Chapter Eight

4.9K 174 8
                                    

Crystal Point Of  View

"Kamusta na 'yang paa mo?" Pambungad naman niyang tanong sa akin, nang makalapit na siya sa tabi ko.

"Magaling na, napaka-galing kasi ng Doctor ko." sagot ko naman sa kaniya. Nakita ko naman ang pag kuyom ng kaniyang kamao.

"Bakit kumukuyom 'yang kamao mo? Nagseselos ka noh?" Pang-aasar ko pa sa kaniya.

"I'm not jealous!" pagtanggi naman niya.

Lol! Nag english na kaya nag sisinungaling na.

"E bakit nakakuyom 'yang kamao mo?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Bakit bawal ba? Ikuyom mo din 'yang kamao mo kung gusto mo." tugon naman niya sa akin.

Aish! Napakatinong kausap!

"Talaga? Hindi ka nagseselos? Kahit hinalikan ako ni Ste———" nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw.

"What?!" sigaw niya sa akin na akala mo'y nakalunok ng microphone.

"Ngayon mo itanggi na hindi ka nag seselos." sambit ko sa kaniya. Bigla naman niya akong kinunutan ng noo.

"I'm not jealous, I'm just shocked cause you kissed my cousin! Did you also seduce him?" Seryoso naman niyang tanong sa akin.

Hayst! Naka-iinis naman oh! Hindi man lang mag selos.

"Yes I did———"

"Well, congrats." pag sabat niya, tsaka niya ako iniwan rito.

Hayst! Ang gulo talaga ng lalakeng 'yon!

Paglipas ng ilang oras, Dumating naman dito si Steven.

"Hey Crystal, you can go home now." he said. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Nakita mo ba si Joshua d'yan sa labas?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah, hinihintay ka niya sa kotse niyo. Tara hatid na kita papunta sa kaniya." pag-aaya naman sa akin ni Steven, kaya hindi na ako naka tanggi pa.

"Salamat sa paghatid." pag papasalamat ko naman kay Steven ng ihatid ako rito sa kotse.

"Walang anuman. By the way, can I get your number?" Nahihiya niya pang tanong sa akin.

"Sure!" tugon ko naman at kinuha ko ang cellphone niya, tsaka ko linagay ang number ko roon.

"Salamat." sambit naman niya kaya nginitian ko siya.

"Salamat din, Una na kami ha. Bye!" anas ko, bago ako pumasok sa kotse.

Hindi pa ako naka seatbelt, nang biglang pinaandar ni Joshua ang kotse.

"Hoy! Kung mag papakamatay ka h'wag mo akong idamay!" sumbat ko sa kaniya ng sumubsob yung mukha ko sa harapan.

"Ano bang problema mo ha? Ang bilis mong mag patakbo!" Dagdag ko pa ngunit hindi niya ako pinansin haggang makarating kami sa condo.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now