"What do you think?" balik na tanong ni Gareth.

Ibinalik ang tanong. Pinilit na lamang ni Wojtek na huwag mag ikot ng mata.

"May rason kung bakit mo pa ako binuhay," bahagyang natawa si Wojtek, hindi ininda ang nangangalay na niyang pang upo.

Palagay niya ay araw na ang tinagal niya dito sa basement, "Serial killers have their own ethics, you are no different."

"I see you are fully informed about the likes of me," hindi gusto ni Gareth ang tono at yabang ng pananalita ni Wojtek, pero hindi niya iyon hinayaan na makaabot sa limitado niyang pasenysa.

Hindi sumagot si Wojtek, napakuyom na lamang siya ng kamao at tinignan ang paligid.

"Nasaan ang bangkay ni Nathalie?" pag-iiba ni Wojtek sa tapika.

Sa halip na sumagot agad ay inilipat ni Gareth ang pagkakadekwatro ng kaniyang binti.

"Why did you ask?" walang ka emo-emosyon na tanong pabalik ni Gareth, "You will die here anyway."

"Ah," tanging nasabi ni Wojtek, "Kaya mo ako binuhay para torturin?"

"I don't torture before I kill someone, Mr. Cardinal. You know that."

Hindi nakasagot si Wojtek.

Of course, alam niyang hindi, ayon sa mga autopsy report ay strangulation ang sanhi ng pagkamatay ng lahat ng biktima ni Gareth. Ibig sabihin lang noon ay hindi niya hilig ang mang torture bago patayin ang biktima dahil pinapatay niya kagad ang mga ito.

Anumang ginagawa ni Gareth sa mga biktima niya pagkatapos niya itong tanggalan ng mga hininga ay hindi na nila mararamdaman.

It was all part of his design. Dolls doesn't need to be alive.

"I'm just quite disappointed that you requested a back up," may halong pagkadismayang sabi ni Gareth.

Napakunot ang noo ni Wojtek, tila hindi naintindihan, "What back up?"

Umangat naman ang isang gilid ng labi ni Gareth, "So, it's your partner then?"

Napapikit na lamang si Wojtek, sa totoo lamang ay wala siyang tiwala sa pulisya ng Canlubang.

Noong una pa lang na narinig niyang inutos ni Ginang Eva na ikulong si Jane Salazar ng walang ka ibe-ibedensya ay alam na niyang sunod sunuran ang mga ito sa Ginang, naiintindihan naman niyang asawa ito ng Gobernador kaya maaaring may injustice na nangyari sa likod nito.

Ngunit, hindi ka naman maaaring magpasa ng iyong pagsusulit kung blanko ang iyong papel. 

Kaya naman hindi siya nag re-request ng assistance sa mga pulis, kung emergency man o hostage ang mangyayari ay si Nathalie lang ang ko-kontakin niya.  

Hindi iyon alam ni Nathalie kaya siguro ito tumawag ng back up nang makita niya ang basement ni Gareth, kung gayon ay may koneksyon ang Doktor sa pulisya?

Hindi, hindi makukuntento roon ang tulad ni Gareth. Mas pi-piliin nitong magkaroon ng koneksyon sa mas mataas ang posisyon.

Ang mas may malawak na sakop.

"Hindi naman ako nagkamali ng opinyon saiyo," putol ni Gareth sa pag-iisip ni Wojtek, "I wonder kung bakit hindi na lang ikaw ang humawak ng kaso mag-isa? As far as I observed ay kaya mo naman. Kung hindi nga tumawag ang partner mo sa Istasyon ay hindi ako maalarma na may dagang pumapasok sa teritoryo ko."

Tama ang deduction ni Wojtek.

Mag kasabwat si Dr. Lagard at si Eva Salazar.

Ngunit, hindi iyon ang higit na namutawi sa utak ni Wojtek. Mas tumatak sakaniya ang tanong ni Gareth kung bakit pinartner siya kay Nathalie, totoo kasing kaya niyang lutasin ng mag-isa ang kaso.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu