20. Freya's Problem

323 28 25
                                    

Chapter 20: Freya's Problem

Landon

Sa huli, wala rin kaming naging choice nina Mama kung hindi, pagbigyan ang kahilingan ni Zara na payagan siyang magtrabaho ulit. Ipinaliwag ko na kasi sa kanilang lahat 'yong tungkol sa mga pinagdadaanan niya. Tulad ko, hindi rin sila makapaniwala at nagulat din sila. Lalo na 'yong ikinuwento ko 'yong tungkol sa mga magulang niya. Naiintihan din naman nila kung bakit ganoon na lamang pagbuhatan si Zara ng galit ng nanay niya. Pero kahit na nalaman na nila 'yong rason, hindi pa rin namin maituturing na sapat na dahilan iyon para saktan niya ang sariling anak niya.

Sa ngayon, napagdesisyunan na namin na mas iparamdam kay Zara na kahit hindi niya kami kadugo, puwede siyang maging parte ng pamilya namin para hindi niya lang maramdam na wala siyang kasama. Sa bagay, puwede rin naman talaga siyang maging parte ng pamilya ko. Not now but soon, puwede rin maging 'Santos' ang apelyido niya at dahil iyon—sa akin.

"Landon, ito na 'yong perang napanalunan mo sa Song Writing Contest. Nakuha ko na kahapon," wika ni Kuya Cody at inilahad sa harapan ko 'yong isang maliit na puting envelop. 

Nandito kami ngayon sa loob ng kuwarto namin. At, kauuwi ko lang galing sa bahay ni Zara kanina. Kasalukuyan ko ngayon pinupunasan 'yong gitara ko.

Napatingin ako sa kanya. "Kay Mama mo na lang iabot iyan para pang-dagdag sa gastusin sa mga gamot ko. Saka, hindi ko naman kakailanganin iyan."

"Sure ka?"

"Oo."

"Oh, sige. Pero nakainom ka na ba ng gamot ngayong umaga?"

Bigla akong natuliro pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. Napakamot ako ng ulo. "Uhm.. Oo!" pagsisinungaling ko.

"Sige, ibibigay ko lang itong pera kay Mama."

Nang pagkalabas ni Kuya Cody mula dito sa loob ng kuwarto, agad kong kinuha 'yong bottled water at 'yong gamot na kailangan kong inumin ngayong umaga sa loob ng bag ko. Buwiset, anong oras na ba? 7:30 AM ko dapat ito iinumin kaso 9 AM na pala ngayon. Nakalimutan ko. Agad kong ininom iyon bago pa tuluyang makabalik si Kuya Cody at mahuli ako. Ang dami-dami kong puwedeng makalimutan, bakit itong importanteng bagay pa?

-

"Salamat po sa paghatid sa akin, Kuya," pasasalamat ni Zara kay Kuya Cody nang pagkalabas namin ng sasakyan. Kuya na rin ang tawag niya sa kuya ko.

Naisip din kasi namin nina Mama na mas maayos kung ihahatid namin si Zara sa kanyang trabaho gamit 'yong sasakyan ni Tito Ferdy. Pero si Kuya Cody 'yong mag-da-drive. Siyempre, no'ng una, hindi pumayag si Zara pero napilit din namin siya. Mabuti nga, hindi niya nabanggit kina Mama na pa-sikreto ko siyang inihahatid noon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nila alam 'yong tungkol doon. Kung sakaling nasabi niya, lagot ako sigurado. Masyado kasi akong pasaway.

Tumango lang si Kuya Cody na may kasamang ngiti kay Zara.

"Oh, s'ya. Tara na, Zara," pagyaya ko sa kanya. Gusto ko kasi siyang ihatid sa loob ng Mall hanggang sa mismong trabaho nito.

"Ang kulit mo talaga, 'no? Ayos na nga lang ako rito. Ilang hakbang na lang naman ang lalakarin ko. Hindi mo na ako kailangan ihatid pa doon!" iritableng pagrereklamo niya.

"Ha? Ano? Anong sabi mo? Hindi kita marinig," biro ko at inilipit sa kanya 'yong tainga ko. "Tara na!" Tila, hindi ko pinakinggan ang mga sinabi niya at agad hinila ang kamay nito para magsimulang maglakad. Narinig ko pa siyang napaismid pero wala na rin siyang nagawa kun'di pumayag.

"'Tol! Mag-ingat ka! Bilisan niyo, ha? Hihintayin kita rito!" Rinig kong sigaw ni Kuya Cody mula sa loob ng sasakyan. Nag-thumbs-up lang ako sa kaniya nang hindi tumitingin bilang tugon.

wish i could see your smileWhere stories live. Discover now