-

Hawak-hawak ng kanan kamay ko ang asul kong gitara at ang mga piraso ng papel, samantalang sa kaliwang kamay ko naman ay ang nakaplatong pagkain na ibibigay ko kay Zara. Kung anong naiwan kong bukas na pinto ng front door kanina, ganoon din no'ng nadatnan ko ngayon.

Walang alinlangan akong pumasok at dumaretso sa tapat ng kuwarto niya. Idinikit ko muli ang tainga ko sa pintuan para siguraduhin ulit kung tumigil na ba siya sa pag-iyak. Napangiti ako nang wala na akong naririnig na kahit anong hagulgol o kahit paghikbi manlang.

"Zara?" tawag ko sa pangalan niya pero tulad ng inaasahan ko, hindi siya ulit sumagot. "Hindi ka ba talaga magsasalita?"

Napakagat ako ng ibabang labi at napabuntong-hininga. Muli akong umupo sa tapat ng pintuan at sinimulang sulatan 'yong papel na dala ko.

Ayos ka na ba?

Iyan ang isinulat ko at isiniksik ang papel sa maliit na awang ng pinto sa ibabang parte nito. "Zara, may ibinigay akong papel sa iyo. Please, sagutan mo na lang iyon kung ayaw mo talagang magsalita."

Naghintay ako ng ilang minuto pero nadismaya ako nang wala pa siyang naibabalik na papel sa akin. Naisipan kong magsulat na lang ulit ng panibago.

May dala akong pagkain dito. Kailangan mo nang kumain. :) Siguradong gutom na ang sikmura mo.

Dalawang beses akong kumatok sa pintuan, umaasa na baka tumugon na siya kaso bigo pa rin. Napakamot ako ng ulo at napagdesisyunan na magsulat na lang ulit. Mabuti na lang, marami akong extrang papel ditong nakahanda.

Nandito lang ako. :)

Muli akong huminga nang malalim at binuhat ang gitara ko. Alam kong ito lang 'yong paraan para makuha ang atensiyon niya at pansinin niya ako. Sinimulan ko nang patugtugin 'yong gitara at sinundan ko namang ito ng pagkanta. 'Huwag kang Matakot by Eraserheads'

"Huwag kang matakot. 'Di mo ba alam nandito lang ako sa iyong tabi. 'Di kita pababayaan kailan man at. Kung ikaw ay mahulog sa bangin ay sasaluhin ki—"

Napahinto ako sa pagkanta at authomatic na umukit ang ngiti sa aking labi nang makita kong may ipinadulas siyang papel papunta sa akin. Nakahinga rin akong maluwag kasi akala ko, may ginawa na siyang hindi maganda sa sarili niya kaya hindi niya ako magawang tugunan.

Sorry.

Sinusulat ko pa lang 'yong i-rereply ko, meron ulit siyang pinadulas na papel.

Sorry kung sinisi kita.

Napasinghap ako pagkatapos ko iyon mabasa. Pagkatapos kong sulatin 'yong i-rereply ko, agad ko na itong pinadulas papunta sa kanya.

Ayos lang :) Naiintindihan ko naman, eh.

Habang naghihintay ako ang reply niya, ipinagpatuloy ko muli ang pagkanta.

"'Wag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako. 'Wag kang matakot na umibig at lumuha. Kasama mo naman ako. Huwag kang ma—"

Napahinto muli ako nang mag-reply na siya.

Sorry rin kung inilihim ko iyon sa 'yo. Sorry kung nagsinungaling ako sa iyo na hindi ko inaamin na galing sa bugbog 'yong mga pasa sa mukha ko noon. Sorry talaga, Landon.

wish i could see your smileDonde viven las historias. Descúbrelo ahora