hindi ko sinasadyang mapunta sa youtube channel ni asungot, ewan ko rin kung bakit recommended sya sa account ko kusa nalang lumitaw yung mga cover nya sa screen ng cellphone ko.
at halos lahat ng covers nya nasa 1 million ang views takte artista ba sya?.
nacurious ako sa cover nyang isn't she lovely ni steve wonder kaya naisipan kong pindutin, gusto ko lang pakinggan yung version nya.
medyo luma narin pala tong cover nya, mga year 2018 nya pa pala to na-upload. pero napansin ko kaagad yung hawak nyang gitara, yun yung nasira ko buo pa dito sa video.
kaya siguro ganun nalang yung galit nya nung nawasak ko yung gitara nya. masyado syang possessive sa mga bagay na pagmamay-ari nya.
natapos ko nang pakinggan yung kanta, pwede na. maganda yung version nya ibang-iba sa original ginawa nyang modern yung tunog kaya ang sarap pakinggan.
"dude, nag-aaya sila Dan mamaya daw gimik tayo." sabi ni drake habang nakaakbay pa sakin na kadarating lang.
"wag nyo muna kong isama. pass muna ko dyan" sabi ko sakanya.
"dude di pwede, planado na namin lahat kahapon pa. di kana nga sumama samin sa tagaytay eh" sabi naman nya na parang nagtatampo pa.
"nasan pala si Mich?" tanong ko sakanya. dahil napansin kong hindi sila magkadikit ngayon, nandito kasi ako ngayon nakatambay sa cafeteria at katatapos ko lang mag-lunch hindi ko na sila nahintay dahil maaga kaming natapos kanina.
"kasama nya si Louis may binili yata sila sa mall" sagot lang ni drake habang iniinom na ang natira kong coke.
nagulat nalang ako sa biglang sumulpot at naupo pa sa tabi ko nang walang pasabi.
"oops. exit nako, bye guys!" sabi ni drake at kumaripas na kaagad ng takbo ang kupal. gago talaga kahit kelan.
"kumain kana?" tanong ng nasa tabi ko, tumango lang ako sakanya. narinig ko naman syang ngumisi.
"magaling kana ba?" tanong ko naman sakanya habang kumakain na sya ng lunch nya. mukhang hindi rin nakabuntot sakanya ngayon yung dalawa?, ang weird.
"umm, medyo maraming ginagawa sa music club ngayon kaya di ako pwedeng umabsent." sagot nya lang sakin.
"g kaba tonight?" tanong nya.
"diko alam, wala ko sa mood. nakakatamad eh" sabi ko lang sakanya.
"nag-request kasi sakin yung may-ari ng bar na magperform ako mamayang gabi. kaso kung di ka pupunta papano nalang ako gaganahan nyan?" sabi nya bigla ko tuloy syang nabatukan.
medyo ilang parin ako sakanya hanggang ngayon pero hindi ko lang pinapahalata. buti na nga lang gumaling na sya, pwera lang sa sugat nya sa noo may nakatakip paring band-aid.
"i'm just kidding. pero seriously di masaya barkada mamaya kung wala ka, lalo nako." sabi nya sakin habang naka-pout at sabay may pagkindat pa.
natatawa lang ako sa mga galawan nya ngayon parang punong-puno nanaman ng kagaguhan pagkatao nya.
"please?." pagpupumilit nya sakin. nakakapanibago lang na ganito na talaga kami mag-usap ngayon.
parang nung mga nakaraan lang halos araw-araw nyang sinisira araw ko. tapos ngayon biglang ganito, normal na naguusap nalang kami.
hindi naman sa ayoko nang ganito, pero may part sakin na nami-miss ko lang yung dati pag nagsasalpukan kami na parang aso't pusa.
"umm. basta pag na-bored ako dun uuwi talaga ko" sagot ko lang sakanya. abot tenga naman ang ngiti ng kupal pero diko nalang sya pinansin at inagaw ko yung hawak nyang shake at ininom.
YOU ARE READING
The Only Exception
Romancewhen someone you love becomes a memory, the memory becomes treasure. always remember the happiness that we did together, because I came here just only to leave memories that you can keep for the rest of your life. it's about who stays, not who promi...
