Chapter 22

4.5K 138 11
                                    

Crystal Point Of  View

"Let's eat?" Pambungad naman na tanong sa akin ni Joshua. Nang imulat ko ang aking mga mata.

"Anong oras na?" Balik na tanong ko sa kaniya. Upang ma-iba ang aming usapan.

Kinuha naman niya ang cellphone sa kaniyang bulsa, "It's 11:00 in the morning."

"Huh? Ang tagal ko namang natulog." Sambit ko, "Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko pa sa kaniya.

Ngumiti naman siya, "Kaninang 8 pa, nand'yan na nga sa gilid ang pagkain na niluto ko." Turo naman niya sa gilid ko na may pagkaing nakahain, "Hinihintay lang kitang magising, 'Cause I don't want to interrupt you." Dagdag pa niya.

"May i-explain ka pa ngayon 'di ba?" Tanong ko pa, kahit na naiilang na ako sa kaniya.

"I'll explain later, let's eat for now." Ma awtoridad naman niyang saad.

"Hindi pa ako nagugutom." Pagsisinungaling ko, kaso traydor ang  tummy ko dahil tumunog ito ng malakas.

Napatingin naman agad ako kay Joshua, at nakita ko ang naka-loloko nitong ngiti sa akin. Argh! Nahalata niya tuloy na gutom na ako, Sino ba kasing hindi magugutom kung mula kahapon wala ka pang kain.

"Magsisinungaling ka na nga lang, mahahalata pa." Sambit naman niya habang nakangiti pa rin sa akin. Kaya inirapan ko nalang siya.

"Kain na nga lang tayo!" Sambit niya ulit.

"Kainin kita!" Biro ko namang sagot sa kaniya. Nakita ko naman ang pag smirk niya sa akin at pagkagat niya sa kaniyang ibabang labi.

"Charot lang! Ilagay mo na rito yung pagkain at kakain na tayo." Pagbawi ko sa biro ko kanina. Baka kasi seryosohin niya at mabusog ako ng nine months dito.

"Takot din pala." Pang-aasar naman niya sa akin, ngunit hindi ko nalang pinansin. Dahil sobra na ang kabog ng dibdib ko.

Napansin ko naman agad ang mabilisan niyang pagkuha sa pagkain at maliit na lamesa. Tsaka niya ito niligpit sa aming higaan upang makakain.

"By the way, I really enjoy watching you while you're sleeping and saying my name." Saad naman niya habang kami ay kumakain.

Bigla naman akong nailang sa kaniyang sinabi. Kaya tinuon ko nalang yung pansin ko sa aking kinakain.

"Saying my name while you're sleeping uhmp. Are you dreaming about me?" Tanong pa niya.

Agad naman akong nabilaukan sa aking kinakain, at agad din naman niya akong inabutan ng tubig na maiinom. Kaya naman mabilisan kong ininom ang tubig na inabot niya sa akin.

"Are you okay?" Nag-aalala naman niyang tanong sa akin. Nang maubos ko na ang aking iniinom.

"Oo naman!" Pagsisinungaling ko pa, habang nakangiti sa kaniya. Kahit na hiyang hiya na ako rito, dahil sa tanong niya.

"Uh you didn't answer my question, So I'll ask you again." Napatingin naman agad ako sa kaniya at nakita ko ang kamay niya na nakahawak sa kaniyang panga.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now