Chapter 15

5.1K 177 11
                                    


[R-18 better skip this, if you're innocent]

Crystal Point Of View

Narito ako ngayon sa Dagat mag isa, dahil iniwan ko si Joshua roon sa garden nila Steven. Iniwan ko siya roon pagkatapos ko siyang halikan dahil nasaktan ako. Nasaktan ako dahil hindi man lang niya tinugon ang mga halik ko sa kaniya. Siguro nga, hindi niya talaga ako gusto at mas lalong hindi niya ako mahal.

Sa sobrang pagmamadali ko ngang umalis kanina ay hindi man lang ako nakapag-paalam kina Steven at Steph.

Habang tumitingin ako sa malayo ay bigla namang nag ring yung cellphone ko, kaya agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtantong si Joshua ang tumatawag sa akin.

Pero imbes na sagutin ko siya ay hinayaan ko nalang na mag ring yung cellphone ko, hanggang sa tumigil ito. Dahil wala akong lakas para kausapin siya, lalo na't alam ko na hindi niya ako mahal.

"Wala ka ba talagang balak na sagutin ang tawag ko sayo?"

Nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Joshua at naramdaman ko rin ang pag tabi niya sa akin.

"Pati rin ba ang tanong ko ay wala kang balak sagutin?"

Hindi ko siya pinansin at nanatili pa rin ang tingin ko sa malayo.

"At wala ka talagang balak mag salita?"

Nagulat naman ako ng hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap sa kaniya.

Bumungad naman sakin ang mugto niyang mga mata.

"Umiyak ba siya? Kung umiyak nga siya, ano naman ang dahilan?" Tanong ko sa isip ko habang naka-titig sa kaniyang mga mata.

"Alam mo bang muntikan na akong mabaliw ka-hahanap sayo?"

"Kanina hindi ko alam, ngayon alam ko na, dahil sinabi mo na." Sarkastiko kong sagot sa kaniya. Habang nilalabanan ko ang pag ka-titig niya sa akin.

"Alam mo ba———"

"Hindi ko alam!"

"Pwede bang ako muna ang magsalita, please?" Inis niyang paki-usap sa akin.

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon sa kaniya, tsaka ako tumahimik at hinintay ang sasabihin niya.

"Alam mo bang binaliw mo ako kanina? Dahi————"

"Ha? Hindi ko alam!" Sabat ko sa kaniya. Bigla namang nag salubong ang kilay niya at pinipigilang mainis sa akin.

"Crystal! I said keep qu——"

"Oo na! Eto na nga eh, quite na ako." sabat ko ulit. At nag sign na sinasara ang bibig ko.

"Nabaliw ako kanina sa'yo. Sino ba naman kasing hindi mababaliw kung hinalikan mo ako tapos iiwan mo nalang ako roon? Nabaliw na nga ako sa halik mo, mas lalo pa akong nabaliw ng umalis ka sa harapan ko. Hindi mo man lang na isip ang mararamdaman ko." kwento niya sa akin.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें