15. The Real Reason Behind Her Bruises

355 35 20
                                    

Chapter 15: The Real Reason Behind Her Bruises

Landon

Nang sulyapan ko ang mga mata niya, kakaibang kinang at hugis nga ang nakikita ko rito. Kahit hindi siya nakangiti, may kasiyahan akong nababasa katulad ng sabi niya. Napalunok ako ng laway at saka napangiti. Sandali kaming nagtitigan pero sa hindi ko malaman na dahilan, ako na ang kusang kumalas ng titig at idinako sa ibang direksyon.

"Mabuti naman," awkward kong wika at saka tumayo. "Gutom ka na ba?" nagkakamot ng ulo kong tanong sa kanya habang hindi pa rin makatingin nang diretso.

"Hindi pa, eh." Pansin kong muli siyang humilata sa kama. "Ikaw ba?"

Napailing ako. "Hindi pa rin naman."

"Tabihan mo na lang kaya ako," aniya.

Gulat akong napatingin sa kanya. "S-Sigurado ka?" nauutal kong pagtatanong.

"Sus, ngayon ka pa nagkakaganyan. Ayaw mo ba?" Bahagya siyang umisod ng puwesto at binigyan ako ng kalahating ispasyo sa kama.

"Siyempre, gusto." Agad na akong humilata sa tabihan niya pero mga isang kalahating metro naman ang layo ng agwat ko sa kanya. Nasa may bandang tabihan ako ng pader nakahiga.

Umalingawngaw ang ingay ng katahimikan ang namagitan sa aming dal'wa. Kung may maririnig man ako, 'yon ang paghinga ko. Napatingin ako sa kanya nang maramdaman ko siyang bahagyang gumalaw. Napakunot ako ng noo nang makita kong nilalagyan niya ng dalawang unan ang pagitan sa amin.

"Para saan iyan?" tanong ko.

Nangliit ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. "Para sure na hindi mo ako mamanyakin."

"Grabe ka naman sa akin. Wala kang tiwala?"

"Hello? Kamuntikan mo na kaya akong halikan kanina sa may pinto. Baka mamaya hindi mo na ma-control ang sarili mo at gapangin mo naman ako. Mabuti na 'yong sigurado. Lalo na't nakahiga tayo pareho sa kama ko."

Bahagya akong natawa at napailing-iling ng ulo. "Promise, hindi ko na uulitin. Biro lang naman iyon kanina, eh. Ang seryoso mo."

"Siguraduhin mo lang. Sasabunutan kita."

Nalaglag ang panga ko dahil sa huli niyang sinabi pero agad din akong natawa. Sasabunatan niya ako? E, wala nga akong buhok. Paano niya magagawa iyon?

Hindi na ako umimik pa at ipinako ang atensiyon sa kisame katulad ng sunod niyang ginawa. Nakapuwesto ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng aking dibdib, habang siya nama'y may yakap-yakap na unan.

"Landon..." tawag niya sa pangalan ko.

"Uhm?.."

"Bakit ayaw mong tanggalin iyang beanie mo?"

Napalunok ako ng laway. Ilan segundo pa ang lumipas bago ako nakasagot. "W-Wala lang."

"Tanggalin mo na. Nakahiga ka na naman at nasa loob ka naman ng bahay ko."

"Ayaw ko nga." Napakagat ako ng itaas ng labi at nagsisimula na ring uminit ang mukha ko.

"Bahala ka nga diyan. Maiinitan ka niyan."

"Ayos lang iyon."

Palihim akong nakahinga nang maluwag nang hindi na siya ulit sumabat pa. Medyo nakaramdam ako ng kaba doon, akala ko magpupumilit talaga siyang alisin itong beanie ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako handa kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya 'kong walang buhok. At if ever na makita niya, siguradong malalaman na niya kung ano ang problema ko.

"Zara..." Ako naman ang tumawag sa pangalan niya.

"Bakit?"

"Bakit kulay dilaw ang paborito mong kulay?" Hanggang ngayon, hindi pa rin niya pinapalitan ang ibang kulay ang LED lights at nanatili lang sa color yellow.

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now