Chapter 25 - REGRETS

Start from the beginning
                                        

pagpasok ko palang sa loob mukhang alam ko na kung nasan nakapwesto yung sinasabi nilang babae dahil pinapalibutan lang naman sya ng mga students dito sa university.

pero di nako nagdalawang isip pang magpunta sa harap nya dahil nga nagmamadali nako.

nanglaki nalang ang mga mata ko dahil sa hindi ko inaasahan na nandito sya sa harap ko ngayon.

pero bakit ganun?, parang wala nakong nararamdamang sakit o kirot ngayong nakikita ko na sya ng malapitan?.



tahimik lang akong naupo sa harap nya. seryoso lang akong nakatitig sakanya ngayon habang gulat parin ng konti.

nakangiti lang sya sakin habang magkatitigan kami at hindi ko maikakailang lalo syang mas gumanda ngayon. at makikita ko talaga sa mga mata nyang masaya sya ngayon, at ang hindi ko inaasahang makita ay yung suot nyang singsing.

hindi na promised ring namin ang suot nya, kundi engagement ring ng lalaking nagpapasaya na sakanya ngayon.

"kamusta kana?" tanong ko sakanya habang nakangiti.



"Ayos naman, medyo nahirapan lang akong puntahan tong university nyo. anyway long time no see ah. Ikaw ang kamusta na may girlfriend kana ba?" sabi nito sakin. ewan ko pero parang pakiramdam ko ngayong parang magkaibigan lang kami na matagal ng hindi nagkita.

nothing special, wala nakong maramdamang bitterness ngayong nasa harapan ko na sya.

"Heto focus muna sa studies." sagot ko lang sakanya. humigop lang sya ng kape bago ulit ako hinarap.

"bakit naman?, wala bang nagpaparamdam na girls sayo?." tanong nya na nagpangisi sakin.



"hindi na muna. break muna ko sa ganyan." sagot ko lang at natawa naman sya ng bahagya.

"pwede bang mag-apply ako ulit?" bigla kaming napahalakhak sa sinabi nyang yon at hindi ko na namalayang pinagtitinginan na pala kami ng mga tao sa cafe.

napakamot tuloy ako sa batok ko dahil sa kahihiyan.

naging seryoso naman bigla ang ekspresyon ng mukha nya kaya hindi ko magawang gumalaw at naghihintay kung anong susunod nyang sasabihin.



"i'm sorry for what I did to you before. Believe me sinubukan kong puntahan ka sa hospital that time nung nalaman kong naaksidente ka pero wala akong magawa dahil kontrolado ni dad buhay ko" ngumiti lang ako sakanya at nakita kong may tumutulong luha sa mga mata nya kaya pinunasan ko kaagad.

pero after so many years galit na galit ako sa mundo dahil pinaniwala ko sarili kong lahat ng tao hindi dapat pagkatiwalaan pagdating sa pagmamahal dahil hindi sya nagi-exist.

"Wag kang mag-sorry, alam kong hindi natin ginustong mangyare yon. at gusto kong kalimutan na natin parehas yung nangyare sa'tin sa past." sabi ko lang sakanya pero lalo lang syang naiyak.

"thank you for everything." tumango lang ako sakanya habang nakangiti at pinupunasan ang mga luha nya.



"nasan pala yung gagong lalaking yon, bakit hinahayaan kalang na mag-drive magisa?" pabirong pagkakasabi ko natawa nalang sya sabay hampas sa balikat ko.

"actually kasama ko sya may kinakausap lang syang client kaya bumalik sa kotse" sagot lang nya sakin.

pero may biglang pumasok na lalaki at may bitbit syang batang babae sa kaliwang side nito at dahan-dahang naglalakad papunta dito sa direksyon namin.

"Mommy, bakit ang tagal mo?" tanong ng bata kay bianca. parang may part sakin na bigla nalang nabuhay at sobrang saya ko ngayong tinititigan yung bata. hindi ko ma-explain tong nararamdaman ko ngayon.



The Only ExceptionWhere stories live. Discover now