The Killer App 12: The Killer's Inc.

538 36 2
                                    

The Killer App 12: The Killer's Inc. 

10 years old palang si Topaz noon, excited siyang umuwi galing sa eskwelahan dahil kaarawan ng kaniyang Ina. At nangako ito na maghahanda sila ng araw na iyon. Pagkababa palang ni Topaz sa tricycle ay nakarinig na kaagad siya ng putok ng baril. Dali-dali siyang umakyat sa kanilang tahanan at doon niya nasaksihan ang pagpaslang ng dalawang armadong lalaki na nakatakip ang mukha ng nakakatakot na maskara habang walang awang pinagbabaril ang kaniyang Ina at Ama. Tapos sinugod siya ng isa sa mga ito at nahuli siya. Sinuntok at biglang nawalan ng malay. 

Nang muli siyang magising ay laking pagtataka niya nang nasa isang magandang kwarto na siya. Tapos biglang pumasok ang isang matandang lalaki na nakasuot ng parang suot ng isang waiter, tinanong siya kung okay na ba siya. Tumango lang si Topaz at sinabi ng matandang iyon na kinakailangan na niyang maligo at kanina pa siya inaantay ni Mr. Reyes. 

Pagkatapos maligo ay binihisan siya ng magandang damit ng mga kasambahay doon, tapos sumunod siya doon sa matandang mukhang waiter, at pumasok sila sa isang kwarto. Pagpasok niya ay napansin kaagad niya ang magarbong mga gamit sa loob ng kwartong iyon, puro mababasagin at karamihan ay gawa sa ginto. 

Tapos may isang lalaki na nakaupo sa kaniyang harapan ngunit ito ay nakatalikod. 

Lumabas na si George, iyong lalaking mukhang waiter pero sa totoo lang siya ang assistant ni Mr. Reyes. 

Pinaupo siya ni Mr. Reyes sa kaniyang harapan

Kinakausap siya nito habang nakatalikod. Doon sinabi ng matanda na simula ngayon, Topaz Pierre Reyes na ang magiging pangalan nito, hindi parin naiintindihan ni Topaz ang mga nangyayari. 

Kilalang businessman itong si Mr. Reyes. May-ari siya ng limang hospital, isang airline, sampung hotel at tatlong isla at marami pang iba. 

Pero kahit kailan ay hindi pa nakikita ni Topaz ang itsura ng kaniya nang itinuturing na Daddy, kahit na noong pumanaw ito dahil sa isang kumplikadong sakit. 

Naiwan sa kaniya ang responsilidad ng lahat ng kaniyang Ama. Lahat ng mga ari-arian nito, at mga negosyo nito. Pero mas pinili ni Topaz ang mamuhay ng normal kaya pinaubaya niya muna ang mga negosyo kay George. 

Hanggang napagdesisyunan ni Topaz na pumasok sa isang sikretong grupo ito na nga ang The Killer's Inc. Sa paghahanap ni Topaz sa mga katanungan niya sa kaniyang isip sa mga nangyari sa kaniyang mga magulang ay nalaman nga niya ang grupong ito.

Nahanap kasi si Topaz ang isa sa mga Killer ng kaniyang mga magulang, at napaamin niya ito hanggang sa nalaman nga niya na isang grupo ang nagpapatakbo nito, kaya simapi siya. Ang kailangan lang na requirements ay makapagpadala ito ng mga litrato o videos ng sampung tao na kaniyang napatay na. 

Ginawa ni Topaz ang mga iyon, alang-alang lang para makapasok ito sa grupo. Isang buntis. Isang batang babae. Isang guro. Isang pulis. Isang mayor. Isang governor. Isang Sundalo. Isang Scientist at isang baby. 

Nang makumpleto na ni Topaz ang sampung taong iyon ay I pinadala niya kaagad ang application nito. Pagka-uwi galing sa pinapasukang eskwelahan ay bigla nalang siyang dinukot ng mga armadong tao at pilit na pinasok sa loob ng Van. Mayroong tinurok sa kaniya kaya siya nawalan ng malay. 

Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata nasa isang tila para bang operating room siya at may mga doktor sa paligid niya, napansin niya rin na nakatali ang mga paa at kamay niya ng minutong iyon, tapos may isang doktor ang lumapit sa kaniya at bigla nalang may tinurok sa kaniyang leeg na sobrang sakit. 

Nakatulog siya at nang muling idilat niya ang kaniyang mga mata nasa loob na siya ng kaniyang bahay, tapos napansin niya ang isang folder sa gilid ng kaniyang kama. Tumayo siya at kinuha niya iyon, binasa ng maigi at doon niya napagtanto na parte na siya ng grupong iyon. 

Ibang tuwa ang naramdaman ni Topaz, ngayon may pagkakataon na siyang makaganti. Kinakailangan niya lang ng tamang panahon at pagkakataon. 

… 

"Ampon lang si Topaz ng isang businessman na nagmamay-ari ng RGC o Reyes Group of Company." sabi ng isang imbestigador kay Terrence. 

"Seryoso?" nanlaki ang mga mata ni Anastacia nang marinig niya ito mula sa imbestigador. 

"Narito ang lahat ng mga impormasyon na kailangan niyo mula sa taong iyon." Dagdag pa nito bago siya pinaalis ni Terrence at si Dalton naman ang nag-abot ng bayad. 

Kinuha ni Terrence ang folder at binasa ang nilalaman ng report.

"Tama ang sinabi niya. Ampon nga siya ng mga Reyes." sabi pa ni Terrence. 

"Ang swerte niya!" manghang sabi pa ni Anastacia. 

"Kaya naman pala nakapasok siya sa Academy," sambit pa ni Princess. 

"So, paano na?" bigla namang nag-alala si Bryne. 

"Natatakot ka?" tanong ni Terrence sa kaniya. 

"Kahit na pagsama-samahin pa natin ang yaman ng pamilya natin, walang-wala tayo sa yaman ng taong iyon." sagot pa ni Bryne. 

"Yaman lang iyon, Bryne. Hindi niya madadala sa langit iyon." saka niya inilabas ang cellphone nito. 

"Gagamitin mo ulit iyong App?" si Princess na nanlaki ang mga mata. 

"Oo, this time. 10 million na ang patong sa ulo ng gagong iyon." sagot ni Terrence. 

"Dude, saan tayo kukuha ng ten million?" pag-aalala naman ni Dalton. 

"Well, pwede akong magshare ng 50k, ayun lang ang kaya ko." sabi pa ni Dorothy. 

"Ako nang bahala doon." sabi pa ni Terrence saka siya ngumisi sa harapan ng mga kaibigan. 

Mukhang nagegets naman ni Dalton ang nasa isip ng kaibigan. 

"Supportahan kita diyan." sabi pa niya rito. 

"Salamat, Dalton." saka siya tinapik nito sa balikat. 

The Killer App  (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant