Chapter 19

4K 162 7
                                    

Crystal Point Of  View

Bigla naman akong nagulat, nang mag vibrate yung phone ko na agad kong naramdaman. Dahil nakalagay ito sa bulsa ng aking pants.

"Ayos ka lang?" Tanong naman sa akin ni Ivan.

Sumulyap naman ako sa kaniya, "Ayos lang." sagot ko at ngumiti sa kaniya. Bago ko kinuha ang cellphone ko upang tignan kung sino ang nagtext sa akin.

From: Unknown Number
-Hey Ma'am! Nasaan ka na? Susunduin na kita. Hulaan mo kung sino ako. Clue: Cute na Agent-

Bigla namang napataas ang kilay ko.
Sa pagtawag palang niya ng Ma'am sa akin ay kilalang kilala ko na siya. Agad naman akong nag reply sa message niya.

To: Unknown Number
-Saan mo nakuha ang number kong hampaslupa ka?-

Wala pang isang segundo ay may message na agad.

From: Unknown Number
-Hindi po ako Hampaslupa, CUTE NA AGENT PO AKO! At dahil sa cute ako, nakuha ko ang number mo-

To: Unknown Number
-Aba! Anong kinalaman ng pagiging cute mo sa pagkuha ng number ko ha? Napaka walang connect!-

From: Unknown Number
-Yung blackboard nga kulay green naman, dapat greenboard yun. Oh diba, wala ring connect?😁-

Agad namang kumulo ang dugo ko, dahil sa nabasa kong message niya sa akin. Kaya naman gigil na gigil ako sa pagtype ng ire-reply ko sa kaniya.

To: Unknown Number
-BWISET KA VINCE! KAHIT KAILAN WALA KANG KWENTANG KAUSAP!-

From: Unknown Number
-Ma'am hindi po tayo nag-uusap ngayon, kaya h'wag mong i-text sa'kin na wala akong kwentang kausap. Dapat ganito WALA KANG KWENTANG KA TEXT. Oh diba ang genius ko Ma'am. Cute na Genius pa.-

"Argh!!" Inis na singhal ko.

Napansin ko naman ang pagsulyap ni Ivan sa akin habang nagmamaneho pa rin siya.

"Anong problema? Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Pilit naman akong ngumiti, "Ayos lang." pagsisinungaling ko sa kaniya.

"Ah." sambit niya at tinuon na ang pansin niya sa harapan.

Naramdaman ko na naman ang pag vibrate ng cellphone ko. Kaya tinignan ko naman agad 'to, kahit alam kong isang hampaslupa lang ang mag te-text sa akin.

From: Unknown Number
-Ma'am saan ka na? Sunduin na kita.-

To: Unknown Number
-Kahahatid mo lang sa akin, tapos susunduin mo na ako?-

From: Unknown Number
-Opo! Dahil wala ka naman dito sa building, kaya na pag desisyonan kong sunduin ka nalang. Baka saan ka pa mapunta.-

To: Unknown Number
-Hintayin mo nalang ako sa condo! May pupuntahan pa kami ni Ivan.-

From: Unknown Number
-Ma'am saan ba ang punta niyo?-

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Where stories live. Discover now