(Insert alarm clock)
tangina binangungot yata ko kagabi. sana nga bangungot lang yon, sana dala lang ng pagod ko kaya pati sa panaginip ko ginugulo nya ko.
Pero hindiiii eh, kahit anong kumbinsi ko sa sarili kong panaginip lang yon hindi talaga naniniwala utak ko. dahil hanggang ngayon ramdam ko parin yung labi nya.
sinampal sampal ko pa mukha ko baka panaginip lang talaga to, baka hindi pako gising.
napasabunot nalang ako sa buhok ko at nagpapapadyak ng padabog dahil hindi ko talaga matanggap na hinalikan ako ng isang lalaki. at hindi lang basta lalaki!!!!. yung lalaking kinakairitahan ko pa.
(insert Doorbell )
para kong zombie na dahan dahang naglakad papuntang pintuan at tumambad sa harap ko ang mga gulat na gulat na si Mich at Drake.
"PFFT!, WAHAHAHAHAHA." sabay nilang tawa at may paghawak pa sa mga tiyan nila. tss nagmumukha lang silang unggoy.
"tangina dude, di mo naman kami ininform na nagpa-costume party ka kagabi, ganda ng make-up mo ah pandang-panda WAHAHHA" Pangaasar ni drake pero hinayaan ko nalang nakabukas ang pinto at dumiretso nako sa kitchen at naghanap ng makakakain.
"Ry, ano bang meron at nagka ganyan mukha mo?" tanong ni Michelle na pigil ang tawa.
hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang ako ng nakita ko sa ref na tira ko kagabing salad at binuksan ko ang tv para manuod.
"dude, sabado ngayon wala kabang plano? may pasok tayo mamayang 5pm sa mga club natin diba" sabi ni drake na nakaharang sa pinapanuod ko, binato ko sya ng remote at umiwas lang ang gago kaya muntik ko nang matamaan yung tv.
"bakit ba nandito nanaman kayo?, ang aga aga lalong sumasakit ulo ko" sabi ko at napapahilot nalang sa sintido ko.
tangina seryoso straight buong gabi di ako nakatulog dahil lang sa putanginang lalaking yon. mas malala pa sya sa bangungot.
nakakainis ni hindi ko man lang sya nasapak hanggang sa magdugo mukha nya, lalo tuloy nagiinit dugo ko sakanya para akong sasabog sa galit. gusto ko syang ibitin patiwarik.
ayoko namang ikwento sa dalawang to yung nangyare kilala ko na mga pagkatao netong dalawa lalo lang akong aasarin nyan.
(insert Doorbell)
napakamot ako sa batok ko sa sobrang inis. at padabog na nagpunta sa pinto, sino nanaman ba to ang aga aga?!.
pagbukas ko ng pinto lalo kong nanlumo at parang bigla nyang hinigop energy ko bigla kong nawalan ng gana. parang gusto ko nalang tumalon sa balcony ko.
pero ayoko pang gawin dahil sayang ka-gwapuhan ko no tsk.
gusto ko syang tadyakan sa sikmura namimilipit nako sa gigil ngayon gusto kong tapyasin pagmumukha nya tangina!
nakatingin lang sya sakin sa usual na robot nyang mukha. hinihintay ko syang magsalita pero parang wala syang balak.
"May kailangan kaba?, kasi kung wala isasara ko na to." iritableng sabi ko at akmang isasara ko na yung pinto ng biglang sumulpot yung dalawang kulugo kong kaibigan.
"OHMAMIKE! magkapitbahay pala kayo?, ba't parang wala kong alam" sabi ni mich na nagbibigay malisya ang tingin nito sa aming dalawa.
"Umm, recently lang. kayo?, bat kayo nandito?" tanong nitong asungot na lalaki sa harap ko.
YOU ARE READING
The Only Exception
Romancewhen someone you love becomes a memory, the memory becomes treasure. always remember the happiness that we did together, because I came here just only to leave memories that you can keep for the rest of your life. it's about who stays, not who promi...
