Why would I be guilty? I want her to learn her lesson. In her case, I want her to learn in a hard way. Para sa susunod, hindi niya na ako babanggain.

Ilang minuto akong nanatili doon sa clinic nang magsabi ako na gusto ko nang umuwi.

Paglabas namin ni Ate Lala doon ay lumingon agad sa direksyon ko ang mga estudyanteng malapit lamang sa clinic. Alam na siguro ng mga ito ang nangyari. Nagkaroon ng bulong bulungan pero hindi ko iyon pinansin.

Inalalayan ako ni Ate Lala habang nakasunod naman sa likod namin si Levi. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. Siguro ay dahil kaibigan ng kapatid nito ang nanakit sa akin, maybe he partly felt responsible again.

Hindi pa kami nakakalayo papunta sana sa sasakyan namin na nasa parking lot ay nakita ko si Amanda kasama ng Nanay nito na naglalakad din papunta sa parking lot. Umiiyak ang Ina nito habang bakas kay Amanda ang galit. Mamita was nowhere to be found. Baka nandoon pa ito sa office ng Chairman.

Dumapo ang mata ni Amanda sa akin. Mas lumalim ang gitla sa noo nito saka nagmamadaling lumapit sa akin.

Levi immediately went in front of me.

"You!"

Dinuro ako ni Amanda. Nakita ng nanay nito kung sino ang nilapitan ng anak kaya natataranta itong lumapit sa amin. Ang mga atensyon naman ng nasa paligid ay nasa amin na rin.

"You planned this! Masaya ka na? Ikaw ang nag umpisa nito pero ako ang mas higit na pinarusahan! You manipulative bitch!"

My face remained impassive. Habang si Amanda, kitang kita rito ang pagkamuhi sa akin.

Pinigilan ito ng Nanay nito ngunit nagpupumiglas si Amanda.

"Tutal maeexpel na rin naman ako, susulitin ko nang sabihin kung gaano kabalahura ang ugali mo Raegan!"

Hindi na ako nag abalang magsalita. Ang ganti ko ay sobra pa para sa kaniya kaya hinayaan ko siyang sabihin ang mga bagay laban sa akin na matagal ko nang alam.

Hindi naman nagtagal ang kakangawa niya dahil tinulungan na ng mga guards ang Ina nito para ilabas siya sa school dahil gumagawa na ito ng komosyon.

Hinayaan ko si Levi na ihatid kami sa sasakyan. Masyado na akong pagod para ipagtabuyan pa siya.

While waiting for Mamita to finish talking with the Chairman, we waited for her from the car. Nasa labas ng sasakyan si Ate Lala at Kuya David habang nakaupo ako sa back seat. Naroon pa rin si Levi sa bukana ng pintuan ng sasakyan at tahimik na inoobserabahan ako.

I can sense how he wanted to talk to me just by the multiple deep sighs I can hear from him.

Bumuntong hininga ako. My eyes are still focused on the front without looking at him.

"Why? Are you disappointed with me too?", tanong ko dahil iyon ang nararamdaman kong iniisip niya dahil sa nangyari kanina.

"I didn't say that.", maagap na tanggi nito.

"Then stop making me hear you sigh only to let me feel like you are."

"I'm not disappointed. I just didn't expect you to do this.", marahang sagot nito.

I furrowed my brows.

"That's just the same."

"I understand why you did what you did, Raegan. I just didn't expect that you'd resort to ways that can bring harm to you as well."

Natahimik ako sa sinabi niya at hindi sumagot. Narinig ko ulit siyang bumuntong hininga.

"Do your bruises hurt?", tanong nito maya-maya.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon