PROLOGUE

2.6K 73 12
                                    

Arrogant Man

"ANAK gising na!" Naalimpungatan ako sa sigaw ni Mamay. Ang Dabest kong Ina. Umaga na pala!

"Good morning Mamay!!" Pagbati ko sa kanya. Nakita kong ngumiti sya ng napakatamis. Aweii. Lab na lab ko talaga to!

"Goodmorning Piyang. Oh sya, bangon ka na dyan para di ka malate" nakangiting sabi ni Mamay kaya bumangon ako at nag-unat unat.

"Si Papay po?" Tanong ko ng mapansing kami lang dalawa dito sa bahay.

"Maagang pumunta sa Kompanya" sagot ni Mamay.

Yes, we belong to that class of family. Hindi kami naghihirap. In short mayaman kami pero simple lang kami. Mamay at Papay nga yung tawag ko sa kanila diba?at Piyang ang tawag nila sakin. Sofia-Piyang..Kasi si Mamay at Papay ko naging mahirap din noon, pero dahil nagsikap sila nakamit nila ang kanilang pangarap. Sa katunayan nga,wala kaming yaya. Alam ko na ang mga gawaing bahay na yan!kasi tinuruan na ako nina Mamay at Papay. Bukod sa napakaganda ko, masipag din ako!

We have one company the C.C or Caronia Corporate. Akala nyo Cecelib no? Hahaha.

At sa pagtapak ko sa paaralang aking papasukan ngayon. Business Management ang kinuha kong kurso dahil ako ang heiress ng Caronia Corporate! Astig di'ba!

Sofia Vienna Caronia the heiress of Mrs.Wenelia and Mr.Francisco Caronia!

Nagsimula na akong kumilos at mabilis na naghanda. I'm a bit excited. First year college na ang maganda nyong dyosa!

At nang sa wakas ay natapos na ako. Dali-dali akong bumaba at pinuntahan si Mamay.

"Alis na ako Mamay!"  Ani ko at tumalikod na. ngunit nakailang hakbang palang ay bumalik ulit ako.

"I love you Mamay.... Ang ganda ko na noh?" Nakangiting saad ko.

"Syempre naman mana ka sa Mamay mo" saad nya..tumawa kami.

"Hahahaha, I gotta go Mamay"

"Okay... Take care Piyang, I love you..." Aniya

Humalik muna ako sa pisngi nya at umalis na.
Sumakay ako sa SUV namin.
Nagpahatid ako sa driver namin na si Manong Canor.

Ilang minuto pa nakarating na ako sa bukana ng paaralang aking papasukan.
Grabe!Ang lawak at ang ganda talaga ng BLU. Noon pa man, pangarap ko nang sa BUENAVISTA LEARNING UNIVERSITY mag-aral kapag college na ako.
And then now... Finally.

Bumuntong hininga ako ng malalim at syaka pumasok na sa Unibersidad.

Marami-rami naring studyante ang aking nakikita. Pero sa lahat ng nakita kong babaeng studyante sa tingin ko ako ang pinakamaganda. Ang ganda mo talaga Sofia! Ha!

I can't help myself but to be amazed by the view. The nice view. This was really my dream. And now, abot-abot ko na ang pangarap na yun!
BLU! andito na ang isang maganda, cute pero di matalino,slight lang.

Humanda kayo! Makikita at masisilayan nyo ang kagandahan ko Bwahahaha.

Pa sway sway ako habang naglalakad at finifeel ang kagandahan ng paligid.

Sa aking pagrampa bigla akong natalisod. Omg! Akala ko tuluyan ng madudungisan at masubsob sa daanan ang napakaganda kong mukha pero bago pa ako matumba may bisig ng sumalo sa akin.

"Be careful Miss.." dinig kong sambit nya.

What?! Alam kong napakaganda ko pero hindi sa lahat ng oras mabait ako! Take note!

Hinarap ko sya

"Hoy Lalaki!" Sigaw ko.

Humarap sya sakin at napanganga ako ng makita ko ang mukha nya! Oh My! Ang gwapo nya! Para syang si Lee min ho na may pag ka Soong jong ki na may pag ka Yang Yang.May pag ka Darren Chen din! Ugh! Sa tingin ko tutulo na ang laway ko. Huweyttt!Ano ba yan Sofia?! Erase.. erase.. galit ka dapat. Sya dapat ang maglaway sa kagandahan mo hindi yung ikaw ang naglalaway sa kanya!

Tinaasan ko sya ng kilay "Sana di mo nalang ako tinulungan kung susumbatan mo rin ako!"

Tumaas ang kilay nya at nagtiim bagang.
"Hindi kita sinusumbatan babae. Pinapaalalahanan lang kita.." he said while looking at me with his intimidating eyes. God!

"Tss! Okay lang naman na matalisod ako. Kasi kahit masubsob ang face ko dyan" turo ko sa hallway na aking tinatapakan ngayon "maganda parin ako." Ani ko.

"Don't be so rude Miss.." aniya.

"Tch! Arogante!!" Sigaw ko at tumalikod na.

****

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Where stories live. Discover now