Chapter 1 ( The REAL bar and Resto )

12.3K 196 4
                                    

{ Gema's P.O.V. }

“Gema, ano mag mumukmok ka nalang dyan? Sumama ka na kasi, maganda doon promise” sabi ni Janica

Si Janica pala pinsan ko na dito lumaki sa Manila, dito muna ako nakituloy sa condo nya siya lang kasi mag isa

“Hindi naman kasi ako nag pupunta sa mga ganyang lugar” sabi ko

 

“haay nako miss MANANG wala ka na sa Pangasinan kaya itry mo din ang buhay dito, lalo kung desidido ka talaga mag trabaho dito” sabi ni Janica

“Hindi ko kaylangan mag punta sa mga ganyang lugar, mag tratrabaho lang ako, yun lang” sabi ko

“malay mo doon ka makahanap ng trabaho, kung hindi ka lalabas ng bahay walang mangyayari sa buhay mo, paano ka makakahanap ng trabaho” sabi niya

Ayyyyyyy ang kulit

“sige na, oo na, manahimik ka na mag bibihis lang ako” sabi ko

Hindi naman ako sa bar mag tratrabaho, anong silbi na ang grinaduate ko BS Secretarial Administration

“bilisan mo insan ambagal bagal mo naman” pangungulit ni Janine

Demanding grrrrrrrrr

.

.

.

.

.

.

.

The REAL bar and resto

Sa labas palang rinig na yung tumutugtog 

Ang ingay

“Kunot na yang noo mo, malamang maingay dito bar to, minsan nag tataka ako sa kinuha mong course, dapat nag madre ka nalang” sabi ni Janica tapos tumawa sya ng malakas

Panginoon pigilan mo ako masasaktan ko to kahit pinsan ko pa to

Umupo na kami

“sino bang kasama natin?” tanong ko

“mga friends ko, at boyfriend ko” sabi niya

Pa V.I.P wala pa naman sila

“Nica, ang aga ha” sabi ng lalaki

Inlove with a PROVINCE GIRLWhere stories live. Discover now