Chapter 22

1.1K 66 0
                                    

Naalimpungatan si Wojtek at halos mapamura nang maramdamang parang nilalagari ang kaniyang ulo at winewelding ang kaniyang paningin

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Naalimpungatan si Wojtek at halos mapamura nang maramdamang parang nilalagari ang kaniyang ulo at winewelding ang kaniyang paningin.

Hindi niya naiwasang mapadaing ng malalim, sinubukan rin niyang masaehin ang nangingirot niyang ulo, only to find out that he is unable to move his hand freely.

Nang igalaw niya ang kaniyang ulo ay doon lamang niya naramdaman ang init, una niyang napansin ang mga kasama niyang kadena na nasa itaas lamang ng upuan na kinalalagyan niya, sa malapit ay mayroong pader na gawa sa salamin, transparent ito at halatang hindi madaling mabasag. 

Sinubukan pa ni Wojtek ang lumingon pero nang maramdaman na hindi kumportable ang pagkakatali at pagkakaupo sakaniya ay isinuko na lamang niya ang isipin.

Ayon sa natatandaan niya ay kahalintulad ito sa inilarawan ni Nathalie noong nasa basement ito ni Gareth, muli namang nanumbalik ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay.

Mukhang nahuli siya ni Gareth.

Napalunok na lamang si Wojtek, kung nahuli siya.

Kung gayon si Nathalie ay?

Napayuko na lamang si Wojtek, iniiwasan na huwag tumulo ang kaniyang mga luha. Naiirita lang siya na hindi niya mapunasan iyon ngayon.

Malaki ang posibilidad na nahuli rin ni Gareth si Nathalie.

Malaki rin ang posibilidad na pinatahimik nila ito.

"Gising ka na."

Hindi nag-abalang mag angat ng tingin si Wojtek, kahit ano pang galit niya ay hindi naman niya iyon maibubulalas dahil nakatali siya.

Mag sasayang lang siya ng enerhiya, isa pa kung pipilitin niyang gumalaw ay baka unang lumagutok ang buto niya sa balikat kaysa dumampi ang kamao niya sa mukha ng Doktor.

"Hilig mo bang panoorin ang laruan mo habang tulog?" tanong ni Wojtek ng hindi nag-aangat ng tingin. Sinabi niya rin iyon habang nakapikit ang mga mata dahil pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.

Matagal na hindi sumagot si Gareth, pirmi lang itong nakaupo ng kumportable sa silya na nakalagi sa madilim na sulok ng basement.

Naiimahe na ni Wojtek na gusto siya nitong inisin dahil hindi siya kumportable sa sarili niyang upuan.

"Yes."

Mas lalong sumiklab ang galit ni Wojtek, ngunit hindi iyon sapat upang mag wala siya.

Binuksan niya lamang ang mata niya at nag-angat ng tingin.

Ayon sa direksyon ng boses ng Doktor ay nasa likuran niya ito. Sinadya siguro nito kung sakaling balakin ni Wojtek lumingon.

Ngunit sa uri ng pagkakatali sa NBI agent, mukhang mababalian muna siya ng buto sa balikat bago mangyari iyon.

"Anong gagawin mo? Papatayin mo ako?" diretsahan nang tanong ni Wojtek, doon rin naman ang punta noon.

Isang malim na katahimikan ang namutawi ng ilang segundo.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt