Topaz saka sabay silang naglakad papunta sa Parking Lot kung saan nagpapark si Topaz, puno na kasi ang parking sa loob ng Academy kaya nagrent nalang siya sa labas. 

… 

"Simula ng dumating iyang lalaking iyan, nag-iba na ang takbo ng buhay natin." nanggagalaiting titig ni Bryne kay Topaz ng minutong iyon. 

"Bryne, chill ka lang. Remember, tatlo na sila ni Dalton hindi pa nila na kaya si Pretty Boy." nang-iinis pang sabi ni Dorothy kay Bryne saka siya pinakyuhan nito. At dinilaan lang siya ni Dorothy na parang bata. 

"Guys, sobrang negative na nang vibes, okay. Let's talk about my Party nalang." binago ni Heaven ang mood ng kaniyang mga kaibigan. 

"O, shit! This coming Saturday na right?" kunwari nakalimutan ni Anastacia, pero sa totoo lang, wala talaga siyang alam. At pakialam. 

"Hehe, invited kayong lahat!" sabi pa ni Heaven. 

"E, si Pretty boy?" saka napatingin si Heaven sa kinauupuan ni Topaz at nang iangat nito ang kaniyang ulo ay nagtama ang kanilang mga mata, tapos umiwas kaagad si Heaven. 

"Invite him, para mas maging exciting ang party mo." utos pa ni Anastacia sa kaniya. 

Napatingin si Heaven sa kaibigang si Dorothy at tila nababasa ni Dorothy ang nasa isip ng kaibigan. And she said no. Pero, tumayo parin si Heaven at naglakad palapit sa kinauupuan ni Topaz. 

"Bitch, talaga." natatawang sabi ni Princess na sinabayan ng nakakainis na tawa ni Anastacia. 

Nang makarating na siya sa pwesto ni Topaz ay tinanong niya kung pwede itong umupo sa tabi niya, hindi kumibo ang binata. Nag-assume si Heaven na oo ang sagot nito, kaya umupo na siya sa tabi nito. Ramdam ng dalaga ang init ng katawan ng binata, kahit na dalawang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa. 

Hanggang sa magsalita ito. 

"What do you want?" malamig at buong-buo ang boses ng lumabas sa bibig ng binata. Napalunok ng laway si Heaven at kinabahan sa kaniyang narinig. 

"A-ah… E-ehhh." nauutal na sabi ni Heaven ng minutong iyon. Pakiramdam niya ay nanunuyot ang lalamunan niya. 

"Yes." biglang sagot ni Topaz na ipinagtaka ng dalaga. 

"What?" kunot noong reaksyon ni Heaven. 

"I said yes, are you deaf?" 

"No! I don't get it. I didn't say anything." nagtatakang sabi ni Heaven. 

"Everyone is talking about your party this coming Saturday, and i assumed that base on your gesture. You're gonna asking for my permission to go to your party, that why i said yes." imbis na mamangha ay nayabangan lalo si Heaven sa kaniyang mga narinig. Saka siya tumayo at padabog na bumalik sa kaniyang mga kaibigan. 

"Here she comes," natatawang sabi ni Anastacia. 

"I don't believe him, he's so arrogant!" inis na sabi ni Heaven ng bumalik ito sa kanilang pwesto. 

"Bitch ka kasi," bulong pa ni Princess. 

… 

Hindi makatulog si Heaven. Hindi maalis sa isipan niya si Topaz at hindi niya maintindihan ang sarili bakit nangyayari ito sa kaniya. Wala pang lalaki ang gumawa sa kaniya noon. Wala pang bumastos sa kaniya. Sino raw ba siya sa tingin niya? Masyado siyang mayabang. Bastos. At higit sa lahat, malaki ang tiwala sa sarili. 

Inis na inis at nagsisigaw si Heaven ng pumasok ang kaniyang Mommy at nag-aalala sa kaniyang narinig. At nang makita niya na nagwawala ang anak niya, pumasok na kaagad siya. 

"Ma, sorry po." humingi ng tawad si Heaven sa kaniyang Ina. 

"Okay ka lang ba?" halata sa boses ng kaniyang ina ang pag-aalala nito sa kaniya. 

"Okay lang po, naiinis lang po kasi ako." nagsimangot pa siya habang pinupulot ang mga kalat sa loob ng kwarto niya. 

"Lalake?" tumango si Heaven. 

"Ang lalaki ba na ito ay gwapo?" muli siyang tumango. 

"Ang lalaki ba na ito ay pupunta sa party mo?" muli siyang tumango pero sa pagkakataon na ito ay napangiti siya. 

"Oh, ano pang inaarte mo?" saka siya kinurot sa tagiliran nito at sinabihan na linisin na nito ang kwarto nito. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon