The Killer App 14: Ransom

460 35 0
                                    

The Killer App 14: Ransom

Nakatanggap na rin ang Mommy ni Terrence ng video na iyon kaya nataranta niya ring tinawagan ang asawa at nang sagutin ito ni Mr. Go. 

"Tyrone, please I'm begging you. Do something! Anak mo siya, maawa ka!" panay ang iyak ni Mrs. Go sa kabilang linya. Binaba naman kaagad ni Tyrone ang tawag ng kaniyang Misis at inutusan niya si Danica na tawagan si Sgt. Gomez, kaibigang pulis ni Tyrone at kaagad ginawa naman ng dalaga. 

Few minutes later ay dumating na si Sgt. Gomez pati ng mga staff niya, sinabi niya na once na tumawag ulit ang mga Kidnappers kakausapin na niya ito at susundin ang mga gustong mangyari ng mga ito. 

At hindi nagkamali si Sgt. Gomez pagkalipas ng ilang minuto ay tumawag ito, inantay muna ng isang staff ni Sgt. Gomez ang cue nito bago nito sinagot ang tawag. Nang itaas na ng pulis ang kamay nito senyales na pwede na niyang sagutin ang tawag at maaari na nilang marecord at matrace ang kinaroroonan ng mga Kidnappers. 

"Mabuti naman at pumayag ka ng makausap." sabi pa ng boses ni Dalton na chinese. 

"Magkano ba kailangan niyo?" maliit lang talaga ang pisi ng pasensya ni Mr. Go. Kaya kaagad na niyang dineretso ang mga ito sa kanilang nais. 

"Chill! Ayaw mo ba munang kausapin ang anak niyo?" 

"Bilisan mo! Marami pa akong gagawin, ano? Magkano!" napalunok ng laway si Dalton at tila nakaramdam ng takot sa boses ng kaniyang Ninong at napansin ito ng inspector na nagtetrace sa kanila. 

"Sir. nagblink po. Parang kinakabahan ang mga Kidnappers." bulong pa nito kay Sgt. Gomez. 

"Ituloy mo lang," sabi pa nito, sabay tingin kay Tyrone. 

"10 million." sagot ni Dalton. 

"Ayun lang? Okay, saan ko ipapadala may bank account ka ba or what?" natawa si Dalton ng minutong iyon. 

"Sa tingin mo ba, Bobo kami?" sabi ni Dalton pagkatapos ay nagpadala siya ng cctv footage nila habang kausap niya ito na kung saan kitang-kita siya kasama ang mga pulis sa paligid. 

"Paanong?" gulat na reaksyon ni Mr. Go! 

Mabuti nalang at magaling maghack si Princess at napasok niya ang cctv system ng office nila Mr. Go. 

"Alam mo naman ang kaya naming gawin sa anak mo. So, kung hindi mo seseryosohin ito tapos ang buhay ng anak mo!" saka siya binabaan ni Dalton. Doon palang siya nakahinga ng maayos. 

Habang nagwawala naman si Tyrone at nagtataka kung paano sila napasok at nakuhaan nh video ng ganoon-ganoon lang. 

Ang assessment ni Sgt. Gomez ay matagal na silang binabantayan ng grupo ito. Sa kaniyang napansin rin ay parang bagong grupo ito at sa mga kilos at pananalita raw nila ay masasabi niyang mga kabataan ang nasa likod nito. 

Inutusan ni Tyrone si Danica na magwithdraw ng 10 million ng araw na iyon at dali-dali naman siyang kumilos. 

Samantala, inabutan naman ni Anastacia si Dalton ng tubig pagkatapos niyang makipag-usap sa Ninong Tyrone niya. 

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Anastacia sa kaniya. 

"Okay lang. Grabe, nakakatakot talaga si Ninong Tyrone." sabi pa ni Dalton na hindi parin nawawala ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. 

Inaasahan na rin ni Princess na iyong access niya sa cctv sa loob ng opisina ni Mr. Go ay mawawala na after few minutes pero may back-up plan siya. Nakikita parin niya at naririnig ang usapan ng mga ito sa kamera ng laptop na nasa harapan nilang lahat. 

"Kaunti nalang bibigay na iyan si Daddy." excited pang ni Terrence. 

At muling tumawag si Dalton, at sinabi na niya ang kondisyon niya. 

Sa isang abandonadong building malapit sa Hillstone Academy pupunta mag-isa si Mr. Go bitbit ang 10 million, lalapitan siya ni Bryne at kakapkapan kung may dala itong armas o anong mga bagay tapos kapag wala na, kukunin ni Bryne ang pera sa matanda at patatalikurin ito at palalakarin pabalik sa loob ng kotse nito. At doon palang palalabasin si Terrence. 

Akala nila napaka-dali lang ng mga mangyayari. Ngunit hindi sila maaaring sumunod o habulin ng mga pulis dahil kapag ginawa nila iyon, sabog ang katawan ng binata. Mayroon kasing bomba na nakakabit sa katawan ng binata.

At ganoon nga ang nangyari. Natanggal nila ang bomba sa katawan ni Terrence habang nakuha nila ang pera at nailigtas si Terrence, halos mahimatay kakaiyak ang Mommy ni Terrence habang niyayakap ito ng mahigpit at hinahalikan. 

Habang tuwang-tuwa naman sila Dalton, habang binibilang ang million-milliong pera sa kanilang harapan. 

Nasa isang resort sila na pagmamay-ari nila Anastacia sa may batangas at doon sila nagkaroon ng party. Uminom sila at nagpakasaya. 

"Astig! Para tayo iyong mga characters sa Money Heist!" sabi pa ni Bryne habang kinukumpara niya ang mga sarili nila sa isang Series sa Netflix na may pamagat na Money Heist. Na mga magnanakaw rin. 

"Sinabi mo pa!" sangayon pa ni Anastacia saka siya nakipagcheers rito. 

"So, what's next?" biglang sabi ni Princess. 

"Project, kill that bastard!" Saka hinagis ni Dalton ang isang kutsilyong hawak sa isang dart platform na kung saan nakalagay ang mukha ni Topaz at sakto itong tumusok sa mukha ng binata. Saka siya ngumisi. 

Samantala, kalat na kalat naman sa buong bansa ang nangyaring kidnapping issue sa anak ng isang businessman na si Mr. Go. Naging instant sikat si Terrence at kaliwa't kanan nag interview nito sa iba't ibang network sa bansa. 

At nakarating na kay Topaz ang balitang iyon, syempre hindi siya naniwala sa mga palabas nito, alam niya at halata na set-up ang lahat ng mga nangyari, ang hindi niya lang maintindihan ay saan naman nila gagamitin ang pera? Hanggang sa naalala niya ang nangyaring assassination sa kaniya noong isang linggo. At mukhang tama nga ang kaniyang hinala. 

The Killer App  (Completed) Where stories live. Discover now