medyo napadalas na yung pagpupuyat ko nitong mga nakaraang araw dahil hindi talaga ko mapakali sa play nato. ilang beses kong nirehearse yung mga linya ko para lang maging handa pero ganun parin parang nawawala sa utak ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
kung pwede lang akong mag-backout talagang gagawin ko eh.
nakaupo palang ako dito sa dressing room pero grabe na yung nerbyos na nararamdaman ko sa buong katawan ko. namumutla nako na parang hihimatayin, jusko bakit ba hindi ko talaga kayang i-handle tong takot ko.
"Uy, Ry huminga ka nga ng malalim, baka himatayin ka nyan?" sabi ni Mich napayuko lang ako at huminga ng malalim. nakakahiya talaga ko.
"dude, dika ba masaya? mamaya na yung show kung ako sayo magiging masaya ko ang gaganda nung mga prinsesa mamaya samahan moko hingin natin number." sabi ni drake at bigla lang syang siniko ni Mich.
tsk kahit kelan talaga tong si drake.
kakatapos ko lang kasing ayusan pini-prepare nalang yung stage dahil mamaya na nga yung play namin sa ibong adarna at buong university ang manunuod kaya ganto nalang ako kung kabahan.
"Ry, isipin mo nalang kami lang yung manunuod sayo. samin kalang tumingin mamaya kapag nasa stage kana." kahit anong sabihin ni mich hindi talaga nagbabago pakiramdam ko eh. hayss
"Ry, Goodluck mamaya ah." biglang sulpot ni Dan at JL. himala hindi nila kasama yung isa?.
"si boss mike ba hanap mo?." napatingin ako kay JL dahil sa sinabi nya.
"h-huh?" nagtataka kong tanong. bakit kasi bigla nanamang nadawit pangalan nung asungot na yon dito?.
"hindi daw sya makakapunta, busy sa preparation ng concert nila mamaya eh." sabi naman ni Dan. at ngayon ko lang naalalang kasabay pala namin yung club nila.
(insert message notif)
goodluck :)
-Asungot
ewan ko pero bigla nalang akong napangiti.
"Ry, nandun na daw si Bella hahanap na kami ng mauupuan dun ah galingan mo, goodluck." -Mich.
"dude, goodluck" -drake sabay tapik sa balikat ko.
"goodluck ah." - Dan.
"Galingan mo ry support ka namin." - JL.
at lumabas na sila ng kwarto at naiwan nalang ako ditong magisa.
----
kakatapos lang ng play at nasa stage nalang lahat ng mga casts dahil pinapakilala pa kami isa-isa ni rico.
hindi nako komportable dahil sa sobrang ingay ng mga audience parang hindi ako makahinga.
"Ryan Tuscano as Prinsipe Pedro" kumaway nalang ako pero nagulat ako sa dami nang naghihiyawan napayuko tuloy ako sa hiya.
mabuti nalang natapos na kaagad at dumiretso nako sa backstage yung iba bumeso pa sakin at nag-congratulate.
"Kuya masyado mong ginalingan." Sabi ni bella sabay abot ng bouquet at niyakap ako ng mahigpit. Kasama nya sila Mich at Drake ngayon. "Kuya I really have to go na, dumaan lang talaga ako dito to watch your play" humalik nako sa pisngi nya dahil mukhang nagmamadali.
naalala kong ngayong araw rin pala yung shoot nya sa commercial.
"Hahatid na kita hintayin mo nako magbibihis lang ako." sabi ko sakanya.
VOUS LISEZ
The Only Exception
Roman d'amourwhen someone you love becomes a memory, the memory becomes treasure. always remember the happiness that we did together, because I came here just only to leave memories that you can keep for the rest of your life. it's about who stays, not who promi...
