Ahhhhhcccckkkk?!!!! sumasakit na ulo ko.
di ko naman inakalang ganito kadami pa pala kakabisaduhin kong script.
akala ko yung hawak ko lang na script ang kailangan kong kabisaduhin hindi pa pala, madami pang sinend sakin ngayon umaga lang hays. feeling ko anytime soon sasabog na utak ko lalo pa't malapit na daw to iperform.
Kakatapos ko pa nga lang problemahin yung pinasa kong project sa pesteng photography na yun na nagmakaawa pakong tanggapin nya kasi ako nalang natitirang walang napapasa.
*smash*
sa inis ko nahampas ko yung table ng hindi sinasadya, dahilan para mapatingin sakin lahat ng tao sa library.
"SHHSSS!!" sabay-sabay nilang saway sakin, napayuko nalang ako sa kahihiyang inabot ko. haaaaay buhay.
"hoy dude!, alam mo naba yung balita?" tanong ni Drake na nakaupo na ngayon sa tabi ko, at parang mga multong nagsulputan nanaman silang dalawa ni mich sa tabi ko.
"aling balita?" nagtatakang tanong ko.
"tignan mo to, kakakita lang namin ni Drake kanina." sabi ni Mich. tinignan ko silang dalawa ng may pagtataka sa mukha bago ko kunin yung phone ni Mich.
News article~
Business tycoon Mr.Lim and his wife Mrs.Lim have been separated and their son Michael Lim has been so affected that it is alleged that he often goes to various bars here in Manila.
Pagkatapos kong mabasa yung article parang bigla akong nakaramdam ng awa sakanya. Pero maswerte parin sya atleast naghiwalay lang mga magulang nya, ako nga mommy ko na nga lang kakampi ko iniwan pako't sakin pa sinisisi ni dad yung nangyare.
Pero wala ako sa posisyon nya para sabihin yung ganung bagay. Pero sigiro karma rin sa kanya to dahil napaka-hambog nya tsk.
"i'm worried baka kung ano nang ginagawa nya ngayon. Ry di mo ba sya nakakausap lately?" tanong ni Mich, pero nagpa-flashback palang yung mga pinaguusapan namin nauurat lang ako eh.
"wala naman kaming dapat pagusapan nun. tsaka puro utos lang pinapagawa nya sakin, dapat ikaw ang mas may alam sakanya ikaw kaibigan nun e" sabi ko kay Mich na biglang napaisip.
ramdam ko yung pagaalala sakanya halatang halata eh. pero sa palagay ko walang gagawing katangahan yon.
"dude, diba classmate mo yon?, edi dapat alam mo kung pumasok yon?" tanong ni drake habang kinakalikot yung libro na hawak ko kanina.
"hindi ko alam, wala pa kaming sched mamaya ko pa malalaman tss. tsaka ayokong pakialaman buhay nun masyadong magulo." Sagot ko lang sakanila.
tumayo nako at binalik ko na yung libro sa lagayan, at naglakad na palabas ng library.
naglalakad nako pabalik ng classroom ng makasalubong ko si Michael sa hallway, ewan ko pero parang hindi wala namang pagbabago?. Ganun parin parang walang buhay yung mukha.
Ang kaibahan lang ngayon, dinaanan nya lang ako at hindi pinansin. mukhang wala syang iuutos sakin mabuti naman at hindi maha-haggard tong gwapo kong mukha.
Kaso san pupunta yon?, patapos na vacant namin ah?. Dapat nasa classroom na kami bago magtime dahil terror pa naman yung prof namin.
tss. ba't ko ba sya iniisip? mas magandang problemahin ko nalang yung pagkakabisado ko ng script.
Mas mabuti ngang ganun sya para hindi nasisira araw ko. Mas maganda kung aaraw-arawin nya para matuwa ako, wag lang talaga kaming magkakabanggaan ulit.
ESTÁS LEYENDO
The Only Exception
Romancewhen someone you love becomes a memory, the memory becomes treasure. always remember the happiness that we did together, because I came here just only to leave memories that you can keep for the rest of your life. it's about who stays, not who promi...
