Chapter 5 ( London )

6.8K 165 3
                                    

{ Roan's P.O.V }

Antagal naman nun baka mahuli kami sa flight naming, dapat sinundo ko nalang yun eh

Ay di ko pala alam kung san nakatira yun

Iwan ko yun eh kairita

“Roan sorry, nahirapan kasi ako mag hanap ng taxi”

 

Sino pa eh di yung makupad kong hinihintay si Jologs

“Tara na baka mahuli pa tayo” sabi ko



{ Gema’s P.O.V. }

 

Andami naman yata nitong dala tapos ako isang bag lang sinabi niya grrrr…1 month tapos isang bag lang grrr….pag lalabahin pa yata ako doon…

Tatake off na yung eroplano

Bakit parang naiiwan yung kaluluwa ko

Lord help

Hindi kaya bumagsak to bigla

Nako ayoko pa mamatay

Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh bakit bumilis pataas parang nahuhugot yung bituka ko

Nasusuka ako na ewan




Nakakahiya katabi ko si Roan


Baka masuka na talaga ako


“Ok ka lang?” tanong nya

Mukha ba akong ok???

Tumango lang ako kasi baka pag nag salita ako masuka ako mahirap na


“bakit ka namumutla?” tanong nya

Hindi talaga ako makapag salita feeling ko talaga susuka ako

“pag nasusuka may plastic bag dyan doon ka sumuka, wag mo pigilan baka malunok mo yan” sabi niya

Lupa kainin mo ako nakakahiya

Nag lagay na sya ng headphone nya

Buti naman

Grabe ka Gema, iwan mo yang pagiging ignorante mo sa Pilipinas

Ay teka asan na ba kami?

Malay nako nadasalan ko na yata lahat ng santo kinakabahan ako

Paano kung malalaglag to sa dagat????

Nako naman!!!

“hey calm down, relax, walang mangyayaring masama, ok” sabi ni Roan

Akala ko tulog to

Nakapikit na mind reader??

Hinawakan nya yung kamay ko

Shitttt

Dugdugdugdugdugdug

 

Parang may karera ng kabayo sa puso ko, kelan pa naging OTB ang puso ko

Dugdugdugdugdugdugdugdug

 

Tapos parang may nag sasabong na mga paru paro sa tyan ko

Anak ng pati paru paro nag sasabong na

Inlove with a PROVINCE GIRLWhere stories live. Discover now