4th

1K 62 0
                                    

Cold

KINAUMAGAHAN, mabilis parin akong naghanda para pumasok na.

"Goodmorning class.." ani Sir sungit!

"Goodmorning Sir Cj!" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko pero nanahimik lang ako.

Habang nagdidiscuss si Sir Cj dali-dali akong nag check ng attendance. Ngunit di ko pa talaga sya natapos kahit  na natapos na ang klase ni Sir. Hays, ang hirap naman nito

Pano ba kasi? Iiba daw ang absent? Ang late? Wtf! Hirap naman nito! Pero fight lang Sofia! Maganda ka parin naman eh,magandang-maganda!

*

CJ's Point of view

Pinuntahan ko pa ang ibang klase ko ngunit walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mukha ni Ms.Caronia habang nagtuturo ako sa kanila kanina.
Alam kong nakikinig sya sa discussion ko ngunit nakita ko ring sinabay nya sa pakikinig ang pagchi-check ng attendance. And she seems struggling! Mahirap ba yun? tch.

I admit it. Medyo nakaramdam ako ng konsensya ngunit mas umaapaw parin ang kagustuhan kong maturuan sya ng tamang asal.

"What's up Sir!" Di ko namalayang may tumabi na pala sakin sa paglalakad.

"Sir Kendrick! Ikaw pala." Tanging sambit ko.

"You seems bothered Jacob boy." Aniya.

"Hmmm. Im just thinking something." Ani ko.

"Is it about a girl?" Tanong nya na ikinasamid ko. Sapul na sapul Kendrick boy.

"Hindi Kendrick boy.." I lied.
Ngunit parang di naman sya kumbinsido. "Just a lesson.."

"Oh!" Tanging aniya.

Kendrick Pares is my bestfriend. since highschool! Para na kaming magkapatid nyan kaya parehas ang kursong kinuha namin. Actually, ako lang talaga ang may gusto na guro ang kunin na kurso at ang isang to, ginaya ako para daw magkasama parin kami. Lakas ng topak!

*

Sofia's Point of view

Kanina pa ako tingin ng tingin sa wristwatch ko.
3:30 pm na! 30 minutes to go! Patay!
Bakit ang tagal matapos ni Ms.Assuncion sa pagdidiscuss.

"Ms.Caronia! kanina pa kita napapansin, palagi kang nakatingin sa relo mo. May lakad ka ba?" Tanong ni Ms.Assuncion.

"I'm sorry Ms.Assuncion, Can I go out? I'm in a hurry" ani ko.

"You may go out.. but next time, I will never consider anymore" aniya. Tumango naman ako kahit na kinakabahan ako kung bawal ng lumabas bukas.

Mabilis akong nagtungo sa office ni Sir Sungit!

Nakita ko syang nakasandal sa upuan habang may binabasang papel.

"Here's the attendance sir." Sambit ko.

"Pakilagay lang dyan sa desk... then, You may go" malamig nyang sabi at sinunod ko naman.

Wow lang ha? Ang cold ng atmosphere dito! Grabe!
Baka may period yun? Kaya wala sa mood. Ah pakialam ko ba!.

Ilang araw pa ba akong maghihirap? Bakit di ko yun tinanong kanina? Arghh! Nakakainis ka Sofia.

Bukas ko nalang siguro sya tatanungin..
Maganda naman ako eh
Walang connection noh? Meron uy, sige isipin mo pa..

Pumunta na ako ng gate para dun nalang hintayin si Manong Canor.
Nakita ko rin si David.
May kausap na babae.
Matangkad, sexy, maganda pero ofcourse! Mas maganda parin ako dyan. Ehem. Napangiti ako, mukhang may natitipuan na naman si David. Ang bilis naman! Grabe.. mga lalaki nga talaga!

"E-ehem!" Paubo-ubo kong sabi. Napalingon naman ang dalawa...

Ngumiti si David.

"There you are my pretty bestfriend.." ani David.
Liningon ko ang babaeng nasa tabi nya.

"Hi! You are?" Sambit ko.

"Hello! By the way, I am Jana.." saad nya ng nakangiti habang inilalahad ang kamay nya.

Agad ko naman iyong tinanggap.

"I'm Sofia.." sabi ko.

Nakita kong nilingon nya si David at ngumisi.

"I'll go now, David..." Pagpapaalam nya. Tumango naman si David kaya tuluyan na syang umalis.

"Looks like you have a new girl, huh." Ngising asong ani ko.

He smirked. "She's just a friend.."

Inirapan ko sya. "Jowain mo nalang sya, wag lang kaibiganin. Kami lang dapat ni Julia ang kaibigan mo!" Sigaw ko.

"Here you are again... Jealous bestfriend.." sabi nya at bumulalas ng tawa.

Sinapak ko sya.. inakbayan nya naman ako at ginulo ang buhok ko.

I am really a jealous bestfriend.. kaming dalawa ni Julia, gusto namin kami lang dapat ang kaibigan nyang babae. Okay lang kung may babae sya. Pero dapat jowa nya kasi kapag kaibigan lang. Ibang usapan na yun.

**

(A/N: kainggit ka Sofia! Sana all may boybestfriend😥)

Anyways. Vote!Vote!Vote!

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon