Chapter Ten

5.1K 169 3
                                    

Crystal Point Of View

"Tara na!" saad ko nang matapos na akong maka-pagbihis. Naglakad naman kami papunta sa kotse.

"Crystal." anas naman ni Joshua habang nag mamaneho.

"Bakit?" Inosente ko namang tanong sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin, "Pupunta ka ba sa Birthday Party?" tanong niya sa akin.

Napataas naman yung isa kong kilay, "Birthday Party? Pinagsasabi mo?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Mukha ka kasing clown hahhahah!" asar niyang sagot sa akin, bago niya itunuon ang pansin niya sa pag mamaneho.

Kinuha ko naman ang maliit na salamin dito sa bag ko. Tsaka ko tinignan ang mukha ko.

Gash! Mukha nga talaga akong clown, ang kapal yata ng make-up ko.

"Sheezz! Bakit ba hindi ka nag papaalam kung ihihinto mo itong kotse?!" Galit kong tanong sa kaniya. Paano ba naman kasi, hininto niya agad yung kotse. Buti nalang at naka seat belt ako.

"Tsk!" singhal niya, nakita ko naman ang wet tissue na linabas niya.

"Harap ka sakin!" utos naman niya, kaya naman pumaharap ako sa kaniya. Bigla naman niyang nilapit ang mukha niya at pinunasan ang mukha ko na mayroong makapal na make-up.

"Aray ko naman! Ang diin mo naman mag punas!" Reklamo ko sa kaniya.

"Kung hindi ko ididiin, hindi matatanggal yang make-up mong singkapal ng dictionary!" sermon niya sa akin, habang patuloy pa rin ang pag tanggal sa make-up ko. "Maganda ka naman kahit wala kang make-up." dagdag pa niya, nang matapos niya ang pagtanggal sa make-up ko.

"Maganda ako?" Gulat ko pang tanong sa kaniya.

Hindi kasi ako maka-paniwala na nasabi 'yon ni Joshua.

"Oo, inaamin ko maganda ka pero h'wag kang umasa na type kita." sagot niya, bago niya pinaandar ulit yung kotse.

Hayst! Linagyan pa ng pero eh!

"Joshua, alam mo namang gusto kita hindi ba?" Tanong ko sa kaniya, para mabasag ang katahimikan.

"Alam ko, since elementary pa!" mayabang naman niya sagot sa akin. Ni hindi man lang siya tumingin sakin.

"Gusto kita, I want to court you." seryoso kong sabi sa kaniya. Bigla naman niyang hininto ang kotse. Fudge! Mamatay yata ako sa gulat dahil sa kaniya.

"Kababae mong tao tapos ikaw ang manliligaw?" Gulat na gulat niyang tanong sa akin. Para namang may masama akong nasabi.

Ngumiti naman ako, "Kung gusto mo, ikaw manligaw sa'kin." sagot ko.

"Tsk!" Singhal niya, tapos pinaandar ulit niya yung kotse.

"Look Joshua! Gusto kita and I wanna court you. Gusto kong mapasakin ka na, wala na man na tayo sa panahon ni Maria Clara na kailangan pabebe pa ang mga babae. Narito na tayo sa panahong ito, kung saan may gender equality na. Kung kaya ng lalake ang manligaw syempre kaya rin ng babae. Para't saan pa ang gender equality 'di ba?" Pag-explain ko sa kaniya. Ngunit hindi man lang siya tumugon sa akin.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon