Chapter 17

4K 143 17
                                    

Crystal Point Of View

"Crystal, I'm so sorry." sambit naman agad ni Shawn sa akin.

Agad namang dumako ang mga mata ko sa mukha niya na puno ng pasa.
"Sorry? Para saan pa?! Galit na Galit na sa akin si Joshua!" Inis kong sumbat sa kaniya. Habang nanginginig ang mga kamay ko.

"I'm so sorry, Crystal. H'wag kang mag alala, sasamahan kitang magpaliwanag sa kaniya." pilit niyang saad, kahit nahihirapan na siya sa pananalita dahil sa sugat ng kaniyang bibig.

Peke naman akong tumawa, "Ha ha ha! Sasamahan mo akong mag paliwanag? Tignan mo naman 'yang sarili mo! Halos hindi kana maka-galaw. Kung ako sayo pumunta ka nalang sa hostpital at ipagamot 'yang mga natamo mong suntok!"

"Thankyou for your concern, but please forgive me. I'm so sorry for what I did earlier. I'm so sorry." pilit pa rin niyang saad, nakita ko naman ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Sorry, I just realized now that you don't ever love me. I'm so sorry." dagdag pa niya.

Ngunit hindi ko na siya pinansin at tinuon ang tingin ko sa mga taong nanonood sa amin dito.

"Kayong lahat! Tulungan niyo nalang ang lalakeng ito!" sigaw ko, at tinuro si Shawn na nakahiga parin sa sahig. "Hindi yung mag chi-chismisan kayo d'yan, dahil hindi niyo 'yan ika-uunlad!" Dagdag ko pang sigaw sa mga chismosang nanonood sa'min lalo na ang manager ko na nakatayo lang doon.

Agad naman silang nagsi-galawan at tinulungan si Joshua.

"Crystal sorry, Ngayon alam kona na mahal na mahal mo nga talaga si Joshua. Kaya narito ako kung kailangan mo ng tulong upang mag paliwanag. Boto ako sa inyo Crystal." rinig ko pang sambit ni Shawn ng inaalalayan siya ng mga chismosang nasa paligid ko kanina.

Agad namang dumako ang tingin ko kay Shawn at tinitigan ito.

"Mag pa-gamot ka nalang at susundan ko pa siya upang magpaliwanag. Dahil alam kong nasaktan ko siya ng sobra-sobra." sambit ko at tumakbo na palabas upang hanapin ang lalakeng pinaka-mamahal ko.

Napahinto naman ako sa parking lot ng makita ko si Joshua na nakasandal lang sa gilid ng kotse ko at sinasabunot niya ang kaniyang buhok na animo'y naiinis ng sobra.

Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kaniya hanggang sa malapitan ko siya.

"Joshua I————"

Agad namang naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang tumingin sa akin ng deretso at nagsalita. "Crystal you gave me a reason to say Yes to my father's offer!" seryoso niyang banggit sa akin.

Kumunot naman ang noo ko, "Your father's offer? What is it?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"I have a new mission, a mission to stay away from you!"

Agad namang nagimbal ang pandinig ko at nanikip bigla ang puso ko.

"Joshua please tell me—" bigla namang gumaralgal ang boses ko. "Tell me that you won't accept that mission!" dagdag ko pa. Habang hinahayaan ang pagtulo ng aking mga luha.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now