The Killer App 2: Newbies

1.5K 72 1
                                    

The Killer App 2: Newbies

Nanlaki ang mga mata ni Heaven ng pagbukas niya ng kanilang telebisyon ay bumungad sa kaniya ang pagkakaaresto ng isa sa kaniyang kaibigan na si Terrence Go. 

Kaagad niyang tinawagan si Dorothy na nag-me-make up ng minutong iyon at sinagot ang tawag ng kaibigan. 

"Bitch, ang aga ah? What?" inis na sabi ni Dorothy kay Heaven. 

"Bitch, manood ka ng balita." sabi ni Heaven kay Dorothy. 

"Girl, kung hindi lang rin si James Reid ang makikita ko sa news hwag na." 

"Dorothy, inaresto si Terrence ng mga pulis!" nanlaki ang mga mata ni Dorothy sa narinig niya mula sa kaibigan. At dali-dali niyang inutusan ang kaniyang kasambahay na buksan ang TV nito at nang mabuksan na ay, napa-what the fuck nalang siya ng minutong iyon. 

KALAT na kalat na ang balita sa buong Campus ng Hillstone Academy ang tungkol sa pagkakaaresto kay Terrence Go sa bahay ng kalaban ng kanilang Pamilya na mga Lacson. At nasa kritikal ang kundisyon ni Penelope dahil sa pagkakahulog nito sa Veranda ng kaniyang kwarto. 

Tahimik at halatang takot ang mga babaeng kaibigan ni Penelope ng oras na iyon. Hindi pa nagsisimula ang klase, ngunit nasa loob na kaagad sila ng classroom. Isang oras pa bago nagsimula ang klase nang magpatawag ng meeting si Dalton, isa sa matalik na kaibigan ni Terrence at tumatayong leader ng kanilang barkada. 

"Guys, believe me. Hindi magagawa ni Terrence iyon. He's our friend, wala ba kayong tiwala doon sa tao?" inis na sabi nito. Kahit na kasi hindi sila nagsasalita ramdam ni Dalton ang tumatakbo sa isip ng bawat isa sa kanila, na kayang gawin ni Terrence ang bagay na iyon. 

"Sabi sa balita, naka-inom raw siya. Dalton, kilala mo naman na may pagka-warfreak si Terrence, kapag hindi nasusunod ang gusto niya, nagwawala siya." sabi pa ni Anastacia ng minutong iyon, sabay yakap sa boyfriend niyang si Bryne. 

"Bryne, Mikee at Miles. Nandoon kayo kagabi hindi ba? Nag-inuman tayo oo, pero kaunti lang ang nainom ni Terrence, dahil magkikita nga sila ni Penelope." paliwanag pa niya rito. 

"Alam mo?" inis na sabi ni Princess saka niya binatukan si Miles. 

Hanggang sa nagsalita si Heaven, "Baka kagagawan ito ni Vivian."

"The fuck! Who's fucking Vivian ?" maarteng sabi pa ni Princess ng minutong iyon. 

"Guys, nakalimutan niyo na kaagad si Vivian?" 

"Girl, ang daming Vivian sa mundo, please huwag mo na kaming bitinin pa, okay?" reak pa ni Anastacia ng minutong iyon. 

"The girl na tumalon mula sa fourth floor because of Penelope." sabi ni Heaven na kinalaki ng mga mata at nagbigay kilabot kay Dorothy ng minutong iyon. 

"What the fuck!" sambit pa nito. 

"Heaven, patay na si Vivian. Paano pa niya magagawa iyon?" sabi naman ni Bryne sa kaniya. 

"Oo nga girl, bawas bawasan mo na kasi ang panonood ng mga horror movies, hindi mo na tuloy alam ang katotohanan sa mga fiction." reak pa at sabay tawa ng malakas ni Princess kay Heaven ng minuting iyon. Binigyan tuloy siya ng middle finger ni Heaven at maya-maya biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kanilang teacher na si Mrs. Delfin. Isa sa mga pinaka-istrikto na guro sa Hillstone Academy itong si Mrs. Delfin, at wala siyang kinakatakutan maging anak ka pa ng Presidente ng Pilipinas. 

At naghulasan sila at umupo ng maayos sa kani-kanilang pwesto. 

"Good morning class. Bago ko simulan ang klase, i would like to introduce to you ang dalawa sa bago ninyong magiging kaklase, Sina Topaz Pierre Reyes, at Hans Bryle Cordero." 

Napakagat labi si Anastacia nang makita niya si Topaz na pumasok sa loob ng room nila. 

He was Tall, sa tingin niya mas matangkad pa ito sa boyfriend niyang si Bryne. Maganda rin ang pangangatawan nito, sa tingin ni Anastacia ay nagg-gym ito. Gwapo at Matangos ang ilong. May

Mahaba ang pilik mata. Perfectly form iyong jawline. Kulay pula ang labi at higit sa lahat, ang pinaka nagpainit sa katawan ng dalaga ay ang bakat ng ari nito. 

Napakagat labi siya ng minutong iyon. Na napansin rin naman ni Bryne kaya siya napatingin sa kaniyang kasintahan at napailing nalang ito nang mapansin niya ang reaksyon nito habang tila nakatitig ito sa bahaging iyon ng bagong kaklase. 

Samantala, parang nayayabangan naman si Heaven sa angas ng dating ni Topaz ng oras na iyon, at nang magtama ang kanilang mga mata tila para ba siyang nakuryente na hindi niya maipaliwanag, nagising nalang siya ng bulungan siya ni Dorothy at sinabi nito na ang malanding si Anastacia nakatitig sa armas raw ni Newbie. 

Pinaupo ni Mrs. Delfin si Topaz sa tabi ni Heaven, samantala sa dulong bahagi naman ng silid aralan pinaupo nito si Hans. 

"Hi, Newbie!" nakangiting bati pa ni Dorothy. Pero, hindi siya pinansin ni Topaz, na siyang kinangisi ni Heaven ng minutong iyon. 

"Goodluck nalang sa iyo." bulong pa ni Heaven ng minutong iyon habang nakatitig sa mukha ni Topaz. 

The Killer App  (Completed) Where stories live. Discover now