The Killer App 1: Payaso

2.3K 114 0
                                    

The Killer App 1: Payaso

Name: Penelope Lacson

Age: 15 years old

Address: #25 San Francisco Village, Quezon City 

Fb: PeneLcsn

Takutin niyo lang po siya sa kwarto niya nang nakasuot na Killer Clown tapos kuhaan niyo po ng video then i send niyo po sa social media. 


"Baby, hindi naman kami magtatagal ng Daddy mo sa party ng Tita Verns mo. Kilala mo naman iyon matampuhin. Talaga bang ayaw mong sumama?" tanong ng Mommy ni Penelope sa kaniya ng minutong iyon. 

May dadaluhan kasing party ang Mommy ni Penelope ng gabing iyon kasama ang kaniyang Daddy. Kanina pa nila pinipilit na isama ito pero wala raw siya sa mood na makipagplastikan sa gabing iyon at ipapahinga nalang raw niya besides, mayroon raw silang exam tomorrow kaya kailangan niya ring magreview. Pero, sa totoo lang may plano talaga si Penelope, pagkaalis ng mga magulang niya ay itetext niya ang boyfriend niyang si Terrence na maaari na itong pumunta sa kanila para doon magsex. Sa totoo lang, ayaw ni Terrence sa idea na iyon dahil Mortal na magkaaway sa negosyo ang mga Go at Lacson pero nainlove si Penelope sa isang Lacson at ganoon din si Terrence, siguro o dahil sa maganda lang talaga si Penelope kaya niya nagustuhan ito. 

Pagkaalis na pagkaalis ng mga magulang ni Penelope ay tinext na niya kaagad si Terrence. 

"Pumunta ka na dito umalis na sila Mommy at Daddy." sabi ni Penelope sa kanyang text kay Terrence. Pero walang reply mula sa binata. Kaya bumalik na lang si Penelope sa loob ng kanilang bahay at pumunta ito sa kwarto ng kanilang maid, pinaaalahanan niya ito na hwag silang lalabas sa kwartong ito, nilock pa niya ang kwarto nila para hindi nga makalabas ang mga ito, para walang makaistorbo sa kanilang dalawa ni Terrence. 

Pagkatapos ay umakyat na si Penelope sa kwarto nito, dumiretso siya sa kaniyang banyo, naghubad ng suot na damit at binuksan ang shower. Kinakailangan mabango siya pagdating ng kaniyang kasintahan. Ramdam ng hubad na katawan ng dalaga ang tubig na lumalabas sa shower, napapikit pa siya habang sinasabon ang katawan nito. Hanggang sa makadako ang kaniyang sabon sa maselang parte ng kaniyang katawan, hinilod hilod niya ito gamit ang sabon at napapakagat siya ng kaniyang labi. 

Nang biglang huminto ang paglabas ng tubig. Napamura siya ng minutong iyon at nagsisigaw. Naalala niya na nilock pala niya ang kaniyang mga maid kaya walang makakaakyat sa kaniya ng oras na iyon. 

Kay nagdesisyon nalang lumabas ng banyo si Penelope at magpunas ng katawan. Badtrip na umupo sa may kama nito at nagpapatuyo ng buhok, kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinignan kung may reply na ba ang kaniyang boyfriend pero wala parin. Muli niyang tinext ito at pinagmumura. 

The fuck, Terrence. Nasaan ka na ba? Gusto mo ba talaga akong makasama or what? 

Saka niya inihagis ang kaniyang phone sa kaniyang king-size bed at humiga rito. Nang biglang namatay ang ilaw. Pati ang aircon ay nawala rin, kaagad na hinanap at kinapa kapa ni Penelope ang kaniyang cellphone sa kaniyang malaking kama pero hindi niya ito mahagilap hanggang sa bigla itong umilaw. Mukhang may nagtext sa kaniya, nang lalapitan na niya ito at hahawakan ay nakakita siya ng tila para bang kawangis ng tao ang nakatayo sa kaniyang harapan. Nang sa wakas ay mahawakan na niya ang kaniyang phone at inilapat ang ilaw roon, doon na nalaki ang mga mata ng dalaga at halos atakihin ng makita niya kung ano ang nasa kaniyang harapan. 

Isang Payaso. 

Napasigaw ng malakas si Penelope ay nagtatakbo palabas ng kaniyang kwarto. 

"Tulong….tulong…" sigaw ni Penelope, narinig ito ng kaniyang mga kasambahay pero inisip ng isa na baka roleplay lang raw iyon ng magkasintahan kaya hindi na nila ito sineryoso at nagpatuloy nalang sa pagtulog. 

Nang makababa ay nagtago si Penelope sa ilalim ng malaking lamesa nila na gawa sa mahogany na puno ng kahoy. At kahit na natataranta ay pinipilit parin niya ang kaniyang sarili na itext ang kaniyang boyfriend na si Terrence na kanina pa niya sinusubukang tawagan pero hindi ito sumasagot. Hanggang pati ang connection nito ay nawala na rin. 

Bumagsak na ang malakas na ulan. At kumidlat, mas lalo tuloy nadagdagan ang takot ni Penelope. Nakarinig siya ng mga yapak palapit sa kaniya, hanggang sa makita ng dalawa niyang mga mata ang paa ng Clown na nakatayo sa harapan ng lamesa. Tinakpan niya ang kaniyang bibig at hindi gumalaw para hindi makagawa ng ingay para hindi malaman ng Clown na nasa ilalim siya pero sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay bigla nalang naitumba ng Clown ang mabigat na lamesang iyon at nagsisigaw na si Penelope na tumakbo palayo sa taong iyon, ngunit naabot nito ang kaniyang buhok at nadulas si Penelope. Pakiramdam niya nabali ang buto nito sa kaniyang likuran at nabagok ang kaniyang ulo, saglit lang nawalan ng ulirat. 

Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, muling bumilis ang tibok ng puso niya nang makaharap na niya mismo ang Payaso. Ang Payaso na namumula ang mga mata. May lipstick na abot hanggang pisngi, at puting-puting ang mukha nito, magulo at tila basa ang buhok nito pero napansin niya rin na parang matipuno ang Payasong nasa kaniyang harapan. 

"Please, don't kill me." pagmamakaawa pa niya sa Payasong nasa harapan niya. Nakaupo na kasi si Penelope sa swivel chair niya habang nakatali ang mga kamay nito sa likuran ng upuan. 

"I'm begging you. Please don't kill me. Kung magkano man ang binayad sa iyo ng taong nag-utos sa iyo nito, tatapatan ko. Ititriple ko pa kung gusto mo, pakawalan mo lang ako, please." pero hindi kumibo ang Payaso. Bagkus hinila niya ang upuan para mas palapitin pa ito sa kaniya at napapikit nalang sa sobrang takot si Penelope. 

"Mayaman ang Daddy ko, kaya ka niyang bayaran kahit magkano pa ang gusto mo. Just please, leave me and don't kill me." pagsusumamo pa niya sa Payasong nasa harapan niya ngunit wala parin itong ni isang salitang itinugon sa kaniya. 

Ang hawak na kutsilyo ng Payaso ay idinampi niya sa mukha ni Penelope, hindi tuloy napigilan ng dalaga na mailabas na sa katawan nito ang takot sa pamamagitan ng pag-ihi. Oo, na-ihi na siya sa sobrang takot. 

"P-please…" pagmamakaawa ni Penelope ng minutong iyon. Hanggang sa laking gulat niya nang tinanggal ng Payaso ang pagkakatali sa kaniyang kamay at pinapatakbo siya nito doon sa may Veranda nito, doon ay nakita niya ang isang pamilyar na tao. 

"T-Terrence?" nanginginig at naiiyak na sambit nito sa pangalan ng kaniyang boyfriend. Tapos muli siyang humarap sa Payaso, tila para bang inuutos nito na tumalon siya, pero umiiling si Penelope at ayaw nitong gawin iyon. 

Palapit ng palapit ang Payaso at nakatutok ang kutsilyong hawak nito, na ano mang minuto ay akmang sasaksakin na siya. 

Humakbang siya ng dalawang baitang sa ng  kanilang Veranda hanggang sa maout of balance siya at mahulog roon. 

Mula Fourth floor ay nahulog ang katawan ni Penelope, tamang-tama malapit ito sa katawan ng kaniyang boyfriend na si Terrence. 

The Killer App  (Completed) Where stories live. Discover now