Chapter 25 - REGRETS

43 2 0
                                        

"mich, hindi nga ko pwedeng magskip ng klase may short exam pa kami." sabi ko kay mich sa kabilang linya. dahil kanina nya pako kinukulit na sumunod na sakanila.

pano ba naman, hindi nagsipasok ang mga kupal at dumiretso na dun sa venue kung nasan si asungot.

"Ry naman eh, kanina kapa kaya hinihintay ni mike. nakasimangot lang sya habang nagri-rehearsal sila, inaasahan ka nyang magpunta" sabi naman nya. napahinga nalang ako ng malalim dahil hindi ko na alam sasabihin ko.

"Mich, diko naman pwedeng hatiin katawan ko para lang makapunta dyan. basta gagawan ko ng paraan para makahabol." sabi ko naman.




"oh, sige. promise mo yan ah?."

napakamot nalang ako ng batok bago tuluyang makasagot. "umm, sige sige."

binaba ko na kaagad yung tawag at dumiretso na sa loob ng classroom dahil nagpaalam lang ako sa prof ko na sasagutin ko lang si mich saglit.

pagkaupo ko palang sa upuan ko narinig ko nanamang nagnotif yung phone ko. kaya pasimple kong tinignan kung sino yung nagtext sakin.


Study well :')
-Asungot



napahilamos nalang ako ng mukha gamit ang mga palad ko. takte kinu-konsensya nanaman nya ko, bakit ba ginaganito nya ko?!!.

ang totoo kasi nyan nagdadalawang isip pa talaga ko kung tutuloy bako o hindi nalang. kasi ayoko talagang magperform sa harap ng maraming tao.

kaso ayoko rin namang madismaya sakin si michael, gusto ko syang pagbigyan kahit sa ganitong bagay lang.

naguguluhan na talaga ko, diko na alam gagawin ko ngayon. pwede bang tumigil muna ang oras kahit sandali lang?.




natapos nalang ang buong umagang klase namin at wala akong naintindihan kahit isang lesson at halos wala akong nasagot sa short exam namin dahil lumulutang na talaga utak ko.

naglabasan na lahat ng mga classmates ko pero nandito parin ako sa loob ng classroom at wala na ko sa wisyo mag-lunch.

ipinikit ko muna ang mga mata ko sandali at nagdesisyon nakong lumabas ng room, bahala na kung anong mangyayari basta pupuntahan ko sya.




"Bro, may naghahanap sayong chix sa cafe." salubong sakin ng ka-department kong lalaki. nagsalubong tuloy kaagad mga kilay ko dahil sa sinabi nya.

"sino daw?" nagtatakang tanong ko sakanila dahil dalawa silang magkasama ngayon.

"di namin kilala, pero tangina ang ganda nya" sagot naman ng kasama nya. iniisip na baka si bella yon pero papanong uuwi nanaman yon dito ng walang dahilan?.




"Bro, kung ako sayo pupuntahan ko na kaagad yon. sayang chix yon" sabi ulit nung kasama nya at mga nakangiti pa ng nakakaloko.

mga gago talaga tong mga to magagaling talaga pagdating sa mga babae.

"Oh. pano alis na kami ah" sabi nila sakin at tumango lang ako bilang sagot. napakamot nalang ako sa sintido, dahil hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba yung dalawang yon o hindi eh.



kapag pinuntahan ko pa yung kung sino man yun?, male-late nako sa pagpunta kay michael. tangina gulong-gulo nako bakit naman ganito nangyayare sakin ngayong araw?!.

hays, bahala na. basta pupuntahan ko lang saglit yung kung sino mang babae yung naghihintay sakin tapos aalis narin ako kaagad.

kaya kahit hindi ako sigurado sa mga desisyon ko nagpatuloy ako sa paglalakad diretso papunta sa cafe namin dito sa university.



The Only ExceptionWhere stories live. Discover now