Chapter 4

2.7K 136 3
                                    

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at pinulot ang tali

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at pinulot ang tali.

Tumayo ako at inabot sa lalaki ang tali, "Weird, mukha naman siyang maamo para pahirapan kang humabol."

Matagal niya akong tinitigan sa sinabi ko. 

Hindi ko alam kung na-offend ko siya sa sinabi ko. Masyado na talaga akong lasing.

Sa itura niya ay hindi ko matukoy kung saang eksaktong edad siya nakatoka, pero nasisiguro kong mas matanda siya kaysa saakin. Naka puti siyang loose t-shirt at naka pajama na kulay gray. Dark blonde ang bagsak niyang buhok na animoy nanggaling pa sa higaan. Matangos ang ilong at manipis rin ang mga labi niya.

Hindi ko mawari kung kaya ko ba siyang tawaging gwapo dahil hindi siya pasok sa edad na gusto ko. Hindi rin ako impress sa build ng katawan niya dahil mas gusto ko ang lean na skinny. Itong lalaking ito ay lean, pero balanced.

"Mahirap siyang habulin kapag may naaamoy siyang mabango," sagot niya sabay kuha ng tali saakin. Hindi ko alam kung sinadya niyang mag dikit ang mga kamay namin o ano pero nadama ko ang magaspang niyang palad.

Umiling na lang ako. Hindi lang pala lumalakas ang loob ko pag nakakainom. Kumakapal rin ang mukha ko.

Bubuka na sana ang bibig ko upang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin nang kumahol ang aso. Mayamaya lang rin ay nanuot sa ilong ko ang amoy ng sisig.

"Isabella, nasaan na iyon—"

Sabay naman kaming napalingon nung lalaki kay mama na nasa pintuan ng bahay. May dala itong isang pinggan ng sisig, "Uuwi na sila?"

Hindi ata alam ni mama na hindi ko kaklase ang nasa harapan ko ngayon.

"Nakauwi na sila ma," sagot ko.

Lumapit naman siya sa pwesto naming dalawa nung lalaki. Hindi ko alam kung mag pa-pasalamat ako dahil kahit nasa open space kami ng lalaking ito ay kinakapos pa rin ako ng hininga kapag kami lang ang magka-harap.

Napakurap si mama habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan ng gate namin. 

"Doc. Lagard?"

Napataas ang dalawa kong kilay at napatingin sa lalaki, umangat ang gilid ng labi nito.

"Mrs. Zarzuela, ito ho pa rin pala ang bahay ninyo."

Natawa si mama dahil sa galak, "Ah oo, hindi rin naman namin maiwan ang bayan na ito dahil dito na kami lumaki ni Fernan. Tsaka masyado nang malaki ang populasyon sa Maynila para dumagdag kami."

Pinanood ko silang mag-usap. Parang matagal na silang magkakilala kung mag-usap silang dalawa.

Pinagmasdan kong maigi si Dr. Lagard. Hindi ko pa siya nakikita rito sa maliit naming bayan sa tanang buhay ko.

"Ah! Nakalimutan ko. Ito pala ang bunso ko, si Isabella. Pharmacist ito at nag-iipon para makapag masteral."

Inalis ko ang kamay ni mama na nakayakap sa balikat ko, "Ma, hindi mo naman kailangang ibahagi pa iyon. Hindi na naman kami magkikita niyan."

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]On viuen les histories. Descobreix ara