Nagising ako ng napakaaga ngayon dahil hindi ako pinatulog ng pagloloko ng tiyan ko. Kanina pakong madaling araw pabalik-balik sa cr ko at para kong mamamatay dahil kulang nalang pati mga lamang loob ko mailabas ko eh.
Nasobrahan yata ko sa paginom ng alak kagabi tapos hindi pako kumain kaya siguro nagkaganito tiyan ko.
Nagdadalawang isip na tuloy ako kung papasok ako ngayon dahil malapit narin oras ng first subject namin.
Napakamalas ko pa dahil huling gamot narin pala yung nainom ko kagabi kaya ngayon nakatambay ako sa trono ko't hindi na makalabas.
Para kong huling araw ko na yata ngayon sa sobrang habol na habol nako sa hininga ko. OA pakinggan pero yun talaga ang kalagayan ko ngayon parang hinihigop yung buong kaluluwa ko sa pamimilipit ng tiyan ko.
*doorbell continuously ringing*
Sino batong istorbong to?!, talagang ngayon pa kung kelan nasa ganitong kong sitwasyon?.
Para kong zombie na dahan-dahang nilakad ang pintuan ko papalapit habang nakahawak pa sa tiyan ko.
Pagbukas ko ng pintuan, parang lalo nyang sisirain yung tiyan ko sa pagmumukha nya.
"Ano nanamang kailangan mo?" Nanghihinang tanong ko sakanya. Nakatingin lang sya sakin habang nakangisi ng nakakaloko.
"Ano bang nangyayare sayo?" Tanong nya na parang wala namang halong pagaalala. Ganyan ba talaga yung mukha nya?, nakakaasar.
"Umalis kana, lalo lang nasisira tiyan ko sayo eh." Sabi ko sakanya at isinara ko na yung pintuan.
Nagmadali nakong bumalik sa cr dahil napagdesisyunan ko ng pumasok ngayon dahil naalala kong malapit na yung exam namin.
Kaya ko pa naman sigurong ipilit to basta may dala lang akong tissue just in case, bibili nalang din ako ng gamot mamaya para kahit papano mawala yung pagloloko.
After kong maligo nagmadali nakong magbihis at diretsong lumabas ng unit ko. Naabutan ko nalang si asungot na nakasandal sa pader ko at napansin ko kaagad yung hawak nyang supot.
"Oh, inumin mo muna yan bago umalis." Sabi nya sakin sabay abot nung nakaplastic na gamot ang laman.
"Hindi mo naman ako kailangang bilhan nito. Magkano bato?" Tanong ko sakanya, dahil ayokong magkaron ng utang na loob sakanya.
"No need to pay for that. Wag kanang maginarte inumin mo na yan, tsk" sagot nya naman sakin.
Kumuha nako ng gamot sa plastic at ininom ang isa. Hindi ko na kayang maginarte pa dahil nararamdaman ko nanaman yung pagkulo ng tiyan ko.
"Kung ginagawa moto para ituloy yung dare nyo nila Dan. Wag mo nang ituloy wala kang mapapala sakin." Sabi ko sakanya, ginantihan nya lang ako ng pagngisi
"Bakit, nafa-fall kana ba?" sarkastiko akong natawa sa sinabi nya. Grabe talaga amats nya ibang level.
"In your dreams." asar na pagkakasabi ko sakanya at nauna ng sumakay sa elevator.
Bwisit sya, ang aga-aga nanaman nyang sinisira araw ko. Masama na nga timpla ng tiyan ko sasabay pa talaga sya.
——
"WAHAHAHAHA, dude bakit ba kasi pinilit mo pang pumasok?" Pangaasar sakin ni drake. Tangina naiinis ako hindi ako makaganti dahil nga nanghihina ako.
Nakahawak lang ako sa tiyan ko habang nakayuko sa lamesa. Hindi ko magawang kumain ngayon parang pakiramdam ko lalo lang akong nanghihina.
May araw talaga sakin tong kupal na to eh. Pipilayan ko talaga to hanggang sa magtanda.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Only Exception
Romancewhen someone you love becomes a memory, the memory becomes treasure. always remember the happiness that we did together, because I came here just only to leave memories that you can keep for the rest of your life. it's about who stays, not who promi...
