The Killer App 8: Investigation

576 36 0
                                    

The Killer App 8: Investigation

Wala pang isang buwan at halos dalawa na sa mga kaibigan ni Heaven ang misteryosong namatay. Hanggang ngayon wala paring nakukuhang lead ang mga pulis sa imbestigasyon na nangyari sa bahay ng mga Zabala. 

"I just want to confirm, nasa birthday party ka ni Heaven Eulour Zabala?" tanong ng imbestigador. 

"Yes, i am with my friends and boyfriend." sabi ni Anastacia sa officer. 

"Nandoon ako pero, lumabas ako para magpahangin at magyosi, ayaw kasi ng Mommy ni Heaven na may nagyoyosi sa bahay nila." sabi naman ni Bryne. 

"I'm with Anastacia, tapos nilapitan namin si Topaz, nakipag-usap saglit at nakipag-inuman pero bumalik na kaagad kami sa pwesto namin." umiiyak na paliwanag ni Princess. 

"I'm with the birthday celebrant, Heaven all the time. I mean not all the time but most of the time kasi ako rin po ang host ng party." sagot naman ni Dorothy. 

"Nag-iikot po ako, nakikipagusap sa mga bisita ko, masyado po kasi silang marami. I saw Miles he's with Dalton, at pumunta pa nga sila sa banyo." sagot naman ni Heaven.

"Hinahanap ko po ang kaibigan kong si Hans Bryle kasi nahihiya po siyang kumuha ng pagkain sa loob kaya ako na po ang kumuha." paliwanag naman ni Topaz.

"Anong nangyari sa iyo bakit ang dami mong sugat at pasa?" tanong ng officer sa kaniya. 

"Napaaway lang po. Isa po sa mga kaibigan ni Heaven, na si Terrence Go. Marahil iniisip niya na minamanyak ko ang kaibigan nila habang kasayaw ko ito, pero hindi naman po totoo iyon." 

"Hindi nga ba?" 

"Opo, hindi po totoo iyon." sagot ni Topaz sa officer., 

"One of your friends , confirming you that he/she saw you with Miles habang papasok sa banyo." tanong ng Officer kay Dalton. 

"Tama po nagbanyo po kami ni Miles." sagot ni Dalton sa officer. 

"Did you do something to him?" 

"No sir." mabilis na sagot nito. 

"You sure? Wala ka bang ginawa o sinabi sa kanya, kasi base doon sa autopsy, napansin ng mga doctor na nagulat siya. Tapos doon na siya inatake ng pumatay sa kaniya." sinusubukan ng officer na makakuha ng ibang detalye mula kay Dalton. Kaya ganoon na siya magtanong sa binata. 

"No sir. Wala po talaga." paninidigan ni Dalton ng minutong iyon. 

"Okay, let me back doon sa oras na nasa loob ka ng kotse mo, anong nangyari?" he ask. 

"Sir, nasa report na po iyon. Nagbigay na ako ng statement, kailangan ko po ba talagang sabihin pa ulit iyon? Wala naman pong magbabago sa statement ko, hindi ko pinatay si Miles, okay? May ibang pumapatay!" naiiyak nang sabi ni Dalton. 

"So sino sa tingin mo ang pumatay?" 

"Ewan ko, hindi ko alam. Basta alam ko nasa paligid lang siya, nakamasid sa amin. Parang kilala na niya kami, alam na niya ang galaw at hininga nang bawat isa sa amin. Naiintindihan niyo po ba ako?" Alam ng officer na emotionally shock pa itong si Dalton sa mga nangyari kaya ganito siya magsalita. 

"Okay, tatawagan ka nalang namin for other questioning and iinform nalang namin kayo with regards sa kasong ito. This is so interesting." ngising sabi pa ng Officer bago ito umalis ng minutong iyon. 

Muli silang nasa Casa Cafe para mag-usap sa nangyari at naganap nitong mga nakaraang araw. 

"Hindi kaya si Hans Bryle ang gumawa nito kay Miles?" biglang nasabi ni Anastacia ng minutong iyon. 

"That's impossible! Bugbog sarado namin siya ni Miles and he can't even move his body and according sa cctv umalis na kaagad si Hans bago pa mangyari ang kaguluhan." sagot ni Dalton kay Anastacia. 

"Naisip ko lang naman, bawal bang magbigay ng suggestion?" inis na sagot ni Anastacia kay Dalton. 

"Girl, kung wala ring kwenta tumahimik ka nalang." sabi naman ni Dorothy kay Anastacia. 

"Hehe, funny ka?" sabay irap ng mga mata nito kay Dorothy. 

"Sorry, I'm late! So, what's up?" sabi ni Heaven sa mga kaibigan niyang masama ang titig sa kaniya ng minutong iyon. 

"Kamusta naman ang boyfriend mo?" tanong ni Anastacia kay Heaven. 

"Boyfriend, sino?" pagtataka ni Heaven sa itinatanong ni Anastacia sa kaniya. Saka siya umupo na sa tabi ni Dorothy ng minutong iyon. 

"Girl, huwag ka nang mag-maang-maangan pa. Napakalandi mo ano?" pagtataray pa sa kaniya ni Anastacia ng minutong iyon. Nagulat naman si Heaven sa narinig niya mula sa kaibigan. Alam niyang ganoon ito magsalita at ganoon na talaga kabastos ang ugali nito, pero kahit kailan hindi pa siya nito ginagawan o sinasabihan ng ganoon. 

"I'm sorry, you sound jealous?" sagot ni Heaven saka siya nagretouch ng make-up niya sa harapan ni Anastacia. 

"This is going to be exciting!" biglang sabi ni Dorothy at uminom ng inorder niyang double chocolate frappe. 

"Me, Jealous? Kanino sa iyo? Bakit naman ako magseselos sa iyo, e napakagwapo at napakayaman ng boyfriend ko?" saka niya hinalikan sa labi ang boyfriend niyang si Bryne. Pero tila para bang nairita si Bryne sa inasal ng kaniyang girlfriend ng minutong iyon at bigla nalang nag-walkout. 

"Tsk. Mahal ka nga!" nakangising sabi ni Heaven at saka na ito uminom ng inorder sa kaniya na kape ni Dorothy. Habang sinundan naman ni Anastacia si Bryne ng minutong iyon. Saka siya tumingin ng masama kay Terrence. 

"What?" galit na sabi ni Terrence sa titig sa kaniya ni Heaven. 

"Ikaw pa itong may ganang pagtaasan ako ng boses? Mabuti nga hindi ka na ipinakulong noong tao dahil sa nagawa mo." Sabi ni Heaven sabay irap pa ng mga mata nito. 

"I don't care. Bakit, bawal na ba mag-alala sa iyo?" biglang tumayo si Dorothy at ganoon din si Princess at niyaya niya rin si Dalton na magyosi muna sila sa labas. 

At tanging naiwan lang ay sina Heaven at Terrence. 

"Mag-alala? Anong arte iyan, Terrence?" kunwari nagpapakabusy si Heaven sa kaniyang cellphone nang biglang hinawakan ni Terrence ang kamay nito. 

"Heaven, you still like me pa naman hindi ba?" tinitigan niya ito ng masama. Sa totoo lang, hindi talaga niya alam kung bakit niya nagustuhan ang lalaking ito. Bukod sa mayabang na. Malaki ang tiwala sa sarili, babaero pa. At higit sa lahat lapitin ng gulo. Sa totoo lang, kasalanan naman talaga ito ng bestfriend niyang si Dorothy, may isang beses kasi na naglaro sila ng spin the bottle sa bahay nila Dorothy kasama ang mga kaibigan nila at tumutok ang bote sa kaniya. Nagtanong ito kung may isang lalaki sa loob ng kwarto ito na gusto mong halikan sino ito at bakit. 

Wala siyang maisip kasi barkada lang ang tingin niya sa lahat ng mga kaibigan niya, pero nang mga panahon na iyon, super close sila ni Terrence, kaya ito nalang ang hinalikan niya. Kaso biglang nagselos si Penelope at hinila nito ang buhok ng dalaga, doon na nagsimula ang hindi pagkakaunawaan at issue na sulutan. Na matagal na raw na may gusto si Heaven kay Terrence pero wala namang nararamdaman ang binata sa kaniya, in short binasted siya nito at okay lang naman kay Heaven kasi wala sa mga ugali niti ang lalaking nais niyang mahalin. 

"Tigilan mo na ito, Terrence. Hindi ka ba naaawa kay Penelope? Nasa ICU siya. Mahiya at magkaroon ka naman ng kahit kaunting awa doon sa tao." inis na sabi niya sa kaibigan. 

"Titigil lang ako kung sasabihin mo sa harapan ko na gusto mo na iyong gago na iyon!" mabilis na sinagot ni Heaven ang binata. 

"Oo, gusto ko na siya!" sabi nito habang nakatitig ito sa mga mata ni Terrence. 

"Fine. Sana alagaan at mahalin ka niya." sabi pa nito bago ito tumayo at umalis ng minutong iyon. Doon palang nakahinga ng mabuti si Heaven. Grabeng bigat nang damdamin ng minutong iyon, ang bilis ng tibok ng puso niya na para bang sasabog na hindi niya maintindihan. 

Gusto na nga ba talaga niya si Topaz? 

The Killer App  (Completed) Where stories live. Discover now