The Killer App 11: The Killer

525 42 2
                                    

The Killer App 11: The Killer

Pagkatapos ihatid ni Topaz si Heaven sa kanilang tahanan ay nagpaalam na rin ito. Bago pa siya makapasok sa loob ng kotse ay nakareceived siya ng text mula sa dalaga. 

Heaven: Mag-ingat ka. See you tomorrow. 

Hindi na nagreply pa si Topaz at pumasok na kaagad ito sa kaniyang kotse at pinaandar ito. Habang nasa kalsada ay kanina pa napansin ng binata na tila parang mayroong sumusunod sa kaniya. Paglabas palang nito ng Subdivision nila Heaven ay napansin na niya ito, kumaliwa siya at iniligaw niya ang sumusunod sa kaniya pero nahabol parin siya nito. Kinuha niya ang baril niya na caliber 45 at fighting knife saka siya huminto sa isang madilim at abandonadong building. 

Lumabas siya sa loob ng kotse niya at nagtago sa likod ng pintuan ng entrance ng building na kung saan kitang-kita niya ang paglabas ng taong sumusunod sa kaniya. Napansin rin nito ang bitbit na baril at kutsilyo ng taong iyon, hindi niya lang maaninag kung lalaki ba ito o babae. 

Tapos sinilip niya ang kotse nito at binutasan ang gulong nito saka tumingin sa paligid nang mapagtanto niyang wala ito doon sa loob ng kotse. 

Muli siyang nagmasid-masid sa paligid at tinitignan bawal sulok nang mapansin nito ang isang anino. Napashit, si Topaz ng tumapat ang sinag ng Buwan sa kinayang kinatatayuan. Tapos umurong siya at nagtago sa ibang parte ng abandonadong building na iyon. 

Nang makapasok na ang Killer ay wala siyang nakitang tao doon. Pero noong tumingala ito, bigla nalang tumalon mula sa ikalawang palapag si Topaz papunta sa kinatatayuan ng Killer at sakto itong lumapag at babarilin palang siya ng Killer ay naitarak na niya ang fighting knife niya sa bunbunan ng killer at ang kaliwang kamay naman niya ang ginamit niya sa hawak niyang kalibre 45 at ipinutok ito sa leeg ng Killer saka ito bumulagta. 

Nang matiyak na ni Topaz na wala na itong buhay ay kinuha niya ang cellphone ng Killer at pati ang pagkakakilanlan nito. Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang hinala. Miyembro ito ng  The Killer's Inc. Isang kumpanya na nagpapatakbo ng mga killer sa iba't-ibang parte ng mundo. 

Sa kaniyang tantiya ay nasa edad na 40years old ito, lalaki at mayroong dalawang anak, base na rin sa tattoo nito sa braso na pangalan ng dalawang babae. 

Miyembro din kasi si Topaz dito, pero hindi niya alam o kilala ang mga taong nasa likod nito, maski ang kapwa niya mga Killers ay hindi niya rin kilala. 

Kinunan niya ng litratro ang Killer, gayon din ang finger prints nito at mga importanteng gamit, saka niya binitbit ang wala ng buhay nitong katawan at saka ipinasok sa loob ng kotse, nilagyan ng gaas ang katawan nito maski ang loob ng kotse saka niya ito siniklaban at maya-maya, ay bigla nalang itong sumabog. 

Bago mangyari iyon ay inayos muna nito ang binutas na gulong ng killer, mabuti at may reserba siya ng gulong at pagkatapos ay umalis na rin siya sa lugar na iyon. 

Hindi niya matrace ang pagkakakilanlan ng taong gustong pumatay sa kaniya kanina pero nagawa naman niyang mabuksan ang cellphone nito gamit ang finger print na nakuha niya kanina at doon niya nakita na may gustong magpapatay sa kaniya sa halagang 50,000. Natawa siya, at nainsulto. Masyadong mababa ang presyo nito para sa kaniyang buhay. 

Kapag namatay ang Killer habang ginagawa ang kaniyang tinatawag na assignment ay makakatanggap ang sender iyong nagpapagawa ng Assignment sa Killer ng isang mensahe. 

Passed kapag nagawa nito ng maayos ang assignment at Failed naman kapag hindi, at maaaring mabalik ang pera ng Sender kasi nga hindi naman niya nagawa ng maayos ang trabaho, pero knowing na mga killers sila, hindi nila hahayaang hindi nila matapos ang trabaho.

At kadalasan, nagfefailed lang ang isang Assignment kapag patay na ang Killer. 

… 

"Guys, nakareceived ako ng Failed. Ano kaya ang ibig sabihin noon?" tanong ni Dalton sa kaniyang mga kaibigan. 

Nasa loob na sila ng classroom, at nasabi nga ni Dalton na nakatanggap siya ng prompt message mula sa Killer App na failed. At, hindi niya ito maintindihan. 

"Baka under maintenance ang App?" sabi ni Anastacia. Habang nagreretouch ng make-up niya saka siya inirapan ng masama ni Dorothy. 

"I don't think so," sagot naman ni Dorothy. 

"Well, malalaman naman natin kung talagang totoo iyan kung buhay pa si…" nanlaki ang mga mata ni Princess ng makitang buhay at walang ano mang galos na pumasok sa loob ng kanilang classroom ang kaklase nilang si Topaz. 

"Omg! Buhay siya!" sambit ni Dorothy. Saka sila tinignan ng masama ni Topaz bago ito umupo. 

"Check mo iyong pera mo, kapag bumalik iyong 50k mo, isa lang ang ibig sabihin noon, nagfailed nga iyong killer." sabi pa ni Princess. 

Nang minutong din iyon ay  tinignan ni Dalton ang pera niya sa kaniyang bank account at nanlaki ang mga mata nito na iyong 50k na trinansfer niya doon sa App ay muling bumalik. 

"Unbelievable!" saka siya nakipagtitigan ng masama kay Topaz. 

"Sino ka ba talaga, Topaz Pierre Reyes?" tanong sa sarili ni Dalton ng minutong iyon. 

Mukhang nagkakaroon na ng ideya si Topaz sa kung sino-sino ang nasa likod ng assassination sa kaniya kagabi. Tapos ngumisi siya habang nakikipagtitigan kay Dalton.

The Killer App  (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin